Spoken Word Poetry #8: "Aasa Pa Ba Ako?"

205 1 0
                                    

Totoo nga, walang permanente sa mundo.

Sa kung paanong katulad ng pag iwan mo sa puso koSa puso kong halos ikaw nalang ang tinitibok nito .

Sa kung paanong sa bawat pag ikot ng mundo Ay kasabay rin ang paulit ulit na pagkadurog sa puso ko.

Masama nga palang magmahal ng sobra na halos wala na sa aking natira.

Dahil inubos at inilaan na sayo lahat ng oras ko pati nga pera.

Pero hindi parin pala sapat, hindi pala sapat lahatLahat ng sakripisyo at pagmamahal ko sayoPara isalba ang relasyong matagal na iningatan ko.

Naging matatag ako.

Noong una, martyr pa ngaNa para bang kahit pagtawanan na ng iba ay hindi nalang iniindaKahit pa nga ang mga bulong nila'y isinisigaw naSinasabing "Matyr na nga, Tanga pa!"

Nagbulagbulagan ako sa mga panahong nakikita ko kayo

Nakikita sa malayo na magkasama, masaya sa isa't isa habang ako, nakatanaw sa malayo na waring kandilaIsang kandilang unti unting nauupos.

Mag isa, sa isang sulok ng kwarto
Na tanging ang loob lamang ng pasilyo
Ang syang nakakakita sa nasasaktang ako.
Ang mga unan, na syang ginagawang ikaw
Hindi para yakapin, kundi para wasakin
Upang mailabas lahat sakit at galit
Kasabay ang masaganang luha na patuloy sa pagbagsak
Na para bang isang malakas na buhos ng ulan

Hindi alam kung ang paghinto ay kailan?

Naglalakad papalayo, patungo sa kawalan.

Iniisip kung ano nga ba ang dahilan?

Kung bakit kailangan pang ako yung masaktan?Kung bakit kailangan pang ako yung lumisan?

Kung bakit ako yung kailangang iwan?

Dahil ba sa hindi ko siya kayang higitan?O baka dahil ang pagmamahal ko sayoay hindi mo lang talaga kayang suklian?

Tiniis ko lahat, lahat ng sakit.

Nagbabakasakaling maaayos paNa baka kaya pang maisalbaNa handang sumugal sa larangan ng pag ibig Pero Tama pa nga ba?

Aasa pa ba ako?

Kung pinamukha mo ng wala akong kwenta?Aasa pa ba ako?

Na babalik ka pa kung mas pinili mo ng makasama sya?Aasa pa ba ako?

Kung ikaw na mismo yung sumira sa pangarap nating dalawa?

Aasa pa ba ako?

Kung bumitaw ka na kahit alam mong akoy nakakapit pa?

Aasa pa ba ako?

Kung ikaw na yung gumawa ng paraan para sukuan kita?

Aasa pa ba ako?

Kung paulit ulit mong isinasampal sa akin.

Ang katotohanang sa buhay mo, wala na akong halaga. Kasi siya na yung Mahal mo at sayo'y nagpapasaya!

Aasa pa ba ako? Aasa pa nga ba ako?

Siguro? Hindi! Mali!Ayoko na. Hindi na.

Tama na yung isang beses na masabihang"TANGA!" ng mga taong mapanghusga.Tama na yung minsang pasakit.Minsang Naging martyr.

Minsang pinagpalit at minsang pagdurog sa puso ko Sa puso kong hindi ko alam kung Kaya pa bang mabuoO hahayaan na tuluyan ng maging isang bato.

Ayoko ng umasa.

Nakakapagod din pala. Dahil kung aasa na naman ako At hahayaang magpabulag sa matatamis mong salitaAy baka madaig ko pa ang titulo sa taong "PINAKATANGA!"

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now