Ethan's Pov
kriiing-kriiing-kriiiing
Naputol yung tingin ko kay Angelica nang biglang tumawag si Mike.
"Hello Ethan, nasaan ka? Free ka ba ngayon?"
"Uy bro, pauwi pa lang. Why?"
"Tara try natin yung bagong bukas na bar, hindi naman ganon kalayo dyan sa Yonsei" pagyaya ni Mike.
Pumayag ako tutal wala rin naman halos gagawin, lumabas agad ako sa room at dumiretso sa parking area.
Habang nagdadrive ako papunta sa bagong bukas na bar na sinasabi ni Mike, nakita ko si Angelica na naglalakad. Siguro pauwi na rin siya sa kanila. Buti nalang dito sa Korea, kahit maaraw hindi ganoon kainit. Hindi katulad sa Pilipinas, laging maalinsangan sa paligid.
Nalagpasan ko na si Angelica, nilakasan ko na ang sounds ng sasakyan ko tutal ilang minuto pa naman bago makarating sa pupuntahan ko.
Ilang minuto lang at nakarating na ako dito sa Bars and Pubs. Mukhang magiging masayang inuman to lalo kasama ko pa sina Mike. Nasaan na nga ba sila?
"Ethan!!! Broo" bati ni Mike, sabay tapik sa balikat ko. "Buti naman at pwede ka ngayon, mukha kasing busy ka na sa acads eh"
"Haha hindi naman, marami lang talagang inasikaso last week kaya hindi ako nakagimik" patawa kong depensa sa kanila.
"Oh tara na, itry na natin kung ok ba ang services nila para hindi na tayo lumayo kung saka-sakali. Balita ko may mga chix din dito" loko loko talaga tong si DJ eh, puro chix ang alam.
Pumasok na agad kami, maganda ang concept at designs nila. Hindi na namin pinatagal at nagsipag-order na kami ng maiinom.
Sobrang laki na talaga ng pinagbago ko, yung Ethan na nasa Pilipinas noon, na isang simpleng estudyante? Ngayon, halos linggo linggo nang gumigimik kasama ang mga tropa.
Wala eh, naging gawi na rin siguro. Ito na kasi yung nagsisilbing stress reliever ko. Sobrang tagal na rin mula nung nawala si mom sa amin, pero until now kada naiisip ko yung way ng pagkawala niya, nasasaktan pa rin ako.
"Hey bro,You alright? bakit natulala ka na naman dyan? Daming chix oh, mamili ka na"
Naisip ko na naman pala si mom, buti nalang at tinapik agad ako ni Mike.
May bigla namang lumapit na babae sa akin.
"Hi baby boy"
"Hello miss. Haha" sabay alis ng kamay niya sa akin, lumayo na rin ako.
Eto na naman tayo. Pumupunta ako dito para mag-inom lang, hindi para mambabae. Ewan ko ba, sa dami ng mga pinapakilala nila sakin na babae wala akong natitipuhan.
May naging girlfriend na rin pala ako, tumagal kami ng 2 years but she cheated on me. Sobrang sakit nung una, pero ngayon okay na ako. Hindi na rin kami nakapagkita simula nung nagbreak kami, balita ko pumunta siya sa Canada at dun ipinagpatuloy ang pag-aaral niya.
"Bro, kailangan ko na umuwi. May mga assignments pa kasi na kailangan gawin. Next time nalang" hindi ako nagpapigil kina Mike at DJ, nauna na ako sa kanila.
Kahit nag-iinom ako, alam ko kung kailan dapat umuwi. Lalo kapag tumatawag na sakin si Kelly.
Pasakay na ako ng sasakyan nang makita ko si Angelica na may kausap na lalaki. Hindi ko naman iyon pinagtuunan ng pansin, sumakay na ako at nagdrive pauwi.
Nang makarating ako sa bahay, sinalubong ako ni Kelly at niyakap sabay sabing "I missed you kuya"
Kahit kailan talaga, napakasweet netong si Kelly. Hinawakan ko lang siya sa ulo at agad din akong dumiretso sa kwarto ko para magbihis.
Anong oras na rin pala, tinawag na ako ni Yaya para kumain ng hapunan.
YOU ARE READING
Behold Beauty
Short StoryPeople often say that 'beauty is in the eye of the beholder,' and I say that the most liberating thing about beauty is realizing that you are the beholder. ... You will never realized what real beauty means until you know truly who she is.