(JUAQUIN's POV)
Sa kabila ng pagbabalik ala-ala ko sa aking nakaraan hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa 'Philippine International Hospital' o mas kilala sa pangalang 'PIH.'
"Sir padaan po." (Nagulat ako ng may mahinang tumapik sa aking braso. Tiningnan ko ito at base sa kaniyang kasuotan sa tingin ko ay isa siyang First aider.)
"A-ahh y-yeah, i'm sorry." (Paumanhin ko dito.)
(Tumango na lamang ito bilang pagsang-ayon sa aking sinabi.)"Ahh Sir? maaari na po tayong pumasok sa loob." (Sabi saakin ng babae na isa rin sa kanila)
"Sige." (Maikling tugon ko dito.)
Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa loob ng aking bulsa dahil malamig na ang hangin, tiningnan ko ang aking relo at nangunot ang aking noo ng mapagtantong alas-onse na pala ng gabi.
Sinulyapan ko si Hyaz na wala pa ring malay hanggang ngayon. Nauunang maglakad ang ang mga nagtutulak sa Stretcher niya, nasa likuran lamang ako.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa Emergecy room ay dahan-dahan nilang inilapit ang Stretcher sa Hospital bed na hihigaan ni Hyaz.
*1*
*2*
*3*
*Yah!*Sabay-sabay na sabi ng apat na lalaki sa pagbubuhat kay Hyaz. May isang babae naman na lumapit sa may Nurse station na sa tingin ko'y pinapapunta dito sa aming puwesto.
"Nabigyan na namin siya ng paunang lunas kayo na ang bahala sa pasyente mauna na kami." (Simple ngunit Pormal na sabi ng babaeng Firt aider)
"Maraming salamat." (Tugon ng Nurse)
"Walang anuman." (At tuluyan na silang lumabas ng Hospital)
Sa kasalukuyan ay kaming tatlo na lamang ang natira ng Nurse dito, Si Hyaz na walang malay, at ako. Kasama na rin ang mga mangilan-ngilang Nurses na on duty.
Pinanuod ko ang bawat ginagawa ng Nurse kay Hyaz, Nilalagyan niya muna ito ng Oxygen sa ilong dahil mukhang na suffocate ang pasyente sa loob ng elevator kanina at saka niya ito tinusukan ng suwero.
"Sir, kaano-ano niyo po ang pasyente?" (Nang-i-interogang tanong nito saakin)
"I-i'm her Boyfriend." (Pagsisinungaling ko.)
"Ahh okay na po ang pasyente, kailangan na lamang po niya ng mahabang pahinga dahil mukhang napagod siya sa kasisigaw sa loob ng elevator kanina kaya nawalan siya ng malay."
"Sige, salamat." (Sinsero kong pasasalamat dito. Nagtaka naman ako dahil parang natulala pa siya at bahagya pa niyang in-alog ang ulo niya)
"Hey, are you okay?" (Nagtatakang tanong ko sa kaniya)
"Y-yes sir, a-ahm babalik po ako dito mamayang 2:00 in the midnight para i-check ang pasyente." (Paliwanag nito.)
"Sige." (Tipid na tugon ko sapagkat ang wirdo niya. Tsh.)
(Mabilis ang lakad na bumalik siya sa Nurse station kaya lalo akong naguluhan)
"What was that?" (Mahinang bulong ko sa sarili. Naguguluhan.)
Lumapit ako papalapit kay Hyaz kinuha ko ang upuan sa aking gilid, umupo ako at tumitig sa kaniya.
Matangos na ilong, Mamula-mulang mga pisngi, Mapulang mga Labi, Mahaba at kulot na pilik-mata, Maputi at makinis na balat, Medyo may kakapalang kilay, Singkit ngunit may magandang korte'ng mga mata, Buhok na brown at may magandang pagkakakulot, at higit sa lahat ang kaniyang mga mata hindi ko man nakikita ngunit batid kong napakaganda ng mga iyon.
Iyan ang itsura ni Hyaz. Maganda talaga siya para siyang isang Disney Princess, para siyang si Aurora sa 'The Sleeping beauty.' Sa katunayan ay mas maganda siya kaysa sa nakatatanda kong kapatid na si ate Kylhie.
YOU ARE READING
What About Us?
Teen FictionShe is the girl who didn't know if where's her family she keeps asking herself if where are they? Are they still finding her? Are they still know her? Are they still remember her? Her life was full of loneliness and sadness but this Guy came into he...