Chapter 4

9.6K 271 9
                                    

"Class dismissed." Matapos sabihin ni Prof ito ay lumabas na rin agad siya.

Hapon na ngayon. Ito na iyong last subject namin kaya uwian na. I'm glad na hindi na ako ulit natawag ngayong araw ng sinumang professor sa kung ano mang recitation iyan. May test kami kanina pero confident naman ako na mataas iyon.

Naglalabasan na iyong iba kong kaklase pero nanatili pa rin ako na nakaupo. Parang tinatamad pa akong umuwi sa bahay. Makikita ko lang ang panget na si Daen at tiyak aasarin na naman ako noon.

"Oy, beh!" Bumalik ako sa reyalidad nang makita ko si Elise sa harap ko. Tiningnan ko lang siya na para bang hindi ako interesado. "'Di ba itu-tutor ka pa ni Leigh?" She tilted her head a bit as she asked. Ngayong sinabi niya 'to, naalala ko rin na tama nga siya. Hindi ko maiwasang mapapikit at kagatin ang labi ko ng madiin.

Paano na 'yan?

"Oo, bakit?" Tiningnan ko siyang muli.

"Sabi niya sa akin kanina no'ng nagrecess ako, pumunta ka na lang daw sa library kapag uwian na." She explained. Tumango naman ako. Hindi kasi namin kaklase si Leigh sa last subject, kaklase niya iyong malandi niyang girlfriend. Pero kapag tuwing Tuesday at Thursday ay magkaklase kami sa last subject dahil Science iyon. Though, araw-araw ang Science subject namin pero magkakaiba ang schedule. "Hindi ka pa pupunta?" Umiling ako.

Ano pa bang dahilan para pumunta? Magmomove on na ako kaya wala na ring kwenta ang pag-aaral ng mabuti.

"Parang tinatamad na ako magpatutor, magse-self study na lang siguro ako." I let out a deep breath and nodded with my thoughts. "Yeah, mas okay na rin 'yong self study, mas payapa sa bahay." When I say payapa, it means there's no Daen.

Kumunot ang noo ko nang tumawa si Elise sa sinabi ko. Nalilito ko siyang tiningnan pero pumalakpak lang siya.

"Ikaw? Self study? Woah! Himala iyan, keep it up!" She amazingly said. Grabe naman 'to sa akin. Kahit naman bobo ako, may balak pa rin ako gumraduate. May pangarap din ako, 'no. Well, si Leigh sana.

"Crazy." Kinuha ko na ang bag ko at sinakbit sa balikat ko, naglakad na ako palabas ng classroom namin at iniwan doon si Elise.

"Oy, teka lang, beh!" Tawag niya sa akin at hinabol ako. "Sa inyo muna ako uuwi. Namiss ko na si Tita, e." Ngumisi ako dahil sa sinabi niya. Ito na ang payback time.

"Weh? Are you sure na si Mom iyong namiss mo?" Tumawa siya ng mahina dahil sa reaction ko. Tiningnan ko siya ng mapanuring tingin ko at bahagyang itinaas ang kaliwang kilay ko.

"Oo naman, syempre namiss ko rin si Tito at..." Hindi niya tinuloy iyong sasabihin niya dahil sa pagsulpot ni Leigh. Aaminin kong nagulat ako pero hindi ko na lang pinahalata.

Magkaroon ka ng isang salita, Coleen! Tama, hindi ito ang oras para maging marupok. Kailangan ko ring maging matatag.

Pero bawal na ba talaga?

Shems! Ang hirap naman kasi nito. Ito na iyong chance para magkalapit kami, e!

"Coleen." What? Parang gusto kong maiyak dahil for the first time, tinawag niya ako sa pangalan ko. Kahit dati pa no'ng elementary kami, hindi niya na ako tinatawag sa pangalan ko kundi Montecillo lang... kaya iba sa pakiramdam ngayon.

Pero... magiging matatag lang. Malalampasan ko rin 'to. Hindi ba?

"Oy, beh, tawag ka." Dahil sa sinabi ni Elise ay natigil ako sa pag-iisip ko. Gusto kong huminga ng malalim pero nakakahiya naman kung gagawin ko iyon. Kailangang kalmado at cool lang. Tumingin ako kay Leigh at tinaasan siya ng kilay.

"Yes?" Ginawa kong cold ang boses ko para hindi mahalatang excited ako – what, seriously?

"Tutor." Ang tipid magsalita. I wonder kung bumabaho kaya ang hininga nito? Kung ganito lang siguro ang lahat ng tao, tiyak na hindi pa ganoon karami ang carbon dioxide sa mundo.

That Cold Guy Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon