2:Downfall

3 1 0
                                    

Para bang biglang nagpantig ang mga tenga ko habang sinasabi sakin ni dad ang mga salitang yun. Hindi ko alam pero parang nabingi ako na wala akong ni isang naintindihan sa mga sinabi niya. Unti unti nalang akong nakaramdam ng sakit.

Ethan, it's your mom..

Your mom is dead..

"Erine is dead.

Tita janet called me na tumawag ang airlines sa kanila ng sinakyan ng mama mo. Hindi nakarating sina Erine sa Rome nag crash ang plane due to engine malfunction, ayon sa findings lahat ng sakay ay patay kabilang na si Monic at ang mama mo.

Sa sandali na inangat ni dad yung mukha niya para harapin ako nakatingin lang ako sa mga mata niya.
Sa mga mata niya na unti unting napupunuan ng luha. Alam kong pinipigilan niyang umiyak. Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa balikat ko saka niya ko niyakap ng sobrang higpit. Habang ako, wala.

Wala akong maramdaman, natulala lang ako sa mga nangyayari. Tinanggal na ni dad yung pagkakahawak niya sakin. Tinignan niya ulit ako saka siya tumalikod at lumayo. Alam ni dad kung ano at kelan ako kailangan iwan. Kung saan kelangan ko ng mapag-isa. Naiwan padin ako sa kinatatayuan ko. Wala akong ibang iniisip kundi kung ano lang yung mga salitang binitiwan sakin ni dad. Nakikita ko parin siyang papalayo habang pinapawi niya yung mga luha sa mukha niya. Bigla nalang may parang kung anong hangin ang sumampal sa akin. Na sinasabing magising ako. Totoo na pala talaga,
"Truth Hurts"

hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Ansakit, sobrang sakit. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Gusto kong habulin si papa at sabihin sa kanyang bawiin niya lahat ng yun. Alam kong masiyahin at mapagbiro siyang tao pero hindi niya kayang magbiro ng ganito. Nanghihina man ako ngayon. Pero nagawa kong umalis ng bahay. Lumayo ako. Wala akong pakealam kung abutan nako ng dilim, hindi ko man alam kung saan ako pupunta o makakarating pero ang alam ko lang ay kelangan ko na mapagisip isip.

Nakarating nalang ako sa isang lugar. Sa lugar na kung saan ay napaka pamilyar sa akin. Napakaganda dito, maaliwalas ang hangin,tahimik at may mga ilaw. Walang gaanong tao dito at napapalibutan ako ng puno, damo at mga halaman. Kaya pala ako kusang dinala ng mga paa ko dito, dahil ito yung makakapagpagaan ng loob ko. Umupo ako sa isang bench at para bang may natanaw ako sa may di ka layuan. Navision ko si Mama, nakita ko siya kasa kasama ako. Kaming lahat, buo at kumpleto. Nakita ko na naman ulit yung mga ngiti niya. Ngiti niyang sobrang ganda habang pinagmamasdan kaming magkakapatid kasama si papa. Mahal na mahal niya kami, nilapitan niya ko. Hawak hawak niya ko habang tinuturuang mag bisekleta. Kahit kelan lampa ako, siya yung nagturo sakin tumayo sa sariling paa. Pinedal ko ang mga paa ko at unti na niyang tinanggal ang pagkakahawak sakin. Bakit ma? Nakatingin lang siya sakin. Binitawan niya nako kasi alam niyang natuto na ako at kaya ko ng mag-isa.

Nawali nadin yung vision niya. Sobrng bigat ng pakiramdam ko, Mom you said you we're going to leave just for 5 months. Pumayag naman ako a. You said we just have to trust you. I did. Pero bakit ganto? Kaya naman namin kayong inatayin ng months mom pero bakit ginawa niyong pang forever? Ambigat ansakit sakit. Kasi napaghandan naman namin yung pagalis niyo ng pansamantala pero hindi yung habang buhay na hindi na namin kayo makakasama. Andami pa nating gusto gawin together right? Mom a attend ka pa ng graduation ko, How about kelly? Gusto mo pa kami makita as successful diba? Na gusto mo pa na ipakilala ko sayo mom yung magiging girlfriend ko. How am I supposed to do that ? Ngayong wala kana.

Inilabas ko lang lahat ng sama ng loob ko sa pagsigaw at pagiyak hanggang sa napagod na ako. Naramdaman ko nalang na may lumapit sakin, si ate jennie niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Umuwi na tayo ethan, magpahinga kana. Habang na sa sasakyan kami, walang ni isa samin ang nagsasalita. Nakikita ko parin yung namumugtong mga mata ni ate dahil sa pagkakaiyak niya at ganun din ako. Papasok na kami sa loob ng bahay ng bigla niya akong tinawag.

Behold BeautyWhere stories live. Discover now