[CHAPTER 8]
(HYAZ's POV)
Nang makaalis si Juaquin ay muli akong tumingin sa kisame at muling nag-isip.
'Ano kayang pwede kong gawin para mahanap ang pamilya ko?' o 'May dapat pa nga ba akong gawin?' 'Hinahanap din kaya nila ako?' SANA OO.
Namuo ang luha sa aking mga mata kaya mabilis ko rin itong pinigilan. Ipinikit ko nang bahagya ang aking mga mata para hindi tumulo ang aking luha.
"Hahanapin ko kayo..." (Usal ko ngunit mahina lamang at saka ngumiti.)
Makalipas ang ilang oras na pagmumuni-muni ay paunti-unti na rin akong dinadalaw ng antok. Kaya't humarap ako sa kaliwang bahagi ko at itinaas ang kumot hanggang sa aking balikat at ipinikit ang aking mga mata.
ZzzzzZz
Pagkamulat ko ng aking mga mata bahagya akong nag-hakay at nagpusipos ng dalawang mata, at saka bumangon para mapa-upo sa aking kama. Ngunit nagulat ako ng ako'y mapatingin sa aking kanan dahil nandiyan na si Juaquin at nakatingin lamang saakin ng walang emosyon.
"Anong ginagawa mo dito?!" (Nagugulat na tanong ko rito)
"Tch." (Napapailing pa niyang usal)
"Ano nga?!" (Medyo naiinis kong tanong)
"Hindi ba't sabi ko kaninang madaling-araw na babalik ako dito para tingnan ka?" (Sabi niya kaya bahagya naman akong nag-isip at oo nga may sinabi nga pala siya kanina.)
"A-ahh oo nga pala, pasensya na nawala sa isip ko" (Habang kinakamot ang aking ulo)
"Tch." (Singhal niya saakin)
"Sabi ng Doctor mo'y maaari kana daw umuwi mamayang ala-diyes."
"Ahh magaling na daw ba ako?" (Tanong ko rito.)
"Tch, hindi ka naman nila pauuwiin kung hindi ka pa magaling." (Usal niya)
Oo nga naman, ang tanga mo talaga Hyaz! (Singhal ko sa sarili)"O-oo nga." (Iyon na lamang ang naisagot ko dahil dumating ang doctor na tumitingin saakin)
"How's your feeling Ms. Hernandez?"(Tanong nito saakin habang nakangiti)
"I feel okay now Doc." (Nakangiti ring tugon ko dito.)
"That's good to hear, you can go home when we resolve your requirments." (Dagdag pa nito.)
"Okay Doc." (Usal ko rito.)
"Okay, mauna na muna ako sa inyo, babalik ako dito pag maaari ka ng umuwi okay?" (Tanong nito saakin)
"Sige po, salamat." (Pagtatapos ko ng aming usapan.)
Sinundan ko pa ito ng tingin bago ko muling sinulyapan si Juaquin. Nakatingin lang ito sa mga taong dumadaan sa kaniyang harapan.
"Hoy, tulala ka na naman." (Pangiistorbo ko rito.)
"None of your fuckin' business." (Seryosong sabi nito kaya natahimik naman ako. Bipolar ba siya? Kanina hindi naman siya ganiyan Pff!)
"Okay." (Sabi sabay siring ko dito)
Makalipas ang mahigit 4 na oras na paghihintay ay pinayagan na din akong makauwi ng aking Doctor.
Sa kasalukuyan kami'y nagkuwe-kuwentuhan habang naglalakad palabas ng Hospital."Wag ka ng babalik dito Ms. Hernandez ah?" (Pabiro nitong tanong saakin)
"Wala na din po akong balak bumalik Haha!" (At sabay kaming napatawa)
"Sige po Doc, salamat po sa pag-alaga saakin" (Nakangiting tugon ko dito)
"Walang anuman. Mag-iingat kayo pa-uwi." (Sambit nito saakin)
YOU ARE READING
What About Us?
Teen FictionShe is the girl who didn't know if where's her family she keeps asking herself if where are they? Are they still finding her? Are they still know her? Are they still remember her? Her life was full of loneliness and sadness but this Guy came into he...