Pag ibig na nag simula sa paano
pag ibig na nag simula sa pagkakaibigang binuo
pag ibig na nag simula sa ikaw at ako
pag ibig na mali pero ipinag patuloy ko.
ipinag patuloy kasi alam ko na kaya ko,
kaya kong magtiis at hintayin ka hanggang sa dulo.
sa dulo na walang iba kundi tayo
pero sabi ng iba ay gisingin ko na daw ang sarili ko dahil nababaliw na daw ako.
sobrang ganda nadaw ng mga panag inip ko,
nananag inip na masaya ka na kasama ako at masaya tayo pareho.
kung ididilat ko lang daw ang mga mata ko,
makikita ko ang katotohanan kung gaano na ako ka tanga sayo.
tanga na kung tanag wala akong pakialam sa sasabihin nila,
mamahalin parin kita kahit nakakaawa ako sa mata nila.
pagmamahal na mali na mula sa umpisa,
bahala na basta ang iniisip ko ikaw lang wala ng iba.
bakit daw ako baliw na baliw sayo?
pinakitaan lng ng konting pagpapahalaga na inlove nadaw ako.
pagpapahalaga para lang gumaan ang pakiramdam ko,
pagpapahalaga na baka hindi naman daw totoo.
lagi nalang nilang sinasabi tumigil na ako,
kasi hindi mo daw ako mamahalin dahil iba ang mahal mo.
pero nandito parin ako,
pikit mata nagbubulag bulagan sa pagmamahal ko sayo.
lahat ng ipinakita mo saan kaya dun ang totoo?
sa tuwing nagtatanong ako hndi ko nakukuha ang mga sagot mo.
takot kabang aminin na akoy mahal mo?
o takot kalang baka masaktan mo lang ako?
sagutin mo naman sana kung meron akong puwang jan sa puso mo,
bahala na maging tanga basta malaman ko lng kahit konte minahal mo rin ako.
maniniwala nalang ba kaya ako sa sinasabi nila tungkol sayo?
o patuloy akong iibig kahit iba naman ang mahal mo?
sana balang araw mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan ko,
mahal naman kita kahit minsan nalilito na ako.
nakakalito dahil hindi ko na alam ang gagawin ko,
sa totoo lang? pagod na ako,
pero kinakaya ko dahl pareho tayong my ipinangako,
hndi ko lang alam kung yun ba ay magkakatotoo o atin ring maipapako,
kahit mahirap kakayanin ko lahat ng ito,
mamahalin parin kita kahit nag mumukha na akong tanga dahil sayo...