Ilang araw ang nakalipas mula noong magperformance kami sa Music at naging busy na ang lahat para sa project namin sa Math, 'yong iba ay wala pang nasisimulan habang ang iba naman ay matagal ng tapos. Sila na ang superior.
Sana all matalino, 'di ba? Ito lang kasi ako. Minsan matalino, minsan matalinaw. Depende kung anong mas approachable na gamitin.
Friday na ngayon, deadline ng project namin. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway habang dala-dala 'tong project namin. Last Wednesday, pumunta ulit sa bahay namin si Leigh para tapusin namin 'to. Inayos lang namin iyong questions na nakaprint na naman sa bond paper.
Well, it was extremely awkward! As in. Alam mo 'yong tipong bawat carbon dioxide na ilalabas mo, magiging conscious ka talaga. Lalo na 'yong tingin ni Leigh. Jusko. Hindi ko alam kung paano ako nakatagal pero kaunti na lang talaga ay magpa-palpitate na ako, hindi pa ako madalas magkape niyan! Pero... magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinilig sa titig niya.
I felt special.
I was also wondering if what he was thinking back then. Nireject ko siya. Nasaktan ba siya? Nasaktan ba 'yong ego niya? Nasaktan ba 'yong... puso niya? Shit. Gusto kong malaman.
"Hey, I'll carry that," Nakasunod na naman siya sa akin at pilit na hinuhuli ang kamay ko para kunin ang dala ko pero dahil makulit ako, patuloy ko lang na iniiwas sa kanya. "Coleen, ako na," hindi ko siya pinansin sa pagtawag niya sa'kin at mas binilisan ko ang paglalakad.
Mula nang nireject ko siya, iniwasan ko na rin siya. Ang ironic lang na rati, gustong-gusto ko na makasama siya tapos ngayong siya na mismo ang lumalapit sa akin at niligawan pa ako – he even told me that he like me! Ako naman iyong umiiwas.
Syempre, naba-bother ako na ganito ang relationship namin pero... nagawa ko na 'yong desisyon ko. Hindi na ako pwedeng tumalikod, nakakahiya 'yon kapag nagkataon.
Natigil na lang ako sa paglalakad nang hawakan niya ang braso ko. Pati kamay niya, ang lamig. I was about to question him but somebody shouted his name.
Sabay naming nilingon 'yon ni Leigh. Normal lang ang reaction niya na parang inaasahan na 'yong tumawag sa kanya, samantalang ako ay hindi maipaliwanag ang reaction. Shems. Anong ginagawa niya rito? "Oh," saglit na napako ang tingin niya sa'kin bago ngumisi. "Hello there, my mortal enemy." He even waived his hand.
Tanginis! Bakit niya tinawag si Leigh? Magkakilala ba sila?
Nagpapalit-palit ang tingin niya sa'min ni Leigh. Kumunot ang noo niya nang ibaling ang mata sa katabi ko at saka ako tinuro. "Siya ba iyong sinasabi mong Coleen, Leigh?" Ha? Wait, what?! Anong ibig niyang sabihin sa sinasabi? Kinukwento ba ako ni Leigh sa ungas na 'to?
Shit, pero bakit niya ako ikukwento? Bwisit, kalma. Baka naman nakwento lang ako ni Leigh kasi classmate niya ako? Tinu-tutor niya ako? Argh! Ano ba kasi? I'm dying to know!
"Yeah," Leigh plainly replied.
"What the fuck?!" His gaze made me feel uneasy, really! Nanliliit ang mata niya habang ini-scan ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa. Nilalait niya ba ako sa isip niya?! Gusto kong maging nice sa mga kaibigan ni Leigh pero kung ito lang namang isa ang pakikitunguhan ko, mabuti na magpakatotoo!
"What?" Tamad na ani Leigh.
Napaatras na lang ako nang lapitan niya ang yelong katabi ko at yugyugin. "Wala kang taste, dude! Wala kang taste!" Anong walang taste?! Anong akala nitong libag na 'to sa'kin, pagkain?
Pinakawalan ko muna ang isang matinding ikot ng mata ko bago nagwalk out. Ang aga-aga, nasisira ang araw ko! Buti na lang at kalmado pa ako nito kung hindi naibato ko na 'tong project namin. Tanginis talaga! Gano'n ba kaforbidden na magustuhan ako ni Leigh dahil walang-wala ako sa standard niya? E, bakit niya pa sinabing gusto niya ako? Ha? Letse talaga.
BINABASA MO ANG
That Cold Guy Is Mine
Teen FictionSi Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate crush na si Leigh Hudson. Grade 3 pa lang sila ay hinahangaan niya na ito ngunit sadyang hindi siya nito magustuhan at mapansin man lang. Ka...