(JUAQUIN's POV)
As of now i'm on my rooftop, smelling some fresh air and thinking again. Actually this is already my hobby. I love thinking and looking at the sky.
Napatingin ako sa Unit ni Hyaz at nangunot naman ang aking noo nung aking masilayan ang madilim niyang unit.
"Hindi pa rin ba siya nakakabalik?" (Mahinang usal ko)
Napagpasyahan ko na lumabas mula sa Unit ko at tingnan ang unit nito.
"Hyaz? Hyaz?" (Tawag ko sa pinto nito habang kumakatok)
Nagtaka ako sapagkat wala akong narinig na sagot mula dito.
"Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?" (Takang tanong ko sa aking sarili, kanina pa kasi siya hindi nakakabalik kaya ako'y nagtaka na.)
"May problema daw dun sa Elevator no. 3." (Sabi nung isang lalaking dumaan sa likuran ko, batid kong kausap niya ang isa pa niyang kasama)
"Ahh excuse me? Anong problema dun sa Elevator no. 3?" (Tanong ko sa mga ito, bahagya naman silang tumigil sa paglalakad at ako'y hinarap.)
"Ahh, sabi po nung Supervisor ng buong unit na ito ay nagkaroon daw po ng aberya sa elevator na iyon, hindi pa po namin batid kung ano ito, pupunta pa lamang po kami doon upang tingnan." (Mahabang paliwanag ng may edad ng lalaki)
"Maaari ba akong sumama?" (Tanong ko sa mga ito)
"Wala pong problema." (At sumabay na ako sa kanilang paglalakad.)
••••••
Sa kasalukuyan kami'y nasa harap ng isang elevator at ang dalawang lalaki ay inaayos na ang sira nito.
"Ano po ang problema nito?" (Tanong ko sa isang lalaki)
"Ahh nagkaroon po ng biglaang pagputok sa isang parte ng wire sa ilalim ng elevator kaya kailangan po naming matingnan kung may tao ba sa loob nito dahil masyadong delikado." (Paliwanag nito)
Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.
Nang tuluyan itong mabuksan nagulat ako sa aking nakita...
O____O
"Hyaz?!" (Nagugulat na usal ko.)
Sa aking nakikita walang malay si Hyaz at bahagya pa itong nakadapa at nakaharap saamin, nakabukas din ang ilaw nito na nagmumula sa kaniyang Cellphone.
"Hyaz?! Hyaz?! Tulungan niyo siya!" (Nakikiusap na may halong pag-uutos na sabi ko sa dalawang lalaki)
"Opo." (Tugon ng mga ito at mabilis na binuhat ang babae)
"Dahan-dahan lang." (Usal ko sa kanila.)
Habang naglalakad kami palabas ng Hotel na 'yon dali-dali kong hinugot mula saaking bulsa ang aking Telepono. Dagli akong tumawag sa Emergency call upang magpadala ng ambulansya.
"Hello? Kailangan namin ng ambulansiya dito sa Mega hotel may unconscious na pasyente na stucked up siya kanina lang sa elevator please pumunta na kayo dito as soon as possible!" (Tawag ko dito)
Lumipas ang ilang minuto at mabilis ding nakarating ang ambulansya sa Hotel.
Nilagay nila sa Stretcher si Hyaz at ipinasok sa loob ng ambulansya.Pumasok din ako sa loob nito dahil gusto kong makasiguro na magiging ligtas siya.
Habang kami'y bumabyahe napatingin ako sa walang malay na si Hyaz.
Para siyang anghel pag tulog, pag tinitigan mo siya ay para siya walang pinagdadaanang problema sa buhay. Naaalala ko sa kaniya ang aking nakababatang kapatid na babae ngunit pumanaw na siya.
YOU ARE READING
What About Us?
Teen FictionShe is the girl who didn't know if where's her family she keeps asking herself if where are they? Are they still finding her? Are they still know her? Are they still remember her? Her life was full of loneliness and sadness but this Guy came into he...