PERO hindi siya nagpapahalata na may lihim din siyang pagtingin sa kanyang boss. Dahil tulad ni Miles, imposibleng magustuhan siya ni Marco, lalo pa ngayon lalakeng-lalake na ang ayos niya at kilos, at ayaw niyang mapahiya sa ninang Biangca niya. Nakokontento na lang siya na pagsilbihan nang maayos si Marco sa opisina. Pag-uwi na lang niya sa bahay, yayakapin niya ang kanyang unan sa gabi at ini-imagine niyang si Marco ang kayakap niya.
Naging successful ang plano ng ninang Biangca niya. Walang nakakahalata sa kanya na hindi iyon ang tunay niyang pagkatao. Kahit mahirap ito sa parte niya at parang sasabog kung minsan ang kalooban niya lalo na kapag nakikita niya si Marco at Maricel na naglalambingan.
Pero ngayon, sa halip na matuwa ay nalulungkot din siya dahil ibang katauhan ang ginagampanan niya. Minsan, naiisip niya kung ano ang magiging reaksiyon ni Marco kapag nakita nito ang tunay na katauhan niya. Ma-aatract kaya ito sa kanya?
"sir Geminis, bakit hindi na kayo umimik diyan?" untag ni Miles.
"a-ahm... w-wala, may naiisip lang ako." wika naman niya.
"hmmmm... Baka mamaya niyan, naaapektuhan na rin kayo ng kaguwapuhan ni sir Marco?" wika naman ni Miles ma may pilyong ngiti.
"ano ka ba" hindi yata ako nababakla sa kanya no!, tumigil ka nga diyan. Pati ba naman ako ay pag-iisipan mo ng ganyan!" defensive naman na sagot niya.
Saglit na tumahimik ito. Mayamaya ay tumitig ito sa kanya.
"alam ninyo sir Geminis, tulal close na rin tayo, gusto ko samang sabihin sa inyo ito" wika ni Miles.
"a-ano 'yon?" tanon naman nito at kinakabahan.
"sir Geminis, napapansin ko lang kasi minsan sa mga kilos ninyo, don't wory atin-atin lang ito for the sake of our friendship.. Sir Geminis.., silahis kba?" seryosong tanong nito sa kanya.
Kinabahan man siya sa tanong ng kaibigan ay pinakalma parin niya ang kanyang sarili.
"nako Miles ang dami mo namang napapansin, hindi ako ganoon okey!, kung gusto mo patunayan ko sa iyo ngayon" wika naman nito sa kaibigan..
"okey sir Geminis, sa ngayon ay siguro ay hindi pa kayo handa na magtapat sa akin pero handa po ako na makinig sa oras na umamin na kayo" sabi naman nito.
"Ikaw talaga Miles ang dami-dami mo talagang naiisip." wika nya.
Natapos lang ang kanilang usapan nang oras na para bumalik sila sa kanya-kanyang trabaho.
>> ISANG Sabado, abala si Geminis at ang kangyang inang si Elvie sa paghahanda ng mga blangket at table cover na idedeliver nila sa suki ng mommy niya na may catering service business. Matagal nang customes ng inay niya si Mrs. Tan.
"Ella, tumawag ka na ng taxi. Tapos na kami rito ni Geminis" utos ng inay niya sa kanilang kasambahay. Tumango naman si Ella at lumabas ng bahay. Maya-maya ay bumalik na si Ella at sinabing nakakuha na ito ng taxi.
"Geminis anak halika na at baka mahuli tayo" sabi ni Elvie sa anak.
"nandiyan na po" wika naman ni Geminis.
Nagulat naman si Elvie at Ella nang makita ang ayos ni Geminis.
"naku bakit ganyan na naman ang ayos mo anak?" tanong ni Elvie sa anak.
"Inay naman eh, ngayon lang po ako ulit nagsuot ng ganito huwag nyo na po ako pigilan." paliwanag naman niya.
" oh siya sige, halika na at baka ma traffic pa tayo sa daan" anyaya ni Elvie at sumakay na sila sa taxi.
Halos isang oras din ang biyahe nilang mag-ina dahil masyadong traffic. Sa wakas ay nakarating din nila ang tinitirhang subdivision ni Mrs. Tan. May tumulong sa kanilang isang boy nito sa pagbuhat ng mga kahon at supot na gagamitin sa catering.
"akala ko mamaya pa kayo makakarating dito. Mabuti naman at napaaga ang pag-deliver ninyo," nakangiting wika ni Mrs. Tan nang makapasok na sila sa loob ng bahay.
"kanina pa nga sana kami kung hindi kami naipit sa traffic," sagot ng ina nito.
Biglang nag-ring ang telepono sa sala.
"sandali lang, at sasagutin lo lang ang tawag"
Pansamantala silang iniwan ni Mrs. Tan. Nang bumalik ito, bakas ang pagkabahala sa mukha nito.
"ano ang problena Mrs. Tan?" tanong ni Elvie.
"naku malaking problena, Elvie. Tumawag sa akin ang assistant ko. Hindi raw siya makakarating ngayon dahil inatake sa puso ang nanay niya kaninang madaling araw. Nasa ospital nga siya nang tawagan ako. Siya lang daw ang maaaring magbantay sa nanay niya." paliwanang ni Mrs. Tan.
"kawawa pala siya, paano na nabawasan ka ng isang tauhan?" sabi ng inay niya.
"oo nga, malaking problema ito. Diyos ko, ano ang gagawin ko?" puno ng pagkabahala na sabi ni Mrs. Tan. Hindi na mapakali ang ginang, nagpalakad-lakad ito habang tutop ang noo. Tila nag-iisip nang malalim kung paano malulutas ang problema.
"ano ba ang trabaho ng assistant mo? Baka may maitulong kami ng anak ko?" tanon. Ng kanyang ina.
"ang assistant ko ang nagmo-monitos sa party. Siya ang incharge sa mga waites at sa pagsisiguro ng orderliness sa lahat ng bagax sa nagaganag na party. Ako kasi ang nasa kusina. Sinisiguro ko kong may sapat na supply ng pagkain." paliwanag ni Mrs. Tan sa kanila.
Bumaling sa kanya ang mommy niya.
>>subaybayan
©casey™