Spoken Word Poetry #2: "PAALAM NA"

377 4 0
                                    

Nagising ako ng wala na akong nararamdaman, 
Di sa hindi ako makagalaw pero ang totoo ay hindi na ikaw, 
Pinilit ko naman na labanan,

Pero mahal ang hirap pala magpanggap, 

Na sa tuwing kasama kita ay di na masarap,Yung apoy ng dati nating pagmamahal, Ay pinilit kong pagliyabin kaya ako napaso at nasaktan,Yung apoy na di naman nagtagal,Yung apoy na di na pala dapat sinindihan,

Napagtanto ko na madaling mahulog sa pagmamahal pero mahirap manatiling nagmamahal,

Ang hirap pala na tawagin kang mahal kahit hindi na talaga kita mahal, Patawad kung ako ang dahilan kung bat ang puso mo ay may malaking tandang pananong Mahal pinilit kong hindi ka saktan

Pero ayoko din naman na pag pinilit kitang mahalin,Ay baka kaya rin ako nitong patayin ,

Istorya ako, ako ang buhay na halimbawa ng pagsuko

Napansin ko na lang na nadala na pala ako nito dito,Nakakalito yung utak ko na nagsasabing sayo lang dapat akoPero yung puso ko ay iniwan na ako, Nandun na sya sa sunod na kabanata, sa pagpupunas ng luha, pagtayo at pagtingala, Mata sa langit, paa sa lupa, Bawal lumingon, dahil baka bumalik ang kahapon, Alam ko nakaraan na yon pero hindi ba sapat na parusa ang mapunit ang katawan ko para sa pagmamahal ko sayo?

Pasensya kung mas nauna pang maramdaman ng puso mo ang salitang 'paalam' bago pa manggaling sa sarili kong bibig,

Mahal, lahat ng magandang bagay ay may katapusan, pero hindi lahat ng malungkot na bagay ay magpapatuloy ng walang hanggan, Lahat ng tao namamatay, pero hindi lahat ng nabubuhay ay totoong nabubuhay, bago ako mawala, at kung sakali ngang ako talaga'y mawala, isipin mo na kailangan mo na ding kumawala dahil di ko alam kung mamahalin pa kita, pero mamatay man ako, ikaw lang ang minahal ko ng ganto...

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now