Untitled (Theme: Love)

87 0 0
                                    

Araw-araw ito'y nakikita ko
Kahit saan, sa palabas man o sa libro
Ano nga ba talaga ito?
Tanong na bumabagabag sa isip ko

Balang araw, alam ko'y mararamdaman ko rin
Ano kaya ang pakiramdam nitong damdamin?
Kung ito'y darating nga,
Kailan pa, at sino ba?

Sabi nila, ito'y sintamis ng kendi
Sabi nila, buong araw ika'y mapapangiti
Sabi nila, napapaganda niti ang iyong mundo
Ang tanong, ito ba'y magkakatotoo?

Ngayon kaya, nasaan siya?
Kailan ko siya makikita
Hindi ko alam kung kailan o sino
Paano kaya kami magtatagpo?

Sana ito'y maging maganda
Mas maayos pa sa mga drama
Ito'y darating nadarama ko na
Ako'y naghihintay, at ngayo'y handa na

Gusto kong malaman
Ano ba ang kahahantungan
Nitong damdaming parang ewan
Na nais kong maramdaman

Poetry StuffsWhere stories live. Discover now