5:New Friend

1 1 0
                                    

Angelica's Pov

Andito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga pero mag aalas-dose na hindi ko parin magawa na makatulog. Ini-isip ko kasi yung nangyari kanina. yuyung paghalik sa akin ni ethan. Huhu yung First kiss kooo wala naaaaa! Anlakas siguro ng tama nun, ano bang nasa isip niya ? Siguro naman nadala lang siya sa sobrang kalasingan diba? Paano ba naman kasing ang isang katulad niya hahalikan ako? Diba parang kahibangan lang lahat ng yun kung iisipin. Nakakainis ka Ethan.

Dahil sa hindi talaga ako makatulog, kinuha ko yung cellphone na binigay sa akin ni Tita para magkaroon naman daw ako ng contact sa kanya in case at may magamit din ako para hindi na ako makihiram pa kay na manang.

Nag-open ako ng Facebook. Laking gulat ko ng may nag-add sa akin. bago to hindi rin ako ganun ka socialize na tao kaya medyo hindi pa ako marunong. Wala rin akong masyadong kakilala pa kaya kadalasan ay ako ang nag-aadd sa mga kilala ko lang o kaibigan ko.Bagong account ko lang din to para naman updated ako sa mga kinakailangan o news pati narin mga event. Agad kong tinignan sa Friend requests ng nag notification ito sakin. Pagkapindot ko nito lumabas yung pangalan na JayKee Roger. Nagtataka naman ako kung sino ito pero familiar sakin kaya pinindot ko yung pangalan niya para makita ko yung wall niya kahit hindi ko naman intention na mag-stalk. Sinilip ko yung profile picture niya at laking gulat ko, Si kevin pala to. Yung last time na naghatid sakin at nagtour sakin, Anlaki naman ng source ng taong to. Hahaha stalker ko ba siya? Ambilis naman niyang mahanap yung account ko medyo hindi ko rin kasi siya nakilala. Napaka-gwapo nya rin pala kung tutuusin. Ganun bako ka labo para hindi ko pa siya mapansin sa lagay na yan? Mga ilang minuto ko rin sigurong tinitignan yung timeline niya haha ano ba tong ginagawa ko ang creepy kung malalaman niya . Napakarami nyang picture at take note lahat ng ito ay kuha sa isang photoshoot. So Model din pala ito? Nakakapagtaka naman dun, bakit ako pa yung hinatid niya nung mga panahon na yun parang napaka pa espesyal ko namang tao ni hindi manlang ako nakabawi dun kay kevin. Mukha naman siyang busy na tao at madami siyang mga kaibigan yun siguro gusto ko sa side niya napaka friendly at mapagbiro niyang lalaki haha.

Gabing Gabi na baka ipadeport pa ako ni tita pag nalaman niyang kung ano ano ginagawa ko sa cellphone. Basta Focus muna ko sa study ko. Ayaw kong masayang ang pagpapaaral niya sa akin kahit na madalas niya akong pinapagalitan at sinasaktan.
Pagkatapos ng ilang scroll up and down ko nag pop up sa recommended friends yung name ni Ethan Collins, hindi ko tinangkang iadd manlang yun pero vinisit ko black lang profile niya and wala siyang masyadong post kundi yung 6years ago na picture lang niya kasama family niya. Natuwa naman ako kasi ang cute niya tignan dun mukhang ang saya saya niya nung bata pa. May kasama siga dun at mukhang nanay niya yun, magkamukha sila ang ganda ng ngiti ng nanay niya parehas sila ni ethan, bakit kaya ngayon madalang nalang siyang mag picture? Kung sino pa yung mukhang artistahin siya pa yung misteryoso. Ilang oras lang din ng onting pagbabasa ay naisipan ko naring matulog.
Itinago ko na yung cellphone ko tsaka nahiga at natulog na.

4:34 am....... 4:35 am Criiiiiiiing! Criiiiiinnngggg! cringggggggggg! criiii- click

Ahgh! Good Morning lord!" pagbangon ko ng paupo sa kama ko. Morning Ritual ko na to. Ang Batiin ng Good Morning agad si God pag gising ko.
Tumayo na ko sa aking pagkakahiga at inayos ito. Kinuha ko na yung towel ko at Pumunta na ng Cr. Kumilos narin ako para makaligo at nagtoothbrush.
Actually 8 am pa naman pasok ko ngayon pero kailangan gising na ko ng bago mag 5 am para magluto ng almusal at maglinis linis para naman di ako mapagalitan ni tita riva. 7 am Kasi Pasok ni tita sa kanyang trabaho kaya mga 6 am pa yun magigising.
Natapos ko ang mga kailangan kong gawin bago magalasais kaya tumaas Ako sa aking kwarto para magayos na ng mga gamit kong dadalahin sa school.

" Angeeeeeeeeeeeeeee! bumaba ka nga dito!" ayan na si tita. Sumisigaw na. Ano nanaman kaya ang nagawa kong mali. Haist! lagot ka nanaman Angelica.

pagbaba ko "Diba sinabi ko sayo kahapon na dumaan ka sa grocery para bumili ng mga stock natin dito sa bahay! Anong ginawa mo? Tingnan mo wala ng laman itong drawer natin ng stock" sabi nito sa akin
"Pasensya na po tita, naiwan ko po kasi dito sa bahay yung pera po na ibinigay niyo. Late na po kasi ako kahapon." Sabi ko dito

Behold BeautyWhere stories live. Discover now