Charity's uniform is on multimedia...
Charity
Here I am looking at the human sized mirror. The color of the scarf is darker than my hair. Nakalagay ang weapons ko sa likod ng palda ko.
"Hey Charity! You done?! We want to see na!" Maarteng sabi ni Eumee mula sa labas. Napabuntong hininga naman ako at lumabas na.
Halos lumuwa ang mga mata nila ng makita ako. Palihim akong napangisi, ang sexy kasi nitong dinesign ni Irie eh, may dalawang punit ito na nasa tapat ng legs ko, tapos yung pang top ko naman ay nakikita ang tyan ko.
Mamaya lang ay lumabas na kami sa locker room ng girls, naabutan namin ang boys sa labas. Napangisi naman si Dave habang yung iba parang napanganga. Boys are boys anyway.
"Will you look at that." Sabi naman ni Dave.
"I knew this uniform will come in handy." Sabat ni Irie at pinagmasdan ako ng mabuti. Napatingin ako sa boys, at pansin ko lang.
"Dave, why don't you have the same uniform as the others?" Tanong ko dito. Napalingon naman ito saakin.
"As The Boss, dapat naiiba ang uniform ko sainyo." Sagot niya naman saakin, napairap nalang ako.
"Sa mga normal students dito, white polo, black or white tie, at black slacks or skirt lang ang uniform. Habang tayo ganto lang." Sabat ni Ivan. Napakunot ang noo ko lalo.
"Hindi ba dapat black at white rin suot natin?" Napangisi naman si Dave sa sinabi ko.
"Wala naman silang pakealam saatin eh." Sagot naman ni Clever. Napatingin naman ako sa iba at napakibit balikat nalang sila.
"They're naive actually. They don't even know if The Angel will attack them anytime soon." Sabat naman ni Gian. Nakakpagtaka lang pero nakakaamaze, dahil nakikita niya pa dinadaanan niya. Napapiring kasi ang mata eh.
Ng matapos nun ay, we parted our ways. Ewan ko kung saan na sila nag pupupunta, basta bahala sila patay nilang buhay. Ang weird sabihin.
Naglibot muna ako sa buong lugar, and Jasper was right, it was a whole school campus. May baseball court, basketball ang volleyball court, buildings, classrooms, comfort rooms, and more.
Madaming magandang pagtambayan but I ended up being amazed in the rooftop. Mahangin dito sa taas at bahagyang lumipad ang scarf ko.
Pumunta ako sa may tapat ng railing at dinama ang hangin, no wonder napapakapagkamalan ito na mundo. Mamaya lang ay may naramdaman na presensya sa likod ko.
Naging alerto naman ako at agad nilabas ang shurikens ko agad akong humarap dito at ibabato na sana sakanya ng bigla nalang akong napasandal sa railing habang nanlalaki ang matang nakatingin kay Dave.
Yup, The Boss.
"Ano nanaman ba?" Walang emosyon kong tanong dito. Napangisi nalang ito sa bati ko sakanya. Napairap ako at tinulak siya.
Humarap nalang ako sa railings at hindi na siya pinansin, pero damn, panira ang presensya niya.
"What are you doing here anyway?" Tanong ko dito. Mamaya lang ay tumabi ito saakin, pero hindi sobrang lapit.
BINABASA MO ANG
The Afterlife (ON-HOLD)
ParanormalCharity died in an accident, but suddenly woke up on the floor, no blood stains, no bruises, no pain. But she couldn't find both of her parents. What will happen to her? Will she be lonely at that world, or the so-called AfterLife World? Hmm. Read...