Epilogue

359 8 0
                                    


Third Person's P.O.V:

Mula sa apat na araw na pagkakahimbing ay nagmulat ng mata ang dalaga. Laking-gulat niya nang hindi ulap ang nasilayan niya at lalong hindi rin nag-aapoy ang paligid niya.

Ang buong akala niya ay patay na siya kaya nagtataka siya kung bakit puting kisame ang nasilayan niya.

"Mabuti't nagising ka na," isang tinig ang nagpababa ng mga mata niya sa paligid.

Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama niya nang makita niya ang isang babae na akala niya ay hindi na niya masisilayan pa.

"Sobrang nag-alala ako sa 'yo, anak. Akala ko, mawawala ka na sa amin nang tuluyan ng Papa mo."

"M-Mama," maluha-luhang sabi niya.

Babangon sana siya para yakapin ang ina ngunit pinigilan siya ng Mama niya.

"Huwag ka munang bumangon. Mukhang makakasama pa iyon sa 'yo," nakangiting sabi ng Mama niya.

"B-buhay pa ako?"

"Oo naman, anak."

"Pero ang buong akala ko, wala na ako eh. Ang pagkakaalam ko po, patay na dapat ako kasi inatake ako ng zombie," sabi niya at iginala niya ang mga mata niya sa paligid. "Safe pa po rito? Mabuti naman po at nakapunta kayo kaagad dito sa hospital. Mukhang mapanganib na po sa labas ngayon eh."

Biglang natawa ang Mama niya.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi naman mapanganib sa labas eh. Kung iniisip mo na nagkaroon na ng zombie sa labas, nagkakamali ka. Hindi naman kasi nakalabas ng campus niyo ang mga zombie, anak dahil nasa loob palang sila noong napatay na sila ng mga sundalo."

"P-po?" Sobrang nabigla siya sa narinig niya. "Paano po mangyayari iyon?"

Magsasalita na sana ang Mama niya nang biglang bumukas ang pinto.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya nang pumasok sa room niya ang natitira niyang mga kaklase. Dapat ba siyang magsaya dahil may nabuhay pa sa section nila o malungkot dahil 'yong mga kaklaseng iniwan niya noon ay nabawasan pa?

"Magandang umaga po, Mrs. Salviejo," binati ng mga kaklase niya nang sabay-sabay ang Mama niya.

"Magandang umaga rin. Mabuti naman at nabisita niyo ang anak ko," nakangiting sabi ng Mama niya sabay tingin sa kanya. "Iiwanan muna kita sa kanila ha? Bibili lang ako saglit ng makakain."

Magre-react pa sana siya nang lumabas ang Mama niya. Umalis ito nang hindi pa niya pinapayagan.

"Mukhang naguguluhan ka sa mga nangyayari, Trina," si Jazzine ang umagaw ng atensyon niya.

"Paano ba kasi nalaman ng mga tao na nagkaroon ng zombies sa campus natin?" she started to ask question.

"Dahil sa 'yo."

Muntik na siyang masamid sa sarili niyang laway.

"Dahil sa akin?"

"Natatandaan mo ba 'yong araw na may yumakap sa 'yo?"

Kumunot ang noo niya. "Paano niyo nalaman na may yumakap sa akin noon?"

"Sinabi sa amin ng Mama mo. Sobra  raw ang iyak mo n'on at nagmamakaawa ka na pakawalan ka ng yumayakap sa 'yo kasi akala mo zombie siya pero ang Mama mo ang yumakap sa 'yo, Trina. Noong araw na lumabas ka, hinihintay na pala tayo ng mga tao n'on, maging magulang natin ay naghihintay na sa atin. Hindi maipaliwanag ang saya ng Mama mo nang makita ka niya. Alam mo bang dahil sa paulit-ulit na paghiyaw mo na pakawalan ka niya, doon nakumpirma ng tao na totoo ngang nagkaroon ng apocalypse sa campus natin. Banggit ka kasi nang banggit ng zombie noong pilit mong ikinakawala ang sarili mo sa Mama mo."

When Unity is Dead (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon