Inatasan si Arcusea na humanap ng isang lugar na paglalagyan sa mga bagong nilalang na kanilang pinlano.
"Kataas-taasan, natatakot po akong baka ako'y pagtaksilan nang mga nilikha." ang sabi ni Arcusea sa kanyang pinuno.
Subalit walang nagawa si Arcusea kundi sundin ang ibinilin sakanya ng kanyang kataastaasan.
Nakahanap si Arcusea ng isang lugar kung saan maaari niyang paglagyan sa mga bagong nilalang.
Nilikha ni Arcusea ang Tao sa mundong iyon.
Binigyan niya ng kakayahan ang bawat isa na angkop lamang upang mabuhay sa mundong iyon.
Subalit may mga nilalang din doon na nauna at ang mga ito ay mababangis.
Sinubukang pakiusapan ni Arcusea ang mga naunang nilalang doon, subalit hindi nakinig ang mga iyon.
Lumikha ng digmaan ang mga naunang nilalang doon.
Mababangis at animoy mga hayop kung sila ay pumatay.
"Hindi talaga nila alam ang mapayapang pagsasama." ang sabi ni Arcusea sa kanyang sarile.
Pinalakas ni Arcusea ang kakayahan ng bawat nilalang niya upang maibagay sa mga naunang nilalang sa mundong iyon.
Lumikha ang mga nilalang ni Arcusea ng mga armas upang pansamantalang magapi ang mga naunang nilalang.
Nagtagumpay ang mga nilalang ni Arcusea.
Dumating ang panahon na iiwan na ni Arcusea ang kanyang mga nilalang upang pabayaan silang mamuhay ng payapa na wala ang kanyang gabay.
"Mahal na Arcusea, Bakit niyo po kami iiwan?" ang tanong nang kanyang isang nilalang sa kanya.
"Mga anak hindi ko kayo iiwan. Akin rin lamang kayong babantayan mula sa aking pupuntahan." ang sagot naman ni Arcusea.
"Aking iiwan sainyo ang aking mga utos. Sundin ninyo ito upang kayo ay mabuhay ng mapayapa at hindi ako mag-aalala." ang dagdag pa ni Arcusea.
"Huwag ninyong isiping ako ang inyong Diyos o isang Bagay na inyong sasambahin. Dahil mayroon din akong Pinuno. Huwag kayong gagawa ng ikapapahamak nang inyong lahi. Huwag kayong gumawa ng digmaan laban sa mga nauna sainyo, kayo ay mga dayuhan lamang dito, ang tanging gawin niyo lang ay ang protektahan ang inyong lahi sa mga naunang nilalang na magtatangka sainyo. Huwag kayong gagawa ng isang kapangyarihan na maaari ninyong ikapahamak. Hindi ko bababawiin ang aking ibinigay na kapangyarihan sainyo, subalit huwag ninyo itong gamitin laban saakin." ang mga karagdagan pang sinabi ni Arcusea.
"Masusunod po." ang nasabi ng mga Nilalang niya sakanya.
"Akoy magtatampo sainyo at aking kayong itatakwil kung inyong susuwayin ang aking mga iniutos." ang karagdagang pang sinabi ni Arcusea.
Iniwan ni Arcusea ang mundong iyon nang mapayapa at walang anumang banta ng mga naunang nilalang.
Subalit nagdaan ang maraming panahon, nagsimulang naging mas makapangyarihan pa ang mga nilalang ni Arcusea.
Lumikha sila ng mga panibagong kapangyarihan na puweding ipanglaban.
Ang kapangyarihang lumikha ng bagay at ang kapangyarihang lumikha ng buhay ay nakamit na nila.
Subalit isang pagkakamali ang pagkatuklas nita.
Naisipan ng ilang mga tao na lumikha ng isang buhay na maaaaring tumapat o mas malakas pa kay Arcusea.
At nilikha nila si Racicius subalit bago nila nilikha ito ay nagbuwis muna ngn maraming buhay ang lumikha kay Racicius. Halos kalahati ng buhay ng mga nilalang sa mundong iyon ay naubos dahil dito.
Subalit imbis na sumunod si Racicius sa taong lumikha sakanya, ay naging kalaban ng tao si Racicius na tinawag ng "Luciferus" na ang bansag ay mula sa Israelite Mythology na "Ang tagapagsubok".
Halos maubos ang lahat ng nilalang sa mundong iyon kabilang na ang mga naunang nilalang.
"Hindi ako matatalo ng inyong tagapaglikha! Ahahaha!" ang sigaw ni Racicius Luciferus habang winawasak niya ang bawat madaanan niyang mga lugar.
Alam ni Arcusea at ilang mga Ahgedria ang nangyayari sa mundong biniyayaan ni Arcusea.
Agad na nagpunta si Arcusea sa mundong iyon na may pagtangis at lungkot.
Lumikha ng hukbo si Ricicius bilang paghahanda sa pagdating ni Arcusea.
Dumating na nga si Arcusea at ang ilang hukbo ng Ahgedria upang tapusin ang kaguluhan sa mundong biniyayaan.
Ang digmaan ng mga makakapangyarihan ay naganap. Animoy isang dilobyo ang nangyayari. Mga balahibong nagliliparan, mga bangkay ng mga halimaw at mga Ahgedriang nag babagsakan, mga batong naglalaglagan.
Hanggang si Arcusea na ang mismong lumaban.
Isang kumpas lang ng makapangyarihang espada ni Arcusea ay nagsiwalaan ang mga halimaw na hukbo ni Racicius Luciferus. At si Racicius na lamang ang natitira.
Iminulat ni Arcusea ang kanyang mga mata at namula ito sa galit.
Imbis na si Racicius ang kanyang pinarusahan, ay ang mga taong lumikha kay Racicius ang kanyang tinapos.
Tinanggal ni Arcusea ang kapanyarehan sa mga taong kanyang nilalang.
Hindi na nakagalaw si Racicius sa kanyang mga nakita.
Ngumiti na lamang si Racicius.
"Bakit? sasama ka na rin ba sa aking hukbo?" ang tanong ni Racicius kay Arcusea.
Ibinaling ni Arcusea ang kanyang tingin kay Racicius.
Agad na lumapit si Arcusea kay Ricicius ngn malapit na malapit.
"Hindi ako ang lumikha saiyo. kaya wala akong karapatang tapusin ka." ang sabi ni Arcusea ng may pagluha.
"Ang kapangyarihang nananalaytay saiyo ay bahagi nang kapangyarihang hinobog ng mga taong ito mula sa aking kapangyarihan. Hindi kita kilala bilang isang anak o nilikha. Ikaw ay nilikha ng aking mga nilikha." ang dagdag pa ni Arcusea.
At ipinatong ni Arcusea ang kanyang mga kamay sa ulo ni Racicius.
Isang liwanag ang bumalot kay Racicius at siya ay naglaho.
"Ramdam ko pa rin ang kanyang kapangyarehan." ang sabi ng isang tao kay Arcusea.
"Bakit hindi mo siya agad na tinapos." ang dagdag pa nito na sinisisi si Arcusea.
"Mga lapastangan! Ito ay isa sa aking kaparusahan sainyo." ang sagot nang galit nang si Arcusea.
"Walang kasalanan ang inyong nilikha, kayo ang may kasalanan sa mga ito, kung sinunud niyo lang ang aking mga utos, hindi siya malilikha. Akin siyang pinananatiling buhay at lumalakas pa upang kayo ay kanyang parusahan. SInira ninyo ang tiwala ko sa inyo." ang dagdag pa ni Arcusea.
"Subalit hinihiling kong magpalakas kayo palakasin ninyo ang natitirang kapangyarihan sa inyo at talunin niyo ang inyong nilikha. Akin lamang kayong tinulungan ngayon dahil sa hindi kayo naging handa. Kaunting habag na lamang ang natitira saakin para sainyo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang umalis kasama ang kanyang mga Hukbo Pabalik sa Ahgedria.
Mula noon ang mga halimaw ni Racicius Luciferus ay nananatiling lumalabas at naghahasik ng kaguluhan sa mundong biniyayaan.
Walang nagawa ang mga tao at mga naunang nilalang kundi ang depensahan ang kanilang lahi.
"Mga anak at mga naunang nilalang. Darating ang panahon muli akong magbabalik. Akin iniwan diyan ang aking bahagi upang kayo ay pangalagaan." Ang nasabi ni Arcusea mula sa Ahgedria.
![](https://img.wattpad.com/cover/164548504-288-k540409.jpg)
YOU ARE READING
ARKHA (the fantasy battle story)
FantasyAng kuwento ng isang Arkha na iniwan ni Arcusea (Isang Heavenly Intity na lumikha ng mga tao sa mundo ng Diodaio). Ang Arkha ay ang isang bahagi ni Arcusea na iniwan niya upang mangalaga sa Diodaio. Nakatakda siyang tulungan ang mga nilikha ni Arcus...