[CHAPTER 5]

236 10 1
                                    

(HYAZ's POZ)

Sa kasalukuyan ay sabay kaming naglalakad ni Juaquin papunta sa Condo na tinutuluyan namin. Nawi-wirdohan talaga ako sa lalaking 'to kasi ngayon napakatahimik nanaman niya. Siguro ang dami-daming pinagdadaanan ng lalaking ito. Medyo nakakailang dahil ang tahimik niyang masyado, ang naririnig ko lamang ay ang tunog ng mga sasakyan at ang mga dahon na gumagalaw dahil sa malakas na hangin.

"What are you doing?" (Takang tanong niya saakin)

(Nagtaka naman ako sa tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya ng may nagtatakang tingin)

"W-what do you mean?"(Tanong ko sa kaniya)

"You suddenly stop walking."

"What? Why would i?" (Tanong ko pa dito. tiningnan ko naman ang posisyon namin at oo nga nakatayo lamang ako samantalang siya'y nasa ikalawang palapag na ng hagdanan.)

"You're weird, nevermind let's go." (Naguguluhang dagdag nito)

"Hm." (Napapahiya kong tugon)

Nang tuluyan na akong matapat sa pinto ng Unit ko ay sinubukan kong hanapin ang susi sa wallet ko, nagtaka naman ako ng wala akong makitang susi. Imposibleng naiwan ko 'yon sa loob? (Tanong ko sa isip ko) Inalala ko ang mga ginawa ko bago ako lumabas ng unit at doon ko lang napagtantong ang Wallet at Cellphone ko nga lang pala ang nakuha ko, dahil nakasabit sa likod ng pinto ang mga Susi na meron ako.

"Hayyysh! Paano kaya 'to?" (Mahinang bulong ko)

"What's wrong?"
(Nagulat naman ako ng may marinig akong nagtanong. Si Juaquin, naanjan pa rin pala siya.)

"A-ahm, i forgot to get my keys before i go out in my unit. But it's okay, may Duplicate naman yata sila sa mga keys nang units dito."

"Need help?"

"No thank you."
(Nakangiting tugon ko baka kasi masamain niya)

"Okay, papasok na ako." (Pamamaalam niya.)

"Okay, thank you for today." (Ani ko.)

(Tumango lang siya bilang pagsasang-ayon kaya bahagya naman akong napahiya. Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya.)

At hindi na ako nagsayang ng oras tumakbo ako papalapit sa elevator para makababa sa Ground floor.

*TING!*

(Tunog yan nung elevator wag kang ano)
--_____--

At ng bumukas iyon tuluyan ko ng tinahak ito papasok. Habang hinihintay kong makapunta sa Ground floor napansin kong parang hindi gumagalaw yung number sa itaas nananatili lang ako sa Ground 12th hindi na ito bumababa. Nagulat naman ako ng bahagyang gumalaw at mawalan ng ilaw ang buong Elevator.

"Oh my God, what's happening?!" (Natatakot kong usal. Solo lang ako sa elevator na 'to kaya mas lalo akong natatakot.)

"HELP ME, HELP PLEASE!!!"

(Sigaw ko nagbabakasakali na may makarinig rito. Napapaiyak na ako dahil masyadong madilim at halos hindi ko na makita kung anong nangyayari sa paligid ko. Dali-dali kong kinuha ang Cellphone ko sa bulsa ng aking suot na jacket at binuksan ang ilaw nito.)

Natatakot ako dahil solo lang ako sa elevator na ito tapos magna-9 na ng gabi.

"Oh god please help me!" (Nag-iiyak kong dasal)

Pinalo-palo ko ang pinto ng elevator nagbabakasakali na baka may makarinig saakin.

"Anong gagawin ko?" (Tanong ko sa sarili kahit sa loob-loob ko ay natataranta at naguguluhan na ako.)

Takot ako sa madidilim na lugar. Basta everything that's dark place. Nakuha ko yata ito nung na-depressed ako nung younger age ko because of my Family.

Parati kasi ako nung solo sa bahay namin dahil iniwan nga nila ako. Ako ang bumuhay sa sarili ko sa loob ng maikling panahon. Laging madilim ang kwarto ko at parati rin akong umiiyak, natauhan lamang ako dahil may biglang dumating na dalawang babae na may edad na rin sa bahay ko at hindi sila pamilyar saakin.
Tinanong nila ako nun kung bakit ako nag-iisa, kung nasaan ang pamilya ko, at kung anong ginagawa ko sa bahay na 'yon ng mag-isa.

Ngunit tinitigan ko lamang sila nun habang umaagos ang aking mga luha sa kabuuan ng aking mukha.

"Mabuti pa ay dadalhin ka muna namin sa Bahay ampunan dahil mas makabubuti sa iyo iyon, isa pa babae ka baka kung anong mangyari sayo dito dahil mag-isa ka lamang. Hali ka't sumama ka saamin."(Wika ng isang may edad ng babae.)

Tumayo na lamang ako at sumama sa kanila dahil saaking palagay iyon ang kailangan ng aking kaluluwa. Ang may makakasama.

••••••

Bumalik ako sa katotohanan at hindi ko alam na tuloy-tuloy na pala ang pag-aagos ng aking luha at hindi na rin ako masyadong nakakahinga.

Lumipas ang ilang oras ngunit wala pa ring tumutulong saakin kaya't hindi ko na namalayan na nawalan na pala ako ng malay...

🖤~To be Continued~🖤
A/N: End of Chapter 5! Please, don't forget to Vote, Comment, and Follow! Godbless us all!💜
~Franzeynie🍂

What About Us?Where stories live. Discover now