Isang magandang dapit hapon sa bahay kung saan inilagay nina Bit at Arca ang kanilang Guild na Nekosh Kuripo o ang Red Creeper Guild.
Habang sila ay kumakain ng hapunan sa isang lumang mesa..
"Kung ganon wala siyang naaalala sa nakaraan niya?" ang tanong ni Bit kay Arca.
"Bukod sa kanyang salitang Anglerion, wala na siyang ibang malala." Ang sagot naman ni Arca.
"Emerald, Ukosh muen weku saosh beku wa woakoka? (Ilang taon na ba ang nakaraan nong nalaman mong wala kang maalala?" ang tanong ni Arca kay Emerald.
"ohm, Kuwo (lima)?". ang sagot naman ni Emerald habang may laman pa ang kanyang bibig at hawak niya ang isang bahagi ng karne sa kanyang kanang kamay.
"Kung ganon limang taon na siyang walang maalala,." ang sabi ni Arca.
"Mahirap siguro ang naging buhay niya na mag-isa. Kasi kung titignan mo mukha siyang Walong taong gulang pa lamang." ang sabi naman ni Bit habang nakasalumbaba at tinititigan si Emerald.
"Naikuwento niya saakin ang ilan sa mga pinagdaanan niya sa limang taon." sabi ni Arca kay Bit na halatang malungkot.
"Hindi naging madali ang pamumuhay niya rito. Nagising siyang sa gitna ng gubat na wala nang maalala hanggang mapadpad siya sa Siyodad na ito. May ilan daw siyang mga sugat pero madali lang itong naghilum dahil siguro sa isa siyang Amelasorian." ang kuwento no Arca.
"Humingi siya ng tulong sa mga tao sa suyodad subalit hindi siya maintindihan, at isa pa dahil siguro sa isa siyang amelasorian. Walang tumulong sakanya, hanggang sa mapadpad siya sa bahay na ito. Malayo sa mismong bayan, mapayapa at walang manggugulo sakanya. Subalit kailangan niyang kumain, sinubukan niyang tumulong sa mga tao at humingi ng limus, subalit imbis na bigyan siya, minaltrato pa siyang isang hayop, itinali daw siya na parang isang aso. Nang nakatakas siya sa mga taong iyon, napilitan siyang magnakaw ng ilang mga pagkain para lang mabuhay pero ang ninanakawan lang niya ay mga taong masasama, iyon ang sabi niya, sinubukan niya ring magtanim sa likuran ng bahay nato, subalit sinisira rin lang ng mga hayop ang kanyang mga tanim. At nito lang may naitanim siyang patatas sa likuran." ang patuloy pang kuwento ni Arca na halata nang tumutulo ang mga luha nito. Hanggang sa..
"HUwaaaaaaa,,!!!! HUwaaaaa!!!." ang iyak ni Arca.
"Eh? Arca UI wag ka nang umiyak..." ang sabi ni Bit kay Arca habang hinahaplos nito ang likod ni Arca.
"Oo ngat mahirap yong pinagdaanan niya, pero tignan mo siya, hindi bat malusog siya at masaya?" ang sabi ni Bit habang nakangiti na ito.
"Hindi mo naintindihan Bit, Ako namuhay ng marangya sa Arkhan pero wala man lang akong naisip na may isang Emerald pala na nabubuhay ng ganito kahirap." ang sabi ni Arca habang pinupunasan pa niya ang patuloy ding tumutulong luha ni Arca.
"Mama Alca, beyo lo os euka, wolayo sobos ola pobuk solukoka la loa. (Huwag ka nang umiyak, mayasa naman ako dahil nakilala ko kayo.)" Ang sabi ni Emerald na nakangiti kay Arca.
Niyakap ni Arca si Emerald.
"A-anong sabi niya?" ang tanong ni Bit.
"ang sabi niya, masaya siya kasi nakita na niya ang papa at mama niya." ang sabi ni Arca na nakangiti kay Bit.
"Eh?" ang tanging nasabi lamang ni Bit.
Biglang bumulong si Emerald kay Arca.
Pagkatapos ng bulong ay napangiti si Arca.
"Bit, gusto daw niyang matutung magsalita ng salita natinh para makausap ka niya ng wala ako. Ano kayang sasabihin ni Emerald sayo?" ang sabi Arca habang nakangiti.
YOU ARE READING
ARKHA (the fantasy battle story)
FantasyAng kuwento ng isang Arkha na iniwan ni Arcusea (Isang Heavenly Intity na lumikha ng mga tao sa mundo ng Diodaio). Ang Arkha ay ang isang bahagi ni Arcusea na iniwan niya upang mangalaga sa Diodaio. Nakatakda siyang tulungan ang mga nilikha ni Arcus...