"Nand'yan na si Prof!" Sigaw ng kaklase ko na akala mo'y may parating na sakuna. 'Yong mga iba ko namang kaklase ay parang mamamatay na nagsiayusan ng upo nila. Umayos na lang din ako at humikab.
Mga ilang segundo ay bumukas ang pinto namin at iniluwal nito ang professor namin sa MAPEH.
"Good afternoon," bati nito sa'min.
"Good afternoon, Prof." Bati rin namin dito at tumayo.
"Alright, sit down." Isinenyas nito ang kamay niya na magsiupo na kami at saka tumikhim.
I wonder kung anong topic namin ngayon?
Music iyong component na pag-aaralan namin ngayon. Mayroong apat na component ang MAPEH. Music, arts, physical education at health. Wala kaming schedule kung kailan ang bawat component, basta kailangan naming tapusin ang buong topic ng isang component bago pumunta sa isang component.
Hindi namin inuna ang music ngayong 2nd grading dahil may activity kami sa health no'ng mga nakaraang linggo kaya nauna ito.
Hindi ko hilig ang mga components nito pwera sa music. Normal lang 'yon dahil music ang favorite ng asawa ko – future asawa ko.
Sa tagal ko ng crush si Leigh, marami na rin akong books o article na nabasa kung paano ka mapapansin ng crush mo. Isa sa una kong nabasa ay 'yong gustuhin o gawin mo 'yong mga bagay na gusto o ginagawa ng crush mo.
Sabi nila, hindi mo raw kailangang baguhin ang sarili mo para sa isang tao. Pero para sa'kin, hindi naman necessary iyon. Kung gusto mo talaga, kailangang kumilos ka. Kapag gusto mo, maraming paraan.
Hindi naman ako nahirapan na gustuhin ang musika dahil mahilig na talaga ako rito. Hindi ko alam kung aware ba roon si Leigh pero... hindi na naman siguro mahalaga 'yon.
Napansin niya na ako. Unti-unti na rin kaming nagiging close sa isa't-isa kahit na hindi ko pa naco-confirm ang about sa kanila ni Mae pero may tiwala naman ako sa kanya.
Kung sakali mang nagsisinungaling siya, hindi naman mahalaga 'yon. At least kahit papaano ay nagkalapit kami, 'di ba?
Walang makakasira kapag buo at secure ang feelings mo... syempre, kailangan mong i-secure 'yon sa sarili mo habang 'di pa napapansin ng gusto mo 'yong nararamdaman mo.
Then, someday, I'm sure that Leigh will also secure my feelings.
Pinukpok ni Prof nang bahagya ang table kaya naagaw nito ang pansin naming lahat. Natahimik ang buong klase at nakatingin lang kay Prof.
Ang tagal ng uwian, grabe. Parang ang tagal ko nag-isip pero three minutes lang ang lumipas.
"So..." Agaw-pansin ni Prof habang nakapangalumbaba sa table nito. "You'll be having a project," anunsyo nito at ilang saglit pa ay nagkaroon na ng kumosyon.
Kanya-kanyang ingay at bulong ang mga kaklase ko. Pati ako ay hindi rin maiwasang malaglag ang panga dahil sa narinig ko – project daw? Project nga ba? Project? Tanginis. Ano na namang project 'yan? Mema na naman? Mema-ipagawa lang?
Kahit na busy ang utak ko sa pagtutol sa project na 'to ay hindi pa rin 'yon hadlang sa mata ko para sulyapan at titigan si Leigh.
Nakapangalumbaba rin ito at nakatanaw lang sa labas. Argh! Why so adorable, Leigh? Parang lumuwag yata ang garter ng panty ko, shems! Kinagat ko ang labi ko at ngumuso.
Kung magiging bagay man ako... sana brief niya na lang. What? Seriously! Napaface palm na lang ako sa isip ko habang pinapakawalan ang mahabang buntong-hininga. Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko.
BINABASA MO ANG
That Cold Guy Is Mine
Novela JuvenilSi Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate crush na si Leigh Hudson. Grade 3 pa lang sila ay hinahangaan niya na ito ngunit sadyang hindi siya nito magustuhan at mapansin man lang. Ka...