"Why are you smiling like that?" Hindi ko maiwasan ang pagnguso ko nang magtanong. His smile made me feel uneasy. I don't know why, I just find it weird and... it was also bothering me.
Way back time, I never had a chance to see him like this... close enough that it could mix my emotions.
I looked away as the long sigh escaped my lips. I envy his smiles. It's way brighter than my future, seriously.
"You like me, too." Hindi pa ako tapos makipagtalo sa sarili ko pero bumalik na ulit ang tingin ko sa kanya kasama ng nakakunot kong noo at ilong. He stopped from smiling and now, his eyes were full of confident.
"You're so full of yourself," sinungitan ko ang pagkakasabi pero parang mas nagmukhang pabebe 'yong boses ko. E, kasi nakakainis siya! Hindi pa ako umaamin sa kanya pero heto na siya at sobrang confident na gusto ko rin siya – though, gusto ko naman talaga siya.
Pero, pero! Nahihiya pa rin ako.
Crush ko lang siya at hindi ko pinangarap umamin ng diretso sa kanya. Sure ako na alam niyang crush ko talaga siya dahil ikaw ba naman 'yong laging asarin ng mga kaklase mo sa kanya, 'di ba? But still! Hindi ko pa nililinaw 'yon sa kanya. I rejected him twice. Hindi pa kasama iyong sinabihan niya ako ng liligawan o liligawan na may kasamang sweetheart pa dahil hindi ko naman sinagot 'yon. Wala, e, rumupok bigla ako no'ng gumawa siya ng endearment namin.
Jusko. Pakiramdam ko nasa parallel world ako kung saan opposite daw ang characteristics no'ng mga tao sa Earth.
"E, bakit sumama ka sa'kin?" Litong-lito na ako tuwing ngingisi siya. Hindi ko alam kung kikilabutan ba ako o ano – rati lang kasi, wala siyang karea-reaction sa buhay tapos – argh! Did he change himself just for me? Malabo. Asa pa ako.
"Uhm, ano... ayoko lang i-turn down 'yong pag-aya mo sa akin saka mahangin din dito," pagpapalusot ko. Though, the turn down part was partially right. Gusto kong makasama siya ulit ng ganito kalapit. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi naman gano'n kadali 'yon.
"You were worried about my feelings?" Medyo nabago na 'yong pagka-cold type niya pero pwede bang baguhin niya rin kahit kaunti 'yong pagka-straight forward niya? Jeez. It made me use my brain just to think a proper answer!
"Oo..." My gaze turned to him. "It's just normal kasi classmate kita, 'di ba?" I casually said.
"Hindi mo talaga ako gusto?" Natawa na lang ako sa sinabi niya. Really! Bakit parang ang dali lang sa kanyang itanong 'yong mga bagay na nasa isip niya? He's so blunt! But... it made me happy seeing him like that. "Did I mistakenly say funny words?" I quickly waived my hand and stopped from laughing but I maintained a little smile on my face.
"No..."
"Is that so?" Ipinatong niya ang siko niya sa railings at pumangalumbaba.
I've realized that he doesn't like arguments. He easily gave up when he was facing one. I wonder why? Nasanay lang ako na kapag matatalino, parang malabong manalo ka sa kanila. Si Leigh, hindi lang siya matalino. He's also mature – inside and outside. Really, just how to be him?! Or... just how to be his?
"I wonder..." Tumingala ako at pinakawalan ang isang mapait na tawa. "Bakit mo ginagawa 'to?"
"I like you," he simply said. It was plain... I couldn't see any colors. "Isn't it enough?" What was the actual reason kung bakit ganito? Paano niya ako nagustuhan? Bakit niya ako nagustuhan?
Damn it.
Malakas akong tumawa at pasimpleng tumalikod sa kanya. Binatukan ko ang sarili ko at sinampal nang mahina ang pisngi ko. Tanginis! Ano bang iniisip ko at sinabi ko 'yon? Sobrang nakakahiya at ang sarap talagang itakwil ng sarili ko ngayon!
BINABASA MO ANG
That Cold Guy Is Mine
Novela JuvenilSi Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate crush na si Leigh Hudson. Grade 3 pa lang sila ay hinahangaan niya na ito ngunit sadyang hindi siya nito magustuhan at mapansin man lang. Ka...