CHAPTER 10: THE NECKLACE

3K 104 6
                                    

Her POV

Lumingon ako sa kaliwa at kanan at ganun nalamang ang ginhawang aking nararamdaman ng makitang walang tao sa paligid. 

Kinagat ko ang ibaba ng aking labi saka dahan-dahan humakbang papuntang pinto..  Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib sa sobrang kaba na baka may makahuli sa akin.. 

Nahihiya ako..  Nahihiya akong humarap sa akanila matapos ng ginawa ko.  Ni hindi ko alam kung papaanong pakikitungo pa ang gagawin ko sa kanila. 

Mariin akong Pumikit saka binuksan ang pintuan sa aking harapan.  Hindi naman ako aalis..  Hindi rin ako tatakas..  Gusto ko lang mapag isa.. Dahil ang araw na ito ang pinakamahalagang araw para sa akin. 

Tumingin ako sa aking mga paa na ngayon ay walang sapin..  Sanay naman akong nakapaa lang simula nung panahon na yon.  Ngunit nung mag kakilala kami ni erik ay hindi ko na naranasan pang maglakad ng walang sapin.. 

Suot ang isang bistidang pantulog, kahit walang sapin sa paa ay lumabas ako..  Ayokong may makahuli sa akin pag narinig nila ang tunog ng sapatos ko. 

Halos kalahating oras rin akong naglakad bago makarating sa isang palaruan..  Masyado pang maaga kaya halos walang tao sa parkeng ito.. 

Huminga ako ng malalim bago naupo sa ilalim ng puno,  isinandal ko ang aking likod saka kinuha ang kwintas na sumisimbolo ng pagkakaisa ng dalawang angkan.. 

Hindi ko alam kung bakit gustong gustong makuha ni erik ang kwintas na ito..  Pero kung makakatulong ito sa kanya handa kong ibigay sakanya ang emblem .

**

Author's POV

" fuck!!! Where the fuck is she!! "

Hindi magkanda ugaga ang lahat sa paghahanap sa reyna lahat sila ay nag aalala at hindi ma laman kung saang sulok ng bahay hahanapin an dalaga. 

" s-sir!  We already check the cctv lumabas po s-siya ng bahay! "

" fuck!  Gather all my fucking men and have a search party for her!  Hanapin niyo siya asap!  If not, all of you will have a severe punishement for letting my queen go!!!  "

Hindi narin nag antay pa ang hari mabilis nitong kinuha ang susi ng sasakyan saka lumabas at nag simulanv maghanap sa kanyang reyna.. 

Puno ng katanungan ang isip ng lalaki.. 

' did she already leave me? '

' is she got kidnapped? '

Halos hindi na malaman ng lalaki kung anonv dahilan ng dalaga at umalis ito ng walang paalam. 

He gripped tightly the steering wheel that makes his knuckles turned white,  galit siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang mawalay sa paningin ang dalaga.  At alam niya sa sarili niya na kapag mag mangyaring masama rito ay siya lang ang dapat sisihin. 

**

Back to Her POV

Mainit na ang sikat ng araw..  At halos mapuno narin ng mga bata ang palaruan sa paligid.. 

" mommy!!  Bili moko ice cream please! "

" okay baby!  Anong flavor ang gusto mo? "

" chocolate hihi!!! ".

Momma...  Siguro kung hindi ka maagang kinuha sakin ni lord naranasan ko rin ang lumaki ng normal na bata.,momma.. 

" miss na miss ko na kayo momma..  Papa..  " bulong ko saka tumingin sa kala ngitan.

Innocence Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon