Isa, isang beses lang ako nag mahal ng totoo pero bakit ganito?
Dalawa, dalawa naman tayong nagmamahalan pero 'di pwede maging tayo.
Tatlo, tatlong beses ko ng pinag-isipan 'to pero ako pa rin ay litong lito.
Isa, dalawa, tatlo ako'y nagising, lahat ay napagtanto.
Ano man ang gawin ko, kailan ma'y 'di magiging tayo.
Maraming masasaktan, maraming maguguluhan kaya itigil na natin 'to.
Oo nga mahal kita, mahal mo ako pero hanggang doon na lang ang makakaya ko.
.
Puro sakit, hirap, luha't panghuhusga lang ang matatamo natin dito sa mundong ito.
'Wag na maghanap ng sagot, magtanong o magtaka.
Dahil kahit na ano man ang mangyari'y mahal pa rin kita.
Mahal kita, oo. Mahal na mahal kita.
Ngunit hanggang doon na lang, wala na tayong magagawa.
Dahil sa mata ng nakararami'y ito ay mali at kailanman ay 'di magiging tama.
'Di pwede maging tayo dahil 'yon daw ang mabuti at dapat nating ginagawa.
Pero tandaan mo kahit ako man ay lumayo, mawala at 'di na magpakita.
Itatak mo sa puso mo na mayroong nag-iisang ako, hindi magsasawa at hindi mapapagod na magsabi na mahal kita.