Chapter 2

10.7K 304 23
                                    

Habang pauwi na kami sa bahay ay hindi ko pa rin maiwasang ngumiti mag-isa na parang ewan. Mukhang nagtataka na nga si Manong sa akin pero wala muna akong paki, basta para sa akin, itong araw na 'to ay ginawa para sa'kin. Sobrang saya lang na wala nang makakasira ng araw na 'to. Sana lang ay 'wag kong makita ang Kuya ko.

Paglabas ko ng kotse ay dama ko agad ang sariwang hangin sa bakuran namin. Well, lagi namang ganito pero ngayon ko mas na-appreciate. Mas gumanda ang ambiance ng araw ko dahil dito. What a day nga naman.

Pagpasok ko sa bahay ay hinanap agad ng dalawa kong mata si Mom at Dad. Nakita ko naman sila sa living room na nanonood ng movie. Nakangiti akong lumapit sa kanila at nagmano.

"Hi, Mommy. Hi, Daddy." Masigla ang pagkakabati ko sa kanila, mukhang nahalata na rin nila na maganda ang araw ko dahil sa positibong awra na bumabalot sa akin.

Ikaw ba naman ang pansinin ng crush mo?

Hindi na rin ako naging malungkot na bumaba ang grades ko. Actually, ito ang naging daan para makasama at makatabi ko ng ganoon malapit si Leigh kaya naman hindi ko ramdam na bumaba ang grades ko. Well, sabi nga nila ay everything happens for a reason – wait, tama pa ba ang sinasabi ko? 

"Hey, baby, how was school?" Binaba ko ang bag ko sa sofa at pumunta sa may kusina para kumuha ng meryenda. Gumawa ako ng sandwich at kumuha ng juice sa ref. This day is so refreshing. I guess, today isn't really my unlucky day.

Hindi na rin ako nagtanim ng sama ng loob kay Prof at in fairness, parang tinulungan pa ako nito na mapalapit kay Leigh. I wonder kung alam nito na crush ko ang favorite niyang student?

"Okay lang Dad. Like the old times, you know," isang pader lang ang pagitan ng living room at kitchen kaya kaunting sigawan lang at nagkakarinigan kami. Si Dad ay parang isang newscaster. Malaki na ako pero hindi niya pa ring maiwasan na tanungin ako sa mga nangyari sa buong araw ko.

Nang masiyahan na ako sa kinuha ko, bumalik na ulit ako sa may living room at tumabi sa sofa kila Mom. Inalok ko sila pero tumanggi naman sila.

"Like the old times? You sure? I heard you have a tutor." Mom said as she turned her eyes to me. Nakaakbay si Dad kay Mom kaya pati si Dad ay tumingin din sa akin.

Parang dito na mag-uumpisa ang interview. Well, hindi naman newscaster si Mom pero minsan ay talagang nakikichismis din si Mom sa buhay ko.

"Mom, ngayon lang naman iyon at saka para rin madagdagan iyong knowledge ko." Palusot ko at sumubo ng sandwich. Tiningnan ko sila Mom at Dad habang nginunguya ang sandwich. Sana naman hindi na sila magtanong.

Napansin ko ring wala pa rito si Kuya, buti naman. Wala pang bahid na masisira ang araw ko.

"Okay, if that's what you want then fine. But make sure na may matututunan ka talaga." I smirked as I nodded. Syempre, sisiguraduhin ko na may matututunan ako kay Leigh dahil kung wala ay nakakahiya naman 'yon, 'di ba? Saka mas madaling makinig kapag gusto mo 'yong nagtuturo sa'yo, medyo nakakadistract ang gwapo niyang mukha at hot na boses pero dahil dito ay mas namomotivate akong matuto.

Isa pa, kailangan ko talagang makinig dahil kung sakaling bigyan ako ng test ni Prof at ibagsak ko na naman iyon, baka maturn off pa sa akin si Leigh. Maganda ako pero naniniwala rin ako na hindi lang ganda dapat ang laging pinapairal.

"Of course, Mom. Magaling yata ang tutor ko." I said, wearing my beautiful smile. The best tutor ever. Hindi na rin pala masama ang maging bobo.

"Who's that? Girl or boy?" Dad curiously asked. Nahinto ako sa pagkain ng sandwich at ibinaba ito sa pinggan. Dapat ko bang sabihin sa kanila? Dapat naman nilang malaman pero knowing Dad, tiyak na aangal siya kapag nalaman na lalaki ang tutor ko. Si Mom, sure ako na support 'yon. Strict kasi si Dad pagdating sa ganitong love life kahit na maaga rin namang lumandi si Dad.

That Cold Guy Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon