Jace's P.O.V:
Patuloy pa rin ang pag-ikot ng bote at ang pagtapat nito sa mga taong napili niyang tanungin at utusan. Kalahati sa amin ay nabiktima na niya. Sa kabutihang palad ay hindi pa rin ako tinatapatan. Natatakot yata sa akin 'yong bote.
"Oh my gosh! Ikaw ang tinapatan ng bote, Trina!" may patakip sa bibig na sabi ni Kimiel.
Lahat ng atensyon ay napunta kay Trina.
"Truth or Dare?" tanong ni Kimiel.
"Dare," nakapikit na sagot ni Trina.
"Okay. I dare you to holding hands with Junix. Hindi mo puwedeng bitawan ang kamay niya hangga't hindi ko sinasabi."
Alam na ng lahat na nagkagusto si Trina kay Junix kaya sinadya talaga ni Kimiel na 'yon ang ipagawa sa kanya.
Umalis si Trina sa puwesto niya para lumipat sa tabi ni Junix. Walang hiya-hiyang hinawakan niya ang kamay ni Junix. Gamit ang kaliwang kamay, pinaikot na ni Trina ang bote.
Mayamaya'y huminto ang bote at sa akin ito tumapat.
Huwag sanang sadyain ni Trina ang itatanong o ipagagawa niya sa akin.
"Truth or Dare?" mahinahong tanong niya.
"Dare," I answered.
"Makipag-comeback ka kay Mandie."
"Okay 'yon lang pala–What? Comeback? Ang hard naman yata ng ipapagawa mo sa akin!"
"Huwag kang umarte na parang hindi ka natutuwa sa pinagagawa ko sa 'yo! Hindi mo maililihim sa akin ang totoo! Kitang-kita ko sa mga mata mo na natutuwa ka dahil 'yon ang pinagagawa ko sa 'yo!"
"Gaano ka kasigurado na 'yon nga ang nakikita mo?"
"Sobrang sigurado, Jace! Anyway, nasa rules nga pala natin na kailangan sundin ng manlalaro ang ano mang inuutos at sagutin ang tinanong sa kanya! Ibig sabihin, sa ayaw at gusto mo, kailangan mong gawin ang pinagagawa ko!"
"Oo na! Gagawin ko na!"
"Good but make sure na makikipag-comeback ka hindi dahil napilitan ka lang. Ang gusto ko, makipag-comeback ka sa dahilang mahal mo pa siya. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na mahalin siya ulit dahil alam kong hanggang ngayon ay mahal mo pa rin siya."
Natameme ako.
Trina was absolutely right. I still love my ex. Mahirap kalimutan ang babaeng nagbigay-liwanag sa buhay ko. Gusto kong ibalik ang pagmamahalan namin. Na-realized ko rin na kahit nagawan niya ako ng kasalanan, hindi pa rin pala mababawasan ang pagmamahal ko sa kanya. A one sin can't destroy the love I have for her.
Umalis ako sa puwesto ko para lumipat sa tabi ni Mandie. I need to make everything right before it's too late.
"Mandie."
Tumingin sa akin si Mandie. Para akong paulit-ulit na sinasaksak nang makita ko ang pag-agos ng luha niya. Fuck, she's crying because of me.
"Jace..."
"Can we love each other again, Mandie? Can you give me a second chance to love you more?" pigil ang emosyong sambit ko.
Hinawakan ko ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
When Unity is Dead (Book 1)
Mystery / ThrillerGrade 10-Unity, ang seksyon na mahirap i-describe. Minsang nag-aaway, nagpaplastikan o 'di kaya'y nagbabayanihan. Ano nga kaya ang mas mananaig kapag lumaganap na ang zombie apocalypse sa paligid nila? Plastikan? Awayan? Bayanihan? May malalantad ba...