Chapter 6

9.1K 268 7
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa rami ng iniisip ko – particularly, 'yong kay Leigh. Hindi ko alam pero parang mas komplikado pa ang buhay ko ngayon kaysa noong nagso-solve ako ng Math dati sa university. Si Dad naman kasi, e! Kasalanan 'to ni Daen dahil sinabi-sabi niya pa kay Dad.

Argh! Anong sasabihin ko nito ngayon kay Leigh? Hindi ko naman pwedeng sabihin na gusto siyang mameet ni Daddy. 'Tsaka anong idadahilan ko?! Nakakahiya namang sabihin na kaya siya gustong makita Dad ay dahil suspetya nito na nililigawan niya ako or what.

Seriously, man. What would I do?

Muntik pa akong madulas pagpasok sa cr, buti na lang at nakahawak agad ako sa pader. I feel so frustrated. Hinilot ko ang sintido ko habang binubuksan ang shower. Dumampi agad sa katawan ko ang malamig na tubig na nanggagaling dito. Maaga pa pero init na init na ako. So weird.

Kinuha ko ang uniform ko sa loob ng closet at ibinalot ang towalya sa buhok ko. Nagmamadali akong nagbihis at bumaba agad sa dining room. Gusto ko ng pumasok para makita si Leigh – lalo ngayong alam ko na magkapatid lang sila ni Mae. Though, hindi pa rin ako sigurado kung niloloko lang ba ako ni Leigh doon pero mukha namang hindi siya ganoong tao. Besides, ano bang mapapala niya kung lolokohin niya ako? Ako lang naman 'to. Si Coleen, 'yong asawa niyang napakaganda at mahal na mahal siya.

However, gusto ko pa ring i-confirm kung totoo iyon.

Kung sakaling totoo... anong gagawin ko? Nakapagdesisyon na ako na lalayuan siya – titigilan rather.

Itutuloy ko ba 'yon o ipu-pursue ko pa rin ang pangarap ko? When I say pangarap ko, it means it's Leigh.

"Good morning, Mom, Dad." Humihikab akong lumapit sa kanila at umupo.

"Good morning, baby." Masiglang bati ni Mom sa akin habang inaayos ang table namin. Responsable sa mga ganitong bagay si Mom, hindi niya na pinapakilos ang mga maid. Actually, 10am na sila pinagsisimulang kumilos ni Mom.

"Morning, baby." Ang aga-aga ay halatang tinatamad agad si Dad. Sa kanya ako nagmana.

"Ako walang good morning?" Napatingin ako kay Daen na ngayon ay pinaglalaruan ang kutsara sa mga daliri niya. Aba himala, maagang nagising ang loko. Inirapan ko lang siya at umupo na sa katapat niyang upuan. Tumawa lang siya nang nakakaloko.

Mas mabuting hindi pansinin si Daen para hindi agad masira ang araw ko.

"Mamaya baby, ha? Don't forget it, dalhin mo rito mamaya 'yang tutor mo." Paalala sa akin ni Dad habang nasa kamay niya pa ang tasa ng kape.

Speaking of tutor...

"Dad, wala na nga pala akong tutor." Wika ko. Tumingin sa akin si Dad at nagtaas ng isang kilay. "Sabi ko kasi ay kaya ko na. I mean, self study?" I said in a tone of you-know-it-already. Agad namang humagalpak ng tawa si Daen, reaksyon sa sinabi ko. Huminga lang ako ng malalim at pinigilan ang pagpukpok sa ulo nito.

"Ikaw? What the hell? Self study my ass." He teased. I massaged the back of my neck as I exhaled. Na-i-stress ang mga muscles ko sa tuko na 'to.

Hindi siya sinasaway ni Mom ngayon dahil mukhang nasa mood ito. Hiling ko lang talaga na sana badtrip si Mom kaso kung mangyayari man iyon, tiyak na damay-damay kami.

"Okay, okay. Basta dalhin mo siya rito," desididong sabi ni Dad. Wala ako ibang nagawa kundi tumango na lang.

Ano kayang sasabihin ko nito kay Leigh? This thing is seriously beating me.

Nang makatapos ako sa pagkain, nagpaalam na agad ako sa kanila at nagpahatid na kay Daen sa South University.

"Ingat panget, tanga ka pa naman." Nang-aasar pa rin hanggang sa makababa ako sa kotse. Tulad ng ginawa ko kanina ay inirapan ko lang 'to ulit. Wala pa akong maisip na magandang pambara rito dahil busy ako sa pag-iisip kay Leigh kahit na araw-araw ko naman siyang iniisip... pero iba ngayon. Kapag nalusutan ko 'to, humanda 'yang si Kuya sa'kin.

That Cold Guy Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon