Anesca's P.O.V:"Anesca."
Kinunutan ko ng noo si Angela na kakaupo lang sa tabi ko.
"Bakit nandito ka? Akala ko ba kakain na kayo?" tanong ko.
"Hindi kasi ako makakakain hangga't hindi kita nakakausap."
"Ako? Kakausapin mo ako?"
"Oo. Okay lang ba sa 'yo?"
"'Yon ay kung maiintindihan mo ang sitwasyon ko," sabi ko at saka ako tumingin sa malayo.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Angela. Bumubuwelo pa yata ang isang ito para makausap lang ako nang maayos. Sana nga, maintindihan niya ako. Sana, hindi siya katulad ni Marisse.
"Kilala mo ba si Renz Castillo?"
Tumango lang ako.
"Nakita mo bang iniyakan ko siya noong araw na naging zombie siya? Alam mo ba? Parang gusto ko na ring mamatay noong araw na iyon. Hindi ko rin lubos maisip na puwede palang umabot sa ganito, na kaagad-agad kukunin sa akin 'yong taong mahal ko. Gusto kong lumabas n'on. Gusto ko siyang yakapin at isama sa tabi ko pero hindi na siya 'yon eh. Halimaw na ang nasa katawan niya. Hiniling ko nga rin na sana, magkasama na kami kaagad pero binawi ko rin."
"Bakit? Natatakot ka bang mamatay?"
"Oo. Natatakot akong mamatay dahil oras na mamatay ako, hindi ko na mababalikan 'yong mga taong mahalaga sa akin at dumamay sa akin noong nawala siya. Naisip ko rin kasi, kung uunahin kong sumaya ang sarili ko, kawawa naman ang mga iiwan ko. Ayokong maging selfish. Ayokong unahin ang sarili kong kaligayahan kaya sabi ko, puwede bang huwag niyo na lang tuparin ang wish ko? Kasi marami pang nagmamahal sa akin. Na-realized ko na mahalaga rin sila sa akin. Mahal ko rin sila at 'yong mga taong mahal ko, hinding-hindi ko sila iiwan. Sana tumagal pa ang buhay ko dahil natatakot akong mawala ako sa kanila nang ganito kaaga. Kung ikaw ang tatanungin, do you really want to leave your loved ones para lang maging maligaya ka? Anesca, please, huwag kang maging selfish kasi kung mawawala ka ngayon, kawawa kaming mga nagmamahal sa 'yo. Kung sasama ka kaagad kay Jemuel, sigurado ako, hindi matutuwa iyon dahil isinantabi mo 'yong mga taong nagmamahal sa 'yo para lang sa kaligayahan mo. Anesca, alam namin na nasasaktan ka dahil sa pagkawala niya pero kung iiwan mo kami, sino nang gagamot ng sakit na 'yan? Liligaya ka nga pero masasaktan ka ulit kapag naalala mo kami."
"Sabi ko na't hindi mo–" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.
"Huwag ka munang magsalita, Anesca. Magsalita ka na lang kapag nakapagdesisyon ka na. Pag-isipan mo ang mga sinabi ko sa 'yo."
BINABASA MO ANG
When Unity is Dead (Book 1)
Mystery / ThrillerGrade 10-Unity, ang seksyon na mahirap i-describe. Minsang nag-aaway, nagpaplastikan o 'di kaya'y nagbabayanihan. Ano nga kaya ang mas mananaig kapag lumaganap na ang zombie apocalypse sa paligid nila? Plastikan? Awayan? Bayanihan? May malalantad ba...