CHAPTER 29: MY EVIL ANGEL

1.5K 51 7
                                    

Zue-Eun Hyena POV

" Why didn't you tell me baby ? I could help you . " Huminga ako nang malalim saka hinawakan ang kamay niya.

Tumingin ako sa mgkasaklob naming mga kamay saka marahan itong hinaplos. Humilig ako sa balikat niya at agad naman niya itong ginantihan ng mainit na haplos at yakap.

" Dahil ayokong madamay ka sa bigat ng mga pasanin na nakaatang sa akin . Nung una hindi ko maintindihan kung bakit ako.. kung ano ba talaga ang kailangan nila sakin at patuloy nila akong hinahabol... Hanggang sa unti-unting nag papakita sakin ang mga taong matagal na palang nakakapit sa likod ko at sumusuporta , nag poprotekta at patuloy na naniniwalang babalik ako at pamumunuan ko sila ..

Ayokong idawit ka sa buhay na meron ako. Dahil alam kong kapag sinimulan kong maupo sa upuang puno ng tungkulin hindi matatahimik ang buhay mo .. ang pangarap mong magkaroon ng pamilya .. tahimik na pamilya at walang alalahanin na baka isang araw ay may kailangang magbuwis ng buhay para sa nakararami. "

Ramdam ko ang panghihina ni Erik ng sabihin ko iyon sa kanya .. walang nag sasalita sa amin o gumagalaw ngunit rinig mo ang malakas na buntong hininga niya na parang May mabigat siyang pinagdadaanan. 

" You're not thinking that you're goin' to leave me are you? " Malamig na sabi ni Erik .

Umiling ako saka hinigpitan ang hawak sa kanyang mag kamay." Hindi kita iiwan hangga't hindi ikaw ang nag papaalis sa akin .. "

" Matagal nang magulo ang buhay ko kahit nung wala ka pa sakin zue.. puno ng panganib at pangamba ang araw araw na kinakaharap ko .. pumapatay ako para sa hangarin kong mahanap ka ... Inililigpit ko ang mga taong nag tatangkang maupo sa upuang nararapat para lamang sayo .. pinanganak ako para magsilbi sa pamilya niyo zue .. pinanganak ako para tulungan ka at panatilihing ligtas ang daang dinadaanan mo .. nabuhay ako para sayo zue .. hindi pa ko nag kakaisip ay ito na ang kapalaran ko ang iligtas ka at gabayan sa mga desisyon mo .. dahil yun ang trabaho naming mga amnos baby .

Pero ngayon hindi nalang yun ng trabaho ko .. trabaho ko narin ang mahalin ka ang samahan sa lahat sa hirap o ginhawa .. handa akong saluhin ang lahat ng balang tatama sayo . Ang bumuo ng pamilya at sabay nating panatilihing ligtas ang tahanang bubuo sa ating dalawa..  "

He caress my cheeks and gently kiss my forehead. " Nandito ako .. nandito kami ang pamilya mo .. ---"

" Nanay / tatay " napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang mga mumunting tinig na umaasa na sa akin ngayon. .

Matamis akong ngumiti sa dalawa kong anak at nangingilid ang mga luhang itinaya sila papasok ..

Tama si Erik .. May pamilya na akong dapat protektahan at pangalagaan .. eto ang binigay ng diyos sa akin kaya malugod kong tatanggapin ... Kasama ang pamilyang hindi ko inakalang magkakaroon ako .. kasama sila sa lahat ng saya at hirap na daraanan namin patungo sa tahimik na buhay na pinapangarap namin ni Erik .












Time skip**

Hell's POV ( 2nd personality ni zue)

Deretso at walang emosyon akong naglakad papasok sa loob ng meeting hall kung saan lahat sila ay nag aantay ..

Tinig lamang ng suot kong takong ang maririnig at walang nag tatangkang tumingin sa direksyon ko.  I smirked when I feel their nervous aura and trembled body .

Nang makarating ako sa aking distenasyon ay walang pasubali ko itong binuksan na siyang ikinagulat ng iba at ikinangis ng mga taong tapat na naglilingkod sa akin .

Ngumiti ako saka ipinakita ang inosente kong mata kaya't agad nag salubong ang mga kilay ng mga taong traydor na kanina ko pa gustong taniman ng bala dahil sa malalagkit at talim nilang tingin.

" Erik ... "

" Come here baby .. "

Puno ng sigla akong lumapit kay Erik saka hinalikan ang kanyang labi bago naupo sa kanyang kandungan.

" You are not welcome here little girl kung ako sayo lalabas ako rito bago pa mabura yang ngiti sa maganda mong mukha .. "

Lapastangan!

I gritted my teeth but keep my posture. And smile at him. 

Tumingin ako sa paligid at tansya  ko ay nasa 25 kaming mga nakaupo hindi kasama ang mga bodyguards na nakatayo .. nandoon sina dada kasama sina Lorin at limang kaibigan ni Erik .

Muli kong ibinaling ang tingin sa lalaking lapastangan na nagsalita kanina.

Ang kaninang nakangiti kong mukha ay napalitan ng lamig at walang pag dadalawang isip na kinuha ang baril ni Erik sa kanyang bewang bago ibinaon ang bala sa pagitan ng kanyang mga mata . Mabilis naman silang naalerto at tinutukan ako ng baril nung mga bodyguards at iba pang mga taong kasapi sa organisasyon.

Ngumisi ako saka marahang pinunasan ang dugo ng tumalsik sa akin at inamoy ito . Nakangiti kong ibinalik kay Erik ang baril at hindi ininda ang mga baril na nakatutok sa akin .

" If I were you ibaba ko ang mga baril na yan kung ayaw niyong pasabugin namin ang mga bao ng ulo niyo! Wala kayong karapatan na tutukan ng baril ang eagle !" May diing sabi ni dada.

Kita ko ang panginginig nila sa takot habang nag papabalik balik ang tingin sa kin at sa lapastangan na lalaki na ngayon ay walang ng buhay ang mga matang nakatingin rin sa akin .

Ngumisi ako sa kanila na siyang ikinalunok nila bago dahan dahang ibinaba ang mga hawak na baril at saka nanghihinang naupo.

Ganyan nga matakot ka .. kayo.. dahil itatayo kong muli ang apelyido ko na tinapaktapakan at hinamak niyo ... Hindi mawawalan ng saysay ang pagkamatay ng mga mahal ko sa buhay para lamang makaligtas ako ..

Lahat kayo ay magbabayad !! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nilang lahat ......





























To be continued...
*****************************

Author's NOTE
Waaaaaa;!!!! Parang ang lame ng update ko ngayon . 😑😣

Bawi ako next chap !!!!!! Btw thanks po sa lahat ng sumuporta!!!!!!!! Sana hindi kayo mag sawa sa pag aantay ng update busy lang talaga si author! And writing is just a hobby and stress reliever!

Vote. Comment. Follow is highly recommended chos ! 🤗

Oh! And follow me on IG account @ Janine.gabrielle ( Rica Dayrit ) 👈

On FB . Rica Dayrit👈

And on Twitter Janine Gabrielle 😸👈




Innocence Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon