WUID 13

155 9 0
                                    

Third Person's P.O.V:

Sobrang naapektuhan ang 10-Unity sa pagkawala ng lima nilang kaklase. Anim na ang nawawala sa kanila. Ang "The Smarty Striker" na si Dexter na talagang sinigurado ang kanilang kaligtasan noong nabubuhay pa ito, ang "The Smarty Joker" na si Chester na Top 3 ng section, ang "Barado But Sporty" na si Charles na magaling sa larangan ng badminton, ang "The Socialite Guy" na si Krade na maraming arte sa katawan pero todo ang pagmamahal kay Jona, ang "The King of Pain" na si Jemuel na ilang beses sinaktan ng mga nakaraang syota pero minahal nang sobra ni Anesca at si Ralph na "The K-Pop Hater" pero paborito ang Ex-Battalion.

Nagdurusa ang lahat. Puro hagulgol ang maririnig sa kanila. Doble ang sakit na nararamdaman nina Anesca at Jona. Ipinagluluksa nila sina Jemuel at Krade bilang kaklase at bilang kanilang minamahal.

Si Mandie, dalawang dahilan rin ang 'pinagluluksa niya. Bukod sa nawalan siya ng mga kaklase ay naki-pagbreak din sa kanya si Jace. Tinawagan siya nito. Sinabihan siya nito ng masasakit na salita. Hanggang sa nakipaghiwalay na ito ay hindi man lang siya nakapagpaliwanag. Nag-break sila nang hindi nito naririnig ang side niya.

"That truth or dare was the reason kung bakit ako nasasaktan nang ganito! Sana nakinig na lang ako kay Rhaya!" At tinignan niya nang masama si Miggy.

"Bakit bumalik ka pang lalaki ka? Sana ikaw na lang ang namatay! Kasalanan mo kung bakit namatay ang mga kaklase ko!" hiling niya habang tinitignan niya ito sa malayo.

Sa kabilang banda, kasalukuyang nakatitig si Jona sa picture nila ni Krade. That's the only photo that she had with Krade. Kuha iyon ng Valentines Day.

"Hindi na pala kita makakasama sa next valentines ano? Kailan kaya ulit kita makakasama? Miss na miss na kita eh."

"Jona."

Tinitigan niya ang kaibigan niyang si Janie na nasa tabi na pala niya.

"Nandito ka ba para damayan ako? Puwes, salamat kung gano'n." At saka niya ito nginitian nang mapait.

Bumuntong-hininga muna si Janie bago nito sinabi ang kanina pa nitong pinipigilang sabihin kay Jona.

"Tatagan mo ang loob mo, Jona. Siguro kung nakikita ka ni Krade ngayon, hindi siya matutuwa sa 'yo. Sige ka! Gusto mo bang magalit sa'yo si baboy ha? Patpat?" At lubos na pinagpapasalamat ni Janie ang pag-atake ng kaabnoyan niya.

"Hus! Ikaw ang isusumbong ko eh! Hanggang ngayon ba naman, baboy pa rin ang tawag mo sa kanya?"

"Bakit? Baboy naman talaga siya ah? Huwag mo ngang ipinagtatanggol 'yon!"

"Dapat ko lang siyang ipagtanggol 'no kasi boyfriend ko siya! Bawiin mo ang sinabi mo kung ayaw mong magalit siya sa 'yo! Sige ka, baka multuhin ka n'on!"

Sa tulong ni Janie, alam niyang madali niyang makakalimutan ang pagkamatay ng boyfriend niya.

"Bakit naman ako mumultuhin n'on, eh hindi pa naman talaga siya patay!" wika ni Janie sabay turo sa dibdib niya. "Hindi pa siya patay diyan sa puso mo na hinaharangan ng likod mo sa harap! Flat ka kasi!"

"Grabe maka-flat ah? Meron din ito!"

"Nasaan? Bakit hindi ko nakikita? Hindi mo kasi pinaano kay Krade eh! Kung pinaano mo 'yan, eh 'di sana maaalala mo siya sa malaki mong boobs na inano niya!"

"Eww! Ang dumi mo talagang magsalita!"

"Mana lang sa 'yo!"

"Anong sa akin? Ako kaya itong nagmana sa 'yo!"

