Dalawang araw na ang lumipas noong natapos ang labanan sa Doria na kinasangkutan nina Bit.
Sa Nekos Kuripo Guild House, habang naghahanda ng pagkain si Bit ay nabanggit ni Arca ang mga Arkhan na nakasama nila sa labanan.
"Oo nga ano, kumusta na kaya yong isang Secara?" ang tanong ni Bit.
"Ligtas naman na siya pero sa ngayon nananatili paren siya sa pagamotan." ang sagot naman ni Arca.
"Mamaya ay dapat nating dalawin ang Secara na iyon." ang sabi ni Bit.
Ngumiti na lamang si Arca bilang pagsang-ayon sa mungkahi ni Bit.
"Ngayong napag-usapan natin ang tungkol sa labanan sa Doria, Si-ahm si Emerald..." ang hindi matuloy tuloy na sinasabi ni Bit.
"Hindi ko alam kung saan niya natutunan ang ganong klaseng kakayahan." ang patuloy ni Bit.
"Hindi natin masukat o masabi kung ano ba talaga ang kakayahan ng isang Amelasorian." ang sabi naman ni Arca hanag tinitignan niya si Emerald sa labas na naglalaro.
"Maaaring likas na sa Amelasorian ang ganong kalakas o ganong kakayahang hindi natin masukat." ang patuloy pa ni Arca.
Inalala ni Bit ang nakaraan sa labanan sa Doria kung saan si Emerlad ay sumugod at pinapagsak na ganoon kadali ang natitirang halimaw.
"Ang ganong klaseng kakayahan ay hindi normal sa isang batang Amelasorian. Kung sabagay maging ako ay hindi alam kung bakit alam kong makipaglaban, kung bakit alam ko ang karamihan sa uri ng pakikipaglaban." ang sabi ni Bit sa kanyang sarile.
"Siya nga pala Bit, Naibayad mo na ba ang kabayaran natin sa misyon sa Guild Management?" ang tanong ni Arca.
"Oo naman, may natira pa namang gagamitin natin dito sa Guild house." ang sagot naman ni Bit.
"Sa tingin mo magiging qualified kaya si Emerald bilang miyembro ng ating Guild?" ang tanong ni Arca.
"Ayoko sanang isali siya sa Guild dahil sa masyado pa siyang bata, pero sa kakayahan niya maaari siyang makatulong saatin hindi ba?" ang patuloy pa ni Arca.
"Ehehe nasilista ko na siya kahapon si Emerald bilang pangatlong miyembro." ang sagot ni Bit kay Arca.
"Huh anoooo!!!!... isinali mo siya ng hindi man lang sinasabi saakin, uiii Bit anak natin siya dapat alam ko din kung ano pinaggagawa mo kay emerald.!!!" ang galit na pagkasabi ni Arca.
"Anak? eh? Grabi to OA na siya sa pagiging nanay ni Emerald dinamay pa ako." Ang sabi ni Bit sa kanyang sarile.
"Oh bakit hindi ka makasagot?" ang tanong ng galit pang si Arca.
"Eh, teka, nagtanong kaba ? anong sasagotin ko don eh hindi naman yun tanong, at saka. Kung saka sakali sundan na natin siya!!" ang sabi ni Bit kay Arca.
"A-anong ibig mong sabihin na sundan na natin siya? ahm yu-yun bang bigyan na natin siya ng Kapatid?" ang sabi ni Arca na namumula ang pisngi.
"Niyahaha hindi ba halata, Biro lang yon, ahahaha!" ang mga sinabi ni Bit kay Arca.
Kinuha ni Arca ang pinggan sa kanyang harapan at ibinato kay Bit.
"Waaaaaahh!!" ang tanging nasabi ni Bit.
"Nakakainis ka akala ko pa naman seryoso ka sa sinabi mo." ang sabi ni Arca nang pabulong.
Naging opisyal na nga ang Nekos Kuripo Guild sa Guild Lists. Balita sa ibang Guild ang nangyaring labanan sa Doria at naging usapusapan ang paglitaw ng Guild nina Bit at Arca.
Sa Arkhan Guild...
"Kahati natin sa kabayaran ng misyon ang Guild na iyon, hindi bat isang malaking insulto saatin ang nangyaring iyon?" ang sabi ng isang Mandirigma kay Jarin.
![](https://img.wattpad.com/cover/164548504-288-k540409.jpg)
YOU ARE READING
ARKHA (the fantasy battle story)
FantasyAng kuwento ng isang Arkha na iniwan ni Arcusea (Isang Heavenly Intity na lumikha ng mga tao sa mundo ng Diodaio). Ang Arkha ay ang isang bahagi ni Arcusea na iniwan niya upang mangalaga sa Diodaio. Nakatakda siyang tulungan ang mga nilikha ni Arcus...