"KAYA mo bang gawin iyon Gemimis? Puwede ba nating tulungan si Mrs. Tan?" tanong ng kanyang ina. Tatanggi sana siya, pero nang makita niya ang umaasamg mukha ni Mrs. Tan ay nagbago ang isip niya.
"ahm, s-sige po, payag po ako." wika niya.
Umaliwalas ang mukha ni Mrs. Tan sa sinabi niya.
"naku, maraming salamat Geminis. Hulog ka sa akin ng langit ngayon. Don't worry, ija.. este ijo, i'll pay for your service. I'll even give you a bonus. Tamang-tama, hindi nalalayo ang katawam mo sa katawan ng assistant ko kaya magkakasya sa iyo ang isusuot niyang gown mamaya."
"gown? G-gown po ang isusuot ko? A-akala ko, naka-uniform lang ho ako." wika nya sa pagkagulat.
"you will not wearing a uniform. Pag nagsuot ka ng uniporme, baka mapagkamalan kang waitresr. Ang trabaho mo ay ang pagmonitor lang sa mga tauhan ko, kaya para ka lang ding guest sa party. Pero ang atensiyon mo ay nakafocus sa mga tauhan ko. Titignan mo kung tama ang kanilang ginagawa," nakangiting dagdag pa ni Mrs. Tan.
"kaya mo iyan anak. Parang supervisor ka lang pala eh, at tsaka diba iyang ang gusto mo?" anang mommy niya.
"o-okey. I'll do my best Mrs. Tan" pangako niya.
GEMINIS looked ravishing in his little black dress, strapless ang with a ruffled skirt. Tulad ng sinabi ni Mrs. Tan kasyang-kasya lang sa kanya ang party dress na iyon. Isang baklang beautician ang inupahan ni Mrs. Tan para gawin ang kamyan. Hairdo at make-up. Nilagyan siya ng wig dahil sa maiksi na ang kanyang buhok. Perfect din ang inilagay nitong make-up kaya naging maganda siya.
Natawa na lang siya sa kanyang sarili. Sa pakiwari niya ay para siyang sasali sa beauty pageant.
Ngunit nang ginaganap na ang mismong party, noon niya napagtanto ang kahalagahan ng papel na kanyamg ginagampanan. Mahigit isan daan ang guests na nagkatipun-tipon sa napakalawak na lawn. Halatang puro mayayaman ang mga ito, mga taong minitingala sa lipunan. Kaya naman pinagbuti niya ang kanyang trabaho. Sinisiguro niyang well-attended ang mga bisita. Sa kanyang paglilibot, isang grupo ng mga kalalakihan ang kamyang nakita. Naririnig niya ang malulutong na tawanan ng mga ito habang nagbibidahan tungkol sa kanya-kanyang mga negosyo. Ipinasya niyang pasimpleng lumipat sa mga ito dahil baka may kailangam ang mga ito.
Paglapit niya sa mga ito, laking gulat niya nang makilala ang isang lalaki roon, si Marco!
BORED na bored na si Marco sa party na iyon. Walang ipinagkaiba iyon sa mga parties na nadaluhan na niya. Idle talking, smiling to the ladies every now and then. Iyon ang party routine na pinagsasawaan na niya. Kung hindi lang siya nahihiya sa host niya na nag-imbita sa kanya, gusto na lang sana niyang umuwi at magpahinga.
Ngayon, heto siya sa umpukan ng mga kalalakihan na nagpapasikatan sa mga achievments ng mga ito sa ndgosyo at babae. Sawa na siya sa ganoong kuwentuhan. Nagkunwari na lamang siya na nakikitawa rin kapag nagtatawanan ang mga ito. Wala rin naman siya sa mood para mag-seek out ng babaeng bisita kaya mas pinili na lang niya amg makipag-umpukan sa kalalakihan at idaan na lang sa pasim-simsim ng champagne ang boredom niya.
"i need a refill," aniya nang masaid na niya amg laman ng kanyang baso.
Luminga-linga siya upang maghagilap ng waiter, at natigilam siya nang may umagaw sa atensiyon niya. It was a beautiful woman in a seductive little black dress.
GUSTO sanamg umiwas ni Geminis kay Marco bago pa siya makita nito ngumit huli na. Marco was now looking in her direction. Para na lang siyamg ipinako sa kanyang kinatatayuan. Animo naging tuod siya nang magtama ang kanilang mga tingin, kinabaham siya nang makitang palapit ito sa kanya.
"hi," bati nito, may kalakip na paghanga ang tingin nito.
Noon niya napagtantong hindi naman pala siya nakilala nito. When he regaindd his composure, he stammered a response.
"hello. Would you like another glass of wine sir?" alok niya nang agad na naalala ang trabaho na dapat niyang gampanan nang makitang wala nang laman ang baso nito.
"glass of wine ?" tanong ni Marco dito.
"yes sir. I am part of the catering service here, I make sure that all the guests are well attendf to," paliwanag nito.
"oh, i see. Sure a glass of chamgagne please" wika naman ni Marco.
"kindly wait a minute sir. I will a waiter" akmang tatalikod na siya nang tawagin siya nito.
"Y-yes?" ninenerbiyos na tanong niya nang lingunin niya ito.
"may i know your name? I would like also to introduce myself. I'm Marco de Vera." inilahad nito ang kanang kamay sa kanya.
Tila umurong ang dhla niya. Paano niya ipapakilala ang sarili niya rito? Kailangan ay umisip siya ng ibang pangalan.
"my name is Andrea sir, Andrea Miguel." pakilala niya dito.
Ngumiti ito nang matamis.
"pleased to meet you Andrea. Can you join me later? I mean, can we have a friendly chad while the party is going on?" hindi agad nito binitiwan ang kamay niya. Nanatili iyong hawak-hawak nito.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dahan-dahan niyang hinila ang kamay niya.
>>subaybayan
©casey™