"HI, mother" ang sabi ni Geminis na ina habang lumalapit siya dito at niyakap ang ina na kasalukuyang nabi-beads ng isang bridal gown.
Laglag balikat na humila si Geminis ng upuan at humarap sa ina. Naaawang pinagmasdan siya ng ina niyang si Elvie.
"Huwag kang mawalan ng pag-asa anak. Gano'n talaga ang naghahanap ng trabaho, minsan minamalas."
Pinasadahan siya nito mg tingin. Nakasoot siya ng itim na blazer na may puting inner blouse at itim ding slacks. Kadarating lang niya mula sa isang job interview sa Makati.
"Nakakayamot naman kasi mother iyong pinapasukan kong salon dati. Nataon pa ako sa bastos at manyakis na amo, kaya tuloy nag-resign na lang ako ka loka kasi. Ngayon, back to zero na naman ako. Nakakamis talaga, " reklamo niya.
"Paano iyan mother, wala na naman akong work saan na naman ako maghahanap niyan?"
"Bakit ba masyado mong pinoproblema 'yan? Maging matiyaga ka lang. Kung talagang para sa iyo ang swerte, kusang darating iyon sa hindi inaasahang pagkakataon. Kaya ang mabuti pa, tulungan mo na lang muna ako rito sa munting negosyo. Kikita ka rin dito ng pera. Iyon nga lang, hindi ka nasa opisina," nakangiting wika ng kanyang ina.
Si Geminis ay 23 taong gulang na. Sa edad nyang ito ay masasabing baklang bakla ang hitsura nito. Todo make-up pa siya kung lumabas at nananamit pang babae. Ayaw ng kanyang ama na ganito ang anak pero namatay din ito nang nasa 2nd year college siya kaya naging malaya na siya sa pagkilos.
TUMULONG muna si Geminis sa ina niya sa pagbi-beads ng gown na siyang negosyo nito. Pansamantala muna niyang kinalimutan ang maghahanap ng trabaho.
Unti-unti na ring nakikilaka ang ina niya sa mga gown na ibinebenta nito.
At nang mamatay ang daddy niya, hindi na bumalik sa trabaho ang kanyang ina dahil siya na ang nag-alaga sa may lung cancer na kabiyak. Sa halip, sumubok itong magnegosyo at ang pananahi, pagbebenta at pagbi-beads ng gown ang naisip nitong gawing hanapbuhay. Mahilig kasi itong magdesign ng mga damit.
Sa tulong ng Diyos, naging maayos ang kanilang kalagayan. Mayroon silang sariling bahay kaya hindi siya namomroblema sa upa. Ang buwanang pensiyon ng yumaong ama niya ay ang ina na niya ang tumatanggap buwan-buwan. Siya naman ay tapos na ng kolehiyo. Komersiya ang kanyang tinapos.
"Naku, anak, tiyak na matutuwa ka sa ibabalita ko sa'yo," masayang pagbabalita ng kanyang ina isang araw.
Itinigil niya ang pagbi-beads ng isang eleganteng gown at curious na tumingin sa ina.
"Ano iyon, mother?" tanong niya.
"Katatapos lang naming mag-usap ng ninang Blangca mo sa telepono."
"Ninang Blangca?, ang huling pagkakaalam ko po ay nasa Canada siya, " wika niya na lumaki ang mata, sa katunayan ay matagal na panahon na niya itong hindi nakikita.
"Oo, narito na siya sa Pilipinas nayon." ang sabi ng kanyang ina.
Ngumiti siya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng iba't-ibang kulay ng beads sa gown na tinahi ng kanyang ina.
"Geminis, higit pa sa pasalubong ang ibibigay ng ninang mo. Bibigyan ka niya ng trabaho, iyon ang magandang balita ko sa iyo anak." wika ng kanyang ina.
Itinigil niya ang kanyang ginagawa at nasorpresang tumitig dito.
"Trabaho mother? Ibig sabihin, mother tutulungan ako ni ninang Blangca na makapunta sa Canada?"
Humila muna ng upuan ang kanyang ina at humarap dito bago sumagot.
"Hindi sa Canada 'nak, kundi dito rin sa Pinas. Pero huwag mong isnabin, ang laki ng suweldo.
"Totoo po? Ano ang magiging trabaho ko?" interesadong tanong niya.
>> "MOMMY, sigurado kang ngayon ang dating ni ninang Blangca?" naiinip na tanong ni Geminis. Ilang beses na siyang nagpapalakad-lakad sa kanilang sala habang hinihintay ang kanilang panauhin. Nangako ang ninang niya na dadalaw ito sa bahay nila nang araw na iyon upang ibigay ang detalye sa ibibigay nitong work sa kanya.
"Huwag kang mag-alala. Malamang ay naipit lang iyon sa trapik. Sobrang exited ka na talaga ano?" ang tanong ng kanyang ina.
"Sinabi mo pa mother," sagot niya.
Hindi nagtagal ay tumunog ang kanilang doorbell. Agad na binuksan niya iyon. Bumungad ang kanyang ninang Blangca.
Pagkatapos ng mahabang kumustahan ay niyaya na nila ito upang mananghalian.
"Mmmm... Elvie, masarap ka parin magluto at walang kakupas-kupas ang sarap" papuri ng ninang niya nang kumakain na sila.
Hindi pa nila napag-usapan ang tungkol sa trabahong inaalok nito sa kanya. Naging abala kasi sila sa pagkukumustahan at kuwentuhan.
Ttwang-tuwa sika ng ina niya sa mga pasalubong sa kanila. Maging ang kaisa-isang katulong nila ay nabigyan din ng isang bote ng pabango at mga imported na chocolates.
"Salamat sa komplement Blangca," nasisiyahang sagot ng ina niya.
"Elvie tignan mo maganda na rin ang negosyo mo at ang gaganda ng mga gawa mo, kikita ka rin ng todo" sabi ng ninang Biangca niya.
Tumawa lanang ang ina nya. "Hay naku, kahit ilang pirasong gown at damit pa ang ibenta ko, wala iyon sa kakingkingan kung ikokompara sa isang buwang sahod mo. Malayo na ang narating mo Biangca." ang ina.
>>susundan...
©casey