Spoken Word Poetry #15: MANATILI

152 1 0
                                    

  Manatili

 Ito ang gusto kong gawin mo hanggang sa hulihanggang sa dumating ang araw na ako'y mapapagod na sa laban natin.

 Gusto kong lumaban ka lumaban ka at tapusin ang sinimulan nating dalawaat pagkatapos nun babalik tayong muli sa umpisa.

 Sa umpisa kung saan tayo'y masaya pasa simula kung saan tayo'y sabik pa sa isa't isa, sa simula kung saan ako'y napahulog mo sintasa simula kung saan ika'y mahal na mahal ko pa.

 Subalit,subalit kung hindi mo na kaya sabihin mo lang,sabihin mo lang at magpapahinga tayong dalawasabihin mo lang at tayo'y titigil muna.

 Ngunit sana mahal,sana,ika'y manatili sa aking tabimanatili sakin at tayo'y lalabang mulitayo'y magpapahinga lamang tayo'y titigil lamang ngunit hindi tayo susukohindi tayo susuko sa labang ito dahil alam natin ang nasa dulonasa dulo ng paglalakbay at pakikipag-sapalarang ito ang inaasam-asam nating kaligayahan hanggang sa pagtandamga inaasam na pangarapmga pangarap nating dalawa sa hinaharapkung saan meron tayong masayang pamilya,magandang tahanan,at makasama ang isa't isa hanggang kamatayanKaya mahal,tanging hiling ko langna sana,sana manatili ka lang at wag na wag bibitawdahil lalaban tayong magkasama hanggang sa huli.  

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now