Patuloy na nag-asaran ang dalawa. Ngayon napatunayan ni Jona na ito ang magiging great healer ng nasaktan at naiwan niyang puso. Makakalimutan rin niya ang pagkamatay ng lalaking mahal niya ngunit hindi niya kakalimutan ang mga masasayang ala-ala niya sa piling nito. Krade will have a special place in her heart.

Anesca's P.O.V:

"Anesca, kakain na raw sabi ni Cristel."

Pinunasan ko muna ang luha ko at saka ko hinarap si Marisse.

"Hindi ako nagugutom," I said honestly.

Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong hinila paharap sa kanya.

"Ano bang problema mo, Marisse? Hindi ba't sinabi ko naman sa 'yo? Hindi ako nagugutom! Bakit ba ang kulit mo?"

"Anesca naman kasi! Kahapon ka pa hindi kumakain! Alam mo bang alalang-alala na kami sa 'yo?"

"Wala akong pakialam kung nag-aalala kayo sa akin! Wala akong pakialam kung mamatay ako sa gutom!" Sa sobrang inis ko ay inirapan ko si Marisse. "Hindi ko naman kailangan ang pag-aalala niyo! Alam mo kung anong kailangan ko? Pagmamahal! Pagmamahal ng lalaking wala na sa akin ngayon! Ang mabuti pa siguro, mamatay na ako! Gusto ko na rin namang makasama si Jemuel eh! Hindi ko kayang mabuhay nang wala siya! Hindi ko kayang mabuhay nang wala siya sa piling ko!"

I'm just expecting na magsasalita siya but she left me like the way he left me. That girl can't understand my situation. Palibhasa, hindi pa niya nae-experience na mamatayan ng minamahal.

I love Jemuel so much. Hindi man siya ang first love ko, siya naman ang greatest love ko. He made me feel how much he love me.

"Jemuel, can you please come back to me? Miss na miss na kita!"

I can't avoid to cry. Masyadong masakit ang mga nangyayari. I can't stay in this situation anymore. I wanna die!

Angela's P.O.V:

Nakapabilog na kaming lahat. Sina Marisse at Anesca na lang ang hinihintay at kakain na kami.

"Ayan na pala si Marisse–Teka, bakit ka umiiyak?" tanong ni Jaschel pagkaupo palang ni Marisse sa tabi niya.

Ang gaga. Humagulgol lalo. Sinaktan na naman siguro ni Anesca.

"Marisse, can you please tell us your problem? Hindi 'yong umiiyak ka diyan na hindi man lang namin alam kung bakit!" masungit na sabi ni Debbie.

"Okay fine!"

Nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Marisse. Si Debbie naman kasi. Ang kulit. Hindi muna pinatapos mag-drama ang Marisse.

"Ano bang nangyari?" mahinahong tanong ni Cristel.

"Si Anesca kasi eh! Gusto na raw niyang mamatay! Wala raw siyang pakialam kung nag-aalala tayo sa kanya! Hindi naman tayo ang kailangan niya eh! Si Jemuel! Si Jemuel ang kailangan niya! Sawang-sawa na akong intindihin siya! Kung gusto na niyang mamatay, eh 'di mamatay siya! Hinding-hindi ko siya pipigilan sa gusto niya!"

"Huwag ka namang ganyan, Marisse! Sobra lang siyang nasasaktan sa mga nangyayari kaya niya nasabi iyon!" Hindi ko napigilan pang magsalita.

Imbis na pakinggan ako ni Marisse ay tinakpan nito ang tainga. Pride. Pinaiiral na naman niya ang pride niya.

I sighed.

Marisse never experience Anesca's situation that's why madali siyang nahirapan na intindihin si Anesca. I'm the only person na sobrang makakaintindi sa kanya ngayon. I experienced what she experience right now. Namatayan din ako.

Kailangan kong kausapin si Anesca.

Tatayo palang ako nang tanungin na nila ako kung saan ako pupunta.

"Pupuntahan ko si Anesca. Na-experience ko na rin naman ang mamatayan ng boyfriend kaya ako ang dapat kumausap sa kanya. Don't worry, gagawin ko ang lahat, makamove-on lang siya," 'yan ang sagot ko sa kanila.

No one reacts.

I can do this. I can persuade her to move on. Pagkamatay lang naman ni Jemuel ang kakalimutan niya, pero 'yong pagmamahal nito, hahayaan ko lang sa puso niya.

When Unity is Dead (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon