WUID 23

146 7 0
                                    


Third Person's P.O.V:

Pumabilog ng upo ang mga natitirang estudyante ng 10-Unity. Saglit munang pinutol ni Kimiel at Mandie ang kasiyahan ng lahat dahil ayon sa kanila, ito raw ang tamang oras para pag-usapan nila ang mga susunod nilang hakbangin.

"Hihintayin niyo pa bang umabot ng dalawang linggo ang pag-ii-stay natin dito? Oo, kahit nakakulong tayo rito, nagagawa pa rin naman nating magsaya pero ayaw niyo bang maging malaya? Ayaw niyo bang makasama ang pamilya niyo na naghihintay sa atin sa labas?"

Lahat sila ay nakatitig lang kay Kimiel na determinado sa pagsasalita. Kitang-kita sa mukha ni Kimiel na gustung-gusto na niyang makalabas ng campus. Hindi niya ito ginagawa para sa sarili niya dahil ginagawa niya ito para sa kapakanan ng marami.

"Hindi tayo nakakasigurado kung paglabas ba natin ay buhay pa tayo. Oo, natatakot tayo sa kahahantungan ng buhay natin oras na kumilos tayo pero hindi naman puwedeng habambuhay na lang tayong matakot. Gumawa naman tayo ng aksyon. Labanan natin ang takot natin. Alalahanin niyo ang mga taong nag-aabang sa atin sa labas. Ayoko namang mamatay tayo ng hindi natin sila nakikita kaya sana, magtulungan tayo para makalabas na tayo rito at kung talagang mahal niyo sila, kung kinakailangang itaya natin 'yong buhay natin, gagawin natin, basta makita lang natin sila."

Napaisip ang lahat sa sinabi ni Mandie. Mayamaya pa'y magkakasabay na um-agree ang mga ito sa nais mangyari ng dalawa.

Hiningi nila ang suggestion ng bawat isa sa kanilang mga kaklase. Sa tulong ng kanilang pagkakaisa ay nakabuo sila ng plano.

"Thank you for participating, 10-Unity. Siguro, kung nabubuhay lang sila Dexter, siguradong matutuwa sila dahil nakikita nilang nagkakaisa tayo. The meeting is adjourn. Puwede na kayong bumalik sa dati niyong mga puwesto."

Isa-isang nagsialisan ang mga estudyante. Sina Kimiel at Mandie naman, bumalik na rin sila sa tabi ng kanilang mga kaibigan.

"Ang galing niyo kanina! You guys were so amazing!" sabi ni Jace dahilan para sapakin siya ng dalawa. "Totoo naman eh! Bahala nga kayo! Kayo na nga lang pinupuri, nagagalit pa kayo!" nag-iinarteng wika ni Jace sa dalawa.

Natawa na lang ang dalawa sa reaksyon ni Jace. Mukha kasing batang inagawan ng candy ang pagmumukha ni Jace. Sa lahat siguro ng batang inagawan ng candy, ito na ang pinakapangit mag-react.

Sa kabilang banda, pinagmamasdan lang ni Rhaya ang pangloloko ng dalawa niyang kaibigan kay Jace. Hindi niya alam kung bakit wala siyang ganang makisali sa pag-aasaran ng mga kaibigan niya. Siguro, apektado pa rin siya sa sinabi ni Junix kagabi.

Hindi niya ine-expect na mapapansin ng mga kaibigan niya ang pagiging tahimik niya. Ang ending, siya naman ang pinag-trip-pan ng mga ito.

"Hala! Bakit ang tahimik mo bes? Hindi ka ba nakalamon nang maayos kanina?" Kunwari, nalulungkot si Kimiel pero mayamaya lang pinagtawanan siya nito.

"Condolence bes! Bawi ka na lang mamaya! So for now, tiisin mo muna ang gutom mo!" sabi naman ni Mandie.

"Bago mo tiisin, bigyan muna kita ng trivia ha? Alam mo bang hindi tiis-ganda ang gagawin mo? Kung hindi tiis-lamon?" Ang lokong Jace, binanatan pa siya, eh ang corny naman.

Noong una, hindi siya nagpapatinag sa pang-aasar ng mga kaibigan niya ngunit sinagad ng mga ito ang pasensya niya kaya hindi na siya nakapagpigil pa at binanatan rin niya ang mga ito.

"Wow! Paano naman kayo nakakasigurado na gutom nga ako kaya hindi ako kumikibo kanina ha? May ebidensya ba kayo? Wala naman 'di ba? Sa susunod kasi, bago kayo magsalita, siguraduhin niyo muna na 'yon talaga ang dahilan kung bakit tahimik ako! Nagmamagaling kasi kayo masyado, wala naman palang ebidensya!" pambabara niya.

Tinignan niya si Kimiel. "Oh ano? Napahiya ka ano? Akala mo, nagugutom ako kaya tahimik ako! Ikaw yata ang kinulang sa kain kanina! Kung gutom ka, huwag mong ipasa sa akin ang gutom mo! Payong kaibigan lang ha? Bumawi ka na lang mamaya!"

Sunod niyang tinignan si Mandie. "Kung maka-condolence, akala mo namatayan ako ha? Bes, ikaw nga itong dapat bumati ng condolence sa sarili mo kasi nga 'di ba namatayan ka? Namatayan ka ng confidence!"

Huli niyang tinignan si Jace. "At ikaw naman, may pa-trivia-trivia ka pang nalalaman, eh hindi ka naman kasingtalino ni Dexter! Ni hindi mo nga alam kung anong English ng tanga tapos kung makabanat ka ng trivia, wagas! Pangaralan mo muna ang sarili mo bago ako!"

After niyang magsalita ay natawa siya. Natawa siya dahil natulala ang mga kaibigan niya sa sinabi niya. Wala talagang makakatalo sa kanya pagdating sa makatotohanang banatan.

Trina's P.O.V:

After mag-meeting, magkakasama kaming bumalik sa puwesto namin ng mga kaibigan ko. To be continue na naman sila sa pag-aasaran habang ako, to be continue na naman sa pag-iisip.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na si Junix ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Ang hirap tanggapin na siya rin ang dahilan kung bakit namatay ang mga kaklase ko.

He was a great pretender. Napakagaling niyang magpanggap na wala siyang kinalaman sa mga nangyayari. Ang husay niyang magtago ng sikreto. Kung hindi lang naman niya 'pinagtapat sa akin ang lahat, siguradong wala pa ring nakakaalam ng sikreto niya hanggang ngayon.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa ginawa niya.

Dapat ba 'kong matuwa dahil binigyan na niya ng kasagutan ang mga tanong ko?

Dapat ba akong malungkot dahil alam kong darating ang panahon na malalaman din ng lahat ang kasalanan niya na puwedeng magdala sa kanya sa kapahamakan?

Dapat ba akong magalit kasi dahil sa ginawa niya, maraming namatay at naghirap?

I don't know what to react. Siguro, may hinihintay pa ako para makapag-react ako sa ginawa niya. His side, I think.

"Trina, okay ka lang?" tanong ni Jaschel. Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang tipid.

"Oo naman. Okay na okay ako."

"Sigurado ka? Kanina ka pa tahimik eh."

"Don't worry, okay lang talaga ako. Sadyang malalim lang ang iniisip ko," sambit ko.

"Ano bang iniisip mo?" Her curiosity started to hit her.

"Sorry pero hindi ko pa puwedeng sabihin sa 'yo."

"Bakit naman?"

"Dahil kailangan kong hintayin na siya mismo ang magsabi sa inyo. Magagalit kasi siya sa akin kapag pinangunahan ko siya."

"Gano'n ba? Eh sino ba ang dapat magsabi sa amin?"

"Hindi ko rin puwedeng–"

"What's up, Unitians? Ang tagal din nating hindi nagkita ah?"

Dahan-dahan akong napatingin sa lalaki. Laking-gulat ko nang makita kong buhay pa pala siya.

Ang buong akala namin, patay na siya.

When Unity is Dead (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon