Buti nalang nag aral ako kagabi at nasagutan ko lahat ng maayos ang exam namin ngayon.
Nasa caf ako ngayon at hinihintay si Danna na maaga ko kasing natapos ang exam ko kaya nauna akong lumabas sa kanya sinabihan ko narin sya kanina na dito ko lang sya hihintayin.
Nag order ako ng makakain habang hihintay ko si Danna umupo ako sa bandang dulo ng caf wala kasi masyadong tao dito kaya dito ang magandang pwestuhan.
Naisipan kong e open yong Cellphone ko at mag login sa Facebook aaliwin ko muna sarili ko habang wala pa si Danna.
Pag bukas ko ng notification ang dami ni like ni ganito ang picture ko.. Share ni ganito ang share photo ko. .. Ganon na ganon lang paulit ulit ang nakikita ko.
Nag scroll down lang ako nang nag scroll down baka sakaling may bago akong makita pero wala puro like ni gani ni ganyan lang.
Binaba ko sandali ang cellphone ko at sinimulamg kainin ang mallow cake na inorder ko.
Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at may nag appear sa screen ng phone ko. Isang notification at may nag friend request sakin nanlaki ang mata ko ng mabasa ko kung kanino galing ang friend request na iyon.
Edward Buenaflor sent you a friend request.
Oh my gggg!
Ano'to?? e a-accept ko ba?? si Edward yong lalaking kamukha ni Mr. Mushroom.
"Ano uhmm e a-accept ko ba o hindi?" tanong ko sa isip ko.
"Di mo paba e a-accept yong friend request ko?"
"Ayyy Edward!!" gulat kong sabi.
Nahulog naman ang Cellphone ko sa ilalim ng table kaya dali-dali ko naman yong kinuha pero may kamay na kumuha ng cellphone ko at alam kong kay Edward yon.
"Nagulat naman ba kita Querien?" tanong nito sakin ng maka labas nako sa ilalim ng lamesa.
"Oo medyo." maikli kong sagot sa kanya.
"Pasensya kana, ito na pala ang phone mo buti hindi nabasag." sabi nya sabay abot sakin ng cellphone ko.
"Oo nga ee, Salamat."
"Ikaw lang ba mag isa Querien?" tankng ni Edward sakin.
"Oo pero hinihintay ko lang kasi si Danna."
"Ganon ba, pwedi ba muna kitang samahan dito Querien?" tanong nito sakin.
"Ahh sige upo ka"
"salamat."
Tahimik lang si Edward na naka upo sa harap ko pansin ko na panay ang tingin nya sakin kaya feeling ko tuloy baka may dumi ako sa mukha kaya nya ako tinitignan.
" Uhmm Edward may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman Querien, bakit mo na tanong?"
"Uhmm ano kasi.. aa kung wala bakit mo ako tinignan nag ganyan?"
Ngumiti naman si Edward ng nakakaluko at umayos ito sa pag kakaupo nya at bumaling ulit sya sakin.
"Parang may kamukha ka kasi kaya napapatingin ako sayo." sabi nito
"Huh?? Talaga sino naman iyon??"
"Ahh wala yun kalimutan muna lang Querien." sabi pa ni Edward at tumingin naman ito sa ibang direksyon.
"ahh ganun ba." sabi ko at kumain nalang ulit ako ng mallow cake ko.
Inaluk ko din ng mallow cake si Edward pero tumangi ito, hindi daw kasi sya mahilig sa matatamis kaya ako nalang ang kumain.
Bigla namang tumayo si Edward sa kina uupuan nya kung kaya napatigil ako sa kina kain ko.
"Maiwan na muna kita Querien na alala kung may gagawin pa pala dapat ako ngayon."
"Sige Edward, bye." paalam ko sa kanya at sabay ngiti dito.
"Bye Querien." paalam din nito sakin pero bago pa ito tuluyang maka alis ng caf ay humarap ito ulit sakin.
"Pahirap muna sandali ng cell phone mo Querien."
"Huh?"
Nagulat naman ako nang wala na ang cellphone ko sa kamay ko at nasa kamay na ni Edward. May pinindot pindot sya doon at agad namang ibinalik sakin.
"ito nang cellphone mo Querien sige alis nako.Bye."
"Sige Edward, bye."
Napatingin naman ako sa cellphone ko, ano kaya ang ginawa non sa cellphone ko? Pinatung ko nalang ulit ang cellphone ko sa table at binalikan ulit ang kinakain ko.
Maya maya pa'y dumating naman si Danna at masayang pumunta sa table na inakupa ko.
"Kuring!" tawag sa pangalan ko habang palapit ito sa akin.
"Kamusta yong exam mo, nasagutan mO ba lahat Danna??" tanong ko sa kanya.
"Oo medyo mahirap lang yong isang part sa math muntik ng dumugo yung ilong ko doon buti nalang di ako binigo ng calculator. Hahahaha" patawang sabi nito.
"Buti naman kung ganon."
"Oo nga ee, tika order din ako nong sakin."
Umalis sandali si Danna at umorder din sya ng makakain nya dumadami narin ang tao sa caf kaya medyo umiingay na sa loob nito.
Pag balik ni Danna mari ang inorder nyang pag kain na stress siguro sa exam samin kanina.
"Uhmm Kuring bukas na pala yong alis natin papuntang Pampanga baka makalimutan mo." pag o-open topic ni Danna.
Oo nga pala no, muntik ko na yong makalimutan aalis pala kami bukas dahil wala kaming pasok for 1 week.
"Ayy oo bukas na nga pala iyon, anong oras ba tayo aalis bukas Danna?" tanong ko.
"Ayon kay mommy 4 am daw ang alis natin kaya susunduin ka nalang namin sa bahay nyo bukas ng umaga." sabi nito
"Ganon ba kailangan ko pala mamaya matulog ng maaga."
"Dapat lang Kuring dahil baka di ka bukas makasama pag nag dika natulog nag maaga mamaya."
Di nako sumagot sa sinabi ni Danna at pinag patuloy ang kinakain ko pag naiisip ko ang pag alis namin parang kinakabahan ako na iwan.
Siguro dala lang ito ng excitement para bukas sana mag enjoy kami sa pag stay namin ng isang linggo sa Pampanga.
___________________________________
[A.N. Good evening mga palangga (Love) pasensya na't ngayon lang naka pag UD naka focus kasi akk ngayon sa MRABMMB kaya iyon ngayon ko lang talaga naisipan mag dagdag ng chapter. Next UD nalang ulit enjoy reading po. :) :) :) love love. :* :* :*
-Ms.S
YOU ARE READING
LOVE YOU FROM THE PAST
Historical FictionPano pag gising mo isang araw nasa ibang panahon kana. Pano ka babalik sa future kung ang pumipigil sayo ang past life? Papayag ka bang manatili nalamang sa makalumang panahon upang ipagpatuloy ang iyong dating buhay o babalik ka sa present upang...