Chapter 5 ( Leadership)

2 1 0
                                    

Winasak na nang tatlong Gaburon na may pakpak ang bayan ng Urfion at ngayon ay nasa bayan na sila ng Doria, ipinadala ni Jarin ang limang Mandirigmang Arkha upang tapusin na ang tatlong malimaw na iyon subalit isa pa lamang ang kanilang napa bagsak, patay na ang kanilang mission leader at tatlo na lamang silang natitira.

Samantala sa ARkhan Guild..

"Pinunong Jarin, Nakarating napo ang dalawang miyembro ng Guild na makakasama natin sa misyon." ang sabi nang isang tagaulat kay Jarin.

"Ipakita mo sakin ang mga larawan ng labanan doon." ang utos ni Jarin sa isang tagaulat.

Iniaayos ng tagaulat ang mga monitor ng guild at ipinalabas ang mga kasalukuyang pangyayari sa Doria. Kuha ang videong ito sa suot na baluti ng isa sa mga natitirang mandirigma ng Arkha.

Hindi malinaw ang kuha subalit kita sa mga larawan ang malubhang kalagayan ng bayan ng Doria.

Hanggang sa nakita na nga sa larawan ang dalawang anyo ng mandirigma ng Nekos Kuripo Guild.

"Sino naman kaya ang mga Nekos Kuripo na iyan?" ang tanong ni Jarin.

"Pinuno, pagdating na pagdating nila ay napagbagsak nila ang isa sa dalawang natitirang halimaw, subalit hindi pa namamatay ang halima na iyon." ang sabi ng isang tagaulat kay Jarin.

Hindi na nakapagsalita si Jarin at pinapanuod na lamang ang mga pangyayari sa Doria.

Samantala sa Doria.

Nasira ang isa sa dalawang Mechanical Sword ni Bit dahil sa paggamit niya ng isang Card skill ng isang Banayi.

Sina Bit at Arca ay nakasuot ng mechanical helmet upang makita ang ilan sa mga detalye ng halimaw o lugar na kakaharapin nila. Binili ni Bit ito gamit ang kanyang sahod sa paggawa ng Mechanical na armas.

"Bakit wala tayong ganon?" ang tanong ng isang Banayi sa kanyang kasama.

"Mayaman ang Arkha pero bakit nga ba wala tayong gamit? eh samantalang sila ay bago lamang." ang patuloy pa ng isang Banhara.

Lumapit si Bit sa mga mandirigma ng Arkhan.

"Mga Arkhan, Maaari bang sabihin niyo saakin ang kalagayan ng lugar na ito?" ang tanong ni Bit sa tatlong natitirang Arkhan.

Hindi sumagot ang mga ito at tinignan lamang nila si Bit ng pataas at pababa.

Ilang sandali pa ay..

"Ano ba ang karapatan mo at nagtatanong ka saamin ng ganiyan? Pinuno kaba namin?" ang mga tanong ng isang Secara kay Bit.

"Madali natin tong matatapos kung magtutulongan tayo." ang sabi ni Bit.

Nang biglang umataki ang isa sa dalawang halimaw.

Inihampas ng halimaw ang kanyang malaking espada kina Bit at tatlong Arkhan.

Mabuti na lamang at nakuntra ito ni Bit sa pamamagitan ng kanya ring espada.

Malakas ang shock wave ang nailabas ni Bit at ng halimaw sa pagdampi ng kani-kanilang sandata sa isa't-isa.

Itinutok din ng Banayi ang kanyang baril sa halimaw at ipinutok ito. dahilan ito ng pag atras ng halimaw sumandali.

"Kailangan nating magplano madali." ang nasabi agad ni Arca sa lahat.

"Kailangan nating magtulongan." ang sinabing muli ni Bit.

Walang nagawa ang tatlong Arkhan kundi subukan ang naisip na plano nina Bit.

Nagpunta sina Bit at ang tatlong Arkhan sa isang bahay.

"Siguraduhin mong magiging matagumpay ang plano mo kundi ikaw ang uunahin namin." ang banta ng Banhara kay Bit.

ARKHA (the fantasy battle story)Where stories live. Discover now