Libo-libong taon na ang nakalipas mula noong huling nagpakita si Arcusea sa mga taga mundo. At para sa mga tao, ang mga nangyari ay isa na lamang alamat.
Nagpatuloy parin ang paglitaw ng mga halimaw, subalit nagawa ng mga tao ang harapin ang mga ito. Para sa mga tao, ay normal na lamang ang pagkakaroon ng mga mababangis na halimaw na bigla na lamang lumilitaw sa iba't-ibang lugar.
Bumuo nang maraming grupo ng mga mandirigma sa iba't-ibang lugar ng mundo, at isa na rito ang "Arkhan Guild" na isa sa mga hinahangaang grupo ng mga mandirigma. At sinasabing hawak nila ang iniwang bahagi ni Arcusea na tinatawag nilang Arkha.
Ang "Arkhan Guild" ay itinayo sa gitna ng isang siyodad. Ang siyodad ng Junis kung saan sinasabing doon naglaho si Racicius.
Isang hating gabi ang animoy payapa. Isang taong naka nalabal ang tumatakbo na para bang may tinatakbuhan siyang humahabol sakanya.
"Bumalik ka dito." ang sigaw ng isang taong humahabol nga sakanya.
"Kung kaya niyo akong hulihin, gawin niyong puwersahan." ang sagot naman ng taong naka balabal. At ang boses niya ay isang batang babae.
Walang ano - ano ay naglabas ng malaking espada ang lalaking humahabol sa batang babae.
"Arc Ji!" ang sigaw ng lalaking naglabas ng espada na kanya nitong inihampas sa hangin.
At isang animoy talim na gawa sa hangin ang mabilising lumabas mula sa espada ng lalaki at mabilisan ding papalapit sa babaeng tumatakbo.
Subalit biglang umikot ang batang babae at mapapansing may lumabas na apat na talim mula sa kanyang sisidlan ng armas. At ang apat na patalim na iyon ay umikot nang mabilis na para bang gumawa ng isang makapal na pananggalang laban sa papalapit na Hanging talim.
Nasira ang talim na hangin na ginawa ng lalaki.
Naging mas mabilis pa ang takbo ng batang babae at hindi na nakahabol ang lalaki.
"Ayus nailayo ko na siya." ang masayang sabi ng batang babae habang patuloy pa siya sa pagtakbo.
Samantala sa mismong opisina ng "Arkhan Guild" nakatayo ang isang lalaking may mahabang balbas at nakatingin sa labas mula sa isang malaking bintana., at may isa pang lalaking may suot na makapal na baluti at may hawak itong kalasag.
"Ang Arkha ay hindi dapat mag-ugali ng ganoon." ang sabi niya.
"Pinunong Jarin. Ginagawa na po namin ang lahat upang maibalik natin si Arca sa Arkhan." ang sabi naman ng isang Mandirigmang nakasuot ng makapal na baluti.
"Mula noong isinilang ang batang iyon ay sigurado na akong siya ang Arkha, Kinuha siya ng ating samahan mula sa kanyang mga magulang upang manitahan siya rito sa Guild. May mga katangian siya nang isang tunay na Arkha." ang sabi ni Jarin.
"Nasa propisiya na na muling isisilang ang Arkha kahit ito ay mamatay pa. Libong taon na ang nakalipas mula noong nawala ang Arkha, subalit sinabi niya na muli siyang magbabalik bilang isang tunay na tao. At tinupad niya ang kanyang sinabi. Isinilang siyang tao at naging bayani sa mga labanan, Subalit dahil sa pagiging tao niya, siya rin ay namamatay. Subalit sabi niya muli siyang isisilang." ang dugtong pa ni Jarin.
"Subalit ang Arkhang nasa atin ngayon ay hindi maalala ang nakaraan niyang buhay." ang sabi naman ng lalaking may makapal na baluti.
Bahagyang tumahimik si Jarin.
"Maaaring hindi pa panahon upang maalala niya ang kanyang nakaraang buhay. Bata pa si Arca at kailangan pa niyang maintindihan ang mga pangyayari." ang tanging nasabi ni Jarin.
YOU ARE READING
ARKHA (the fantasy battle story)
FantasyAng kuwento ng isang Arkha na iniwan ni Arcusea (Isang Heavenly Intity na lumikha ng mga tao sa mundo ng Diodaio). Ang Arkha ay ang isang bahagi ni Arcusea na iniwan niya upang mangalaga sa Diodaio. Nakatakda siyang tulungan ang mga nilikha ni Arcus...