Ano nga ba ang mga Lumad?
Mali, hindi ano, kundi sino
Sino ba ang mga Lumad?
Sino ba ang mga ito?Sila lang naman ang mga mahihirap na tao sa bansa
Na dahil sa diskriminasyon, ay mas lalo pang naibababa
Sila ang mga natatangalan ng mga pantaong karapatan
Sila ang mga taong nagdurusa sa kawalan ng katarungan
Oo, sila lang namanSinusunog ang kanilang mga tirahan
Binobomba ang kanilang mga paaralan
Karamihan sa kanila ay pinapatay
Pinapaslang, kinikitilan ng buhay
Ginagamit pa ang kanilang mga pasilidad para sa mga operasyon ng mga militarPinoprotektahan sila ng batas,
Pero ano? Ano ang nangyayari?
Sila ay nagdurusa pa rin
Sa kahirapan na hindi kayang sugpuinTandaan, ito ay isang paalala
Hindi lang basta mga salita
Sinulat ito para malaman mo
Na nabubuhay ka sa mundong ganito[A/N: This is for our Poetry Club. I just want to share it. Lumad is a group of indigenous people mostly in the southern part of the Philippines. They are discriminated and we should do our best if we can help.]
YOU ARE READING
Poetry Stuffs
PoesieA collection of my poems, inspired by my boredom and imagination...