WUID 10

215 11 0
                                    

Anonymous 1's. P.O.V:

Sinakop na naman ng dilim ang buong paligid. Tanging ilaw lang ng mga cellphone ang nagbibigay-liwanag sa apat na sulok ng classroom.

Hindi nawawala ang komunikasyon namin sa ibang grupo. As of now, ligtas pa rin naman sila at hindi pa rin sila umaalis sa section na pinuntahan nila. Gio's list was a big help to us. Siguro kung wala ang list niya, baka nakikipaglaro pa rin kami ng habulan hanggang ngayon. Habulan with the halimaws.

"Guys!"

Napatingin kami kay Avioli. Mukhang papapel na naman siya ngayon. Kung umasta kasi siya, akala mo parte siya ng section namin. Nagdidilang-anghel siya sa tuwing kausap niya kami subalit bigla siyang nag-aanyong d*monyo pagdating kay Rhaya. Ang init ng dugo nila sa isa't isa.

"Guys! Pansinin niyo naman ako!" pagmamakaawa ni Avioli.

"Ano na naman bang kailangan mo, Avioli?" naiiritang tanong ni Rhaya.

"Wala akong kailangan, impakta! Baka nga kayo pa ang may kailangan sa akin!"

"Bakit naman namin kakailangin ang isang malanding tulad mo?"

"Don't call me flirt, Rhaya! Hindi naman ako ang nanglandi kay Miggy! Siya kaya itong kusang lumapit sa akin! Hindi ko na kasalanan kung bakit ipinagpalit ka niya! Ikaw rin naman kasi itong tanga at hindi binigay ang kailangan niya!"

"So ibinigay mo ang kailangan niya? Para sabihin ko sa 'yo, hindi lang basta-basta ang hinihingi niya dahil katawan ko lang naman ang hinihingi niya! Ngayon alam ko na! Katawan mo ang binigay mo sa kanya kaya hindi ka na virgin!"

"Malamang! Binigay na nga 'di ba? Nakakaloka!"

"Sorry naman! Anyway, bagay na bagay nga talaga kayong dalawa! Pareho kayong nagpapadala sa tawag ng laman!" pamemersonal pa ni Rhaya.

Magre-react pa sana si Avioli kung hindi lang pumagitna sa usapan si Miggy.

"Huwag na nga kayong mag-away!" Kunwari, naiinis si Miggy but deep inside, masaya siya dahil pinag-aawayan siya ng past at present niya. "Para tumigil na kayong dalawa, ang mabuti pa, mag-truth or dare na lang tayo. Obligadong sumali ang lahat," nakangising sabi pa ni Miggy.

"Group 3, tama si Miggy. Obligadong sumali ang lahat. Hindi rin kasi natin masasabi kung anong puwedeng mangyari kinabukasan kaya dapat sulitin na natin ang mga oras na ito na magkakasama tayo," wika ni Flare.

Trina's P.O.V:

Gaya ng gusto nilang mangyari ay nagsisali ang lahat.

"Simulan na natin," sabi ni Miggy at pinaikot na ang bote.

Huminto ang leeg ng bote kay Dryle.

"Truth or Dare?" si Miggy ang nagtanong.

"Dare."

"Sige. Ito ang dare ko sa 'yo. Yakapin mo ang pinakapoging lalaking nakikita mo rito."

Siguradong aasa iyan na siya ang pinakaguwapo. Sana, hindi siya ang yakapin ni Dryle.

Tumayo na si Dryle at pinuntahan ang pinakaguwapong lalaki sa paningin niya. Niyakap niya nang mahigpit ang nasabing lalaki. Si Junix.

Tumingin ako kay Miggy. Nakasimangot ang loko. Huwag kasi siyang masyadong umasa. Hindi lang naman siya ang guwapong nandito.

When Unity is Dead (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon