🏠Day 2 : Monday⏰

183 21 25
                                    

FAYE POV

"10..9..8..7" Pagbibilang ko ng pabaliktad habang Nakatitig sa Orasan ko. Hihihi yung orasan ko Hello kitty pa. Ang cute kasi niya kaso nagtataka lang ako kung bakit wala siyang bunganga. Paano kaya siya kakain? Hmm buti nabubuhay pa siya sa Mundo.

Narito ako sa Tapat ng Pinto ni Derek mah labs and his yummy pandesal na may palaman na chocolate star margarene. Nakaready na ako sa pagbubukas niya ng pinto. Dahil pag bukas niya, nakabukas na din ang blouse ko at ready niyang Kainin. Charoot! Dalang pilipina Yeh ito no! Di lang halata pero parang di na rin halata. Basta yun na yun!

De heto na sasabihin ko na ang totoo. Mamaya magalit kayo sakin eh. Tapos di niyo na basahin tong kwento ko. Huhu edi di niyo masasaksihan ang pagmamahalan namin ni Derek, ang pagpapakasal namin, ang paglalamasan- Waa my innocent mind! Paano ako napunta doon? Ikaw kasi Reader eh! Panira ka talaga sa emote ko. Hmp!

So yun nga! Basta yun na! Okey na? Char heto na talaga!

Sabi sakin ni Mommy ni Derek na Mommy ko na rin-Ang assuming ko hohoho Merry Christmas.

Kada 7am daw lumalabas ng Kwarto si Baby Derek ko with pandesal na may palaman na chocolate star margarene sa kwarto niya. Shi! Gusto kong pumasok sa kwarto niya. Ano kayang meron doon? May porn kaya? Para sabay naming panuorin next time sabay diretso Na sa kama--hala ang landi ko na. Hoy ikaw reader wag kang feeling inocente dyan!

"6..5..4..3" Malapit na may 7. Actually di pa nga ako nakaka sorry sa pag-iwan ko sa kanya kahapon. Sama ko no? Di palang kami tapos nang iiwan na agad ako. Paano naLang kaya kapag kami na :<

Pero magiging kami ba?

Wala namang ganyanan Konsensya! Panira ka sa happiness ko. Pag naging kami talaga ni baby Derek aNd his pandesal na may palaman na chocolate star margarene, magbabayad ka! Ibabaon kita sa lupa kasama ang konsensya mo.

Ay. May Konsensya pala ang Konsenya? Paano kaya nakokonsensya yung Konsensya natin sa Konsensya niya? Gosh nahihilo ako sa kakaisip!

So ayun! Magsosorry nga ako! Paulit ulit na ah! Dami kasing arte laspagin ko kayo dyan. Ay ako pala yon hehe. Di kasi ako nakalabas na eh. Di ko nga alam kung kailan nakauwi si Baby Derek and his pandesal na may palaman na chocolate star margarene eh. Pag uwi ko, dumeretso ako sa kwarto. Tapos nag isip ako.

Iniisip ko kung bumaba na yung singil ng bigas. Ay bumaba na nga pala yon. Iniisip ko na kailan kaya makikipag negosyate si Duterte sa Korya para naman magkaroon ng free concert dito ang Seventeen charoot. Iniisip ko talaga yung nabasa ko sa Horoscope ang sabi ay 'Wag kang masyadong mag isip ngayong araw dahil dapat ang ginagawa mo ay humiga at mag isip para sa iyong kinabukasan. Wag kang masyadong mag iisip ha'

Ang astig ng Horoscope ko no? Napulot ko lang kahapon yung dyaryo tapos napagdiskitahan kong basahin. Astig naman pala ang Horoscope. Bibili na ako sa susunod ng marami hehe.

De, ang totoong inisip ko talaga kagabi ay yung pagkakita ko kay Daddy. Nababahala kasi ako eh, Nagdadasal kaya siya sa Mall? Gosh! Gaano kaya kalaki ang kasalanan niya at nagdadasal siya sa mall? O baka kumakain siya sa Jollibee? Tss naiinis ako kay Jollibee di parin kami bati.

"2..1!!" Kasabay non ang pagbukas ng Pinto "GOOD MORNING BABY DEREK AND YOUR PANDESAL NA MAY PALAMAN NA CHOCOLATE STAR MARGARENE!!"

"What the hell!!" Sigaw niya. Ngiting wagas lang ako sa kanya habang naiinis niya akong tinignan. Aww naman Derek walang ganyanan hinintay kaya kita ng halos isang oras. Ahihi ang aga kong nagising eh. Nagluto pa kasi ako ng baon namin. Sabi kasi ni Mommy(Assuming talaga eh) di daw kumakain ng Breakfast tong si Derek. Kaya naisipan kong baunan siya. Nilagyan ko ng gayuma para mainlab siya sa akin. Gusto niyong malaman ang recipe? Heto lang naman.

Seven Days Where stories live. Discover now