FLATERED siya sa nakikitang admiration sa mukha nito para sa kanya.
Ganunpaman, dapat ay siya na lang ang umiwas. Awkward para sa kanya ang malagay sa sitwasyon na tulad niyon.
"i'm s-sorry sir, but i'm not aguest here. I have a job to do." wika nya.
"it's a pity we met at the wrong place ang at the wrongtime Andrea," halatang dismayadong pahayad nito.
"i have an idea. I'll give you my calling card. Can you call me up one of these days?" kinuha ni Marco ang kanyangpitaka at dumukot ng calling card mula roon. Ibinigay nito iyon sa kanya.
Nag-aalangan siya kung tatanggapin iyon. Ayaw niyang madugtungan pa ang pagkikita nilang ito. Na nakilala siya ni Marco sa ibang "katauhan."
Ngunit naging mapilit ito. "please, take my calling card.I really want to see you again." pakiusap pa nito.
Napilitan na lang siyang tanggapin iyon dahil ayaw niyang mapahiya ito.
"a-all rigit." wika naman nito pero sa sulok ng isip niya ayitatapon na lang niya iyon mamaya.
"thank you. I'll look forward to our next meeting. Until then Andrea," nakangiting wika nito.
"o-okey sir. I'll get your drink." at magalang na nagpaalan na siya rito. Lumayo na siya na hawak ang card na bigay ni Marco.
>> "SIR Geminis, okey lang kayo?" usisa ni Miles. Nasa canteen sila nang mga sandaling iyon at kumakain ng merienda. Bigla siyang natauhan. Ibinalik niya ang atensiyon niya sa kasama.
"ah..eh. May iniisip lang ako" itinigil nito ang pagsipsip sa softdrinks sa straw at tumitigsa kanya.
"alam ninyo, ilang araw ko nakayong napapansin na parang wala kayo sa sarili. May problema po ba kayo sir?" tanong ni Miles dito.
"p-problema? Of course wala" defensive agad na sagot niya.
"sir Geminis, naiisip ko lang kasi na baka may problena na kayo sa puso. Baka may nagpapatibok na riyan at palihim-lihim lang kayo sa akin" nakangiting turan nito. Tumawa siya.
"alam mo, masyadong mapaghinala iyang utak mo." turan naman nito. Pero sa isip-isip niya aysinasabing baka naghihinala na si Miles sa kanya at baka nahahalata na nito na berde pala ang kanyang dugo.
Nang makabalit na siya sa mesa niya, bumalik sa alaala niya ang tagpo nila ni Marco sa party.
Isang linggo na ang nakalilipas mula nang magkitasila sa party kung saan ay binigyan pa siya nito ng calling card. Simula noon, nagulo na ang mundo niya. Hindi niya itinapon tulad ng kanyang plano ang card na bigay nito. Sa halip, itinago niya iyon at mayat mayang kinuhuha sa kanyang wallet upang pakatitigan nang husto. Personal number ni Marco ang nakasulat doon. Iyon ang number ng cellphonenito.
Hanggang ngayon ay gulong-gulo ang isip niya kung tatawagan ito o hindi. Sinusundot kasi siya ng kanyang konsiyensiya, dahil kung ginawa niya iyon lalabas na magiging unfair siya kay Marco dahil patuloy niyang nililinlang ito tungkol sa tunay niyang pagkatao.
Sakabilang banda, gusto niyangmakilala siya nito bilang siya,ang tunay na Geminis. Alin kaya ang mas mananaig sa kanya?
Naputol ang kanyang pagmuni-muni ng tumunog ang intercom sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Mr. Geminis, pakidala rito ang file ng de Vera Corporation. Gusto kong makita ang price list nila sa mga contruction material," sabi ni Marco.
"right away sir" agad na sagot niya. Kinuha niya sa filing cabinet ang sinasabi nito at pumasok na siya sa opisina nitn. Maingat na ipinatong iyon sa ibabaw ng mesa ni Marco.
Abala ito sa pagtipa sa laptopnito. Halatang walang kamalay-malay ito na ang na meet nito sa party isang linggo na ang nakalipas ay walang iba kundi siya.
BIYERNES ng gabi. Nasa kuwarto niya si Geminis. Nakapagdesisyon na siya.
Tatawagan niya si Marco bilang si Andrea. Bumili siya ng bagong SIM na siyang gagamitin niya kapag tatawag kay Marco.
Todo ang kabang nararamdaman niya habang pinipindot niya sa keypad ng kanyang cp ang number ni Marco. Parang gusto pang magbago ang isip niya pero nanaig pa rin ang interes niya na makilala ang binatangitinatangi ng kanyang puso.
Hindi na muna niya papansinin ang sundot ng kanyang konsiyensiya. Bastamag-iingat lang siya na huwag siyang mabibisto ni Marco.
Nagsimulang mag-ringang cp ni Marco. Pinagpapawisan siya nang malamig habang hinihintay itong sagutin ang kanyang tawag.
"hello?" sabi ng nasa kabilang linya. Agad na nakilala niya ang husky voicenito.
"h-hi. This is me A-andrea, remember?" pautal na wika niya.
"Andrea! Oh I can't believe it,i'v waited for ages sake for you to call." bakas ang sigla sa boses ni Marco.
"i've been busy," pagdadahilan niya.
"i see. So, what's up? Can i invite you to dinner tonight?"si Marco
"t-tonight?" gulat naman si Andrea.
"yeah, tonight. I really want to see you. Matagal ko nang hinihintay ang tawag mo." sabi nman ni Marco
"i'm n-not s-sure.." sabi nman nya.
"Andrea, come on. Tomorrow is Saturday. Let's have fun tonight. Please, I beg you. Huwag mong tanggihan ang inbitasyon ko." wika ni Marco at nagsusumamo.
"o-okey. A-all right, lets have dinner." sabi nman nito at kinakabahan.
>>subaybayan
©casey™