PART 4

1.9K 21 0
                                    

>> PAGKATAPOS nilang kumain ay sinimulan nang tanungin ni Marco si Geminis tungkol sa kanyang sarili. Mabuti at sa puntong iyon ay medyo bumalik na ang konpiyansa niya sa sarili kaya naging maganda ang takbo ng pagsasagot niya kay Marco, bagay na ikinatutuwa naman ng ninang Biangca nito.

"well, I'd say you're fit for the position Geminis. I'm looking forward to working with you. I'm impressed with you resume. I hope you meet my expectations from now on." wika ni Marco dito.

"i'll do my very best sir Marco" sabi naman ni Geminis.

"very good. By the way, i'm sure auntie Biangca already told you i'm half Filipino so don't hesitate to speak to me in Tagalog. I actually speak the language." sabi ni Marco sa kanyan.

"yes sir." sagot naman nito kay Marco at nagpapasalamat siya dahil hindi mapipilipit ang dila niya sa pagsasalita ng Ingles.

Hindi na nagtagal ang kanilang usapan. Nagpaalam na rin si Marco makaraan ang ilang sandali.

"isn't it great? Nakapasa ka sa unang pagsubok, Geminis!" bulalas ng ninang niya nang sila na lamang ang nasa kanilang mesa.

"thanks to you, ninang. You boost my confidence." wika naman ni Geminis sa ninang Biangca nito.

"it's your determination, iho. Sana tuloy-tuloy na ito. O, pa ano? Magkita na lang tayo sa Lunes. Sabay na tayong umuwi, ipapauna na lang kitang ipahatid sa taxi." wika ng ninang Biangca nito.

"sige po" sagot naman nito. Tahimik lang siya habang palabas sila ng hotel. Pero sa isip niya ay hindi mawaglit ang guwapong mukha ni Marco na sigurado siyang mapapanaginipan niya ngayong gabi.

>> Dalawang buwan nang nagtatrabaho si Geminis sa De Videz Philippines, Inc., ang real estate company nina Marco de Videz. Naging palagay na rin ang loob niya sa kanyang work bilang assistant secretary ng ninang Biangca niya. Sinikap niyang maging isang dedicated enployee kaya wala silang naging problema ni Marco.

Lahat ng kailangan nito sa trabaho ay tinutugunan niya ng magandang serbisyo kaya malaki na rin ang tiwala nito sa kanya. May magandang rapport din na namamagitan sa kanila, pero siyempre on professinal level iyon, walang personalan.

Marami na rin siyang naging kaibigan sa mga empleyado roon. Ganunpaman, namimili lang siya ng masasamahan. Iba pa rin siyempre ang nag-iingat siya lalo pa at may itinatago siyang "lihim" sa kanyang pagkatao.

Palibhasa ay nagpapakalalake na siya ngayon at tinatantiya ang mga kilos, palibhasa ay secretarya pa siya ng boss ng kompanya, iginagalang siya ng lahat. Sir din ang tawag sa kanya ng mga empleyado. Tuloy pakiramdam niya ay ang taas-taar ng posiryon niya.

Isang babaeng empleyada ang nakagaanan niya ng loob, si Miles. Taga accounting department ito pero madalas silang makasabay kumain sa canteen kaya ito ang laging kasama niya dahil bungisngis ito at palabiro pa. Very open pa ito sa pag-amin sa kanya na may crush ito sa boss nilang si Marcn. Sa katunayan, kapag nagmimirienda sila, panay ang tanong nito tungkol kay Marco.

"hay, naku sir Geminis, kung ako ang nasa puwesto ninyo ngayon bilang sekretarya ni Sir Marco, wala akong ibang gagawin kundi titigan na lang siya buong maghapon. Buti na lang, nasa accounting departmeng ako, malayo sa tukso." talastas ni Miles at bumungisngis pa.

"ikaw talaga Miles' puro ka biro. Tama na nga iyang mga pinagsasabi mong kalokohan at sumasakit na ang tiyan ko sa katatawa." kunwari ay reklamo niya sa kaibigan. Sumipsip muna si Miles ng soft drinks bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"alam ba ninyo sir Geminis, suyang-suya ako sa pagmumukha ng Maricel na iyon. Napakaate at lantaran kung magpakita ng pagkagusto kay Sir Marco," pag-iiba nito ng usapan.

Nawala amg tuwa sa mukha niya ng banggitin nito si Maricel. Nasisira din ang araw niya kagap sumasagi sa isip niya ang babae. Sobrang landi kasi nito.

Si Maricel ay anak ng isang kliyente nila. Mayaman, sopistikada, sosyal at spoiled ito sa ama. Simula nang magawi ito sa kanilang opisina at masilayan ang super guwapong boss niya, halos araw-araw nang nandoon ang bruha. Sa halip na ang ama nito ang makikipagtransaksiyon sa kanila, si Maricel na ang gumagawa niyon. Obviousky, para mapalapit kay Marco.

Halata ng lahat ng empleyado sa kompanya nila na si Maricel ang nanliligaw sa kanilang boss kaya marami ang naaasar dito. Lalo na ang mga kababaihang may lihin ding pagtatangi kay Marco.

"at nagseselos ka naman?" tudyo niya kay Miles.

"hindi ako nagseselo no!. Yong nararamdaman ko kay sir Marco ay ilusyon lang. Imposible namang magustuhan ako ni sir Marco. Ang sa akin lang, masyadong garapal ang Maricel na 'yon. Parang wala nang lalaking matitira sa kanya sa mundo at siya na itong nanliligaw kay sir Marco. Aba, nakakababae na siya. Sinisira niya ang image ng isang dalagang Filipina." mahabang paliwanang ni Miles.

Ang totoo niyan, isa rin siya sa mga naiinis kay Maricdl. Deep inside him, nagseselos din siya rito. Maganda kasi si Maricel at lagi pang sexy ang suot kapag nagpupunta sa kanilang opisina.

>>subaybayan

©casey™

MY ZODIAC BOY's series ( Geminis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon