3:One side

1 1 0
                                    


Angelica POV

Ilang araw na rin simula nang kuhain ako ni Tita Riva sa Pilipinas. Hindi pa ako masyado sanay sa mga pasikot sikot dito sa Korea maging sa mismong bahay ni tita ay hindi ko pa kabisado ang mga gamit.
Ako nga pala si Angelica Gomez, 18 years old. Kinuha ako ni Tita Riva upang pag-aralin at maging katulong na rin nila. Binigyan niya ako ng pagkakataon na makapag-aral dahil alam niya ang sitwasyon ng nanay ko ngayon, mabigat man sa kalooban kong iwan sina mama at kuya sa Pilipinas, mas pinili kong kayanin at magsakripisyo dahil gusto kong makapagtapos ng pag-aaral at makaahon sa hirap lalo na para matulungan ko sila mama at kuya. Aaminin kong hindi ganoon kabuti ang trato sakin ni tita riva pero malaki padin ang utang na loob ko lalo na ng pamilya namin sa kanya.

Hindi ko nagawang makita ang papa ko dahil bata pa lamang ako ay iniwan niya na kami sabi ni mama namatay daw sa isng aksidente ang dad namin, madami man akong tanong pero yun lang ang alam ko at madalas na ayaw na pagusapan pa ni mama. Si mama cristine lang ang mag-isang nagtataguyod sa amin ng kuya ko. Napakatagal na taon ni mama na nagsilbi na nagtatrabaho sa isang pabrika ng mga damit kaya ganun na lamang ang saya niya ng malaman niyang isasama ako sa korea para bigyang pagkakataong mag-aral. Hindi rin kasi sapat ang kinikita niya, dahil meron din siyang mga kailangan bilhin na gamot ni kuya. Noong nasa Pinas pa ako, tinutulungan ko si mama sa mga gawaing bahay, alam kong hindi siya nagsasabi pero may iniinda siyang sakit, paminsan minsan kasi ay madalas siyang hinahapo at inaatake ng asthma lalo na kapag nabibigla o masyadong madaming iniisip na problema pero sobrang nagsisipag siya at ginagawa niya yun para na rin may pambaon at pambayad ako sa mga gastusin sa paaralan pero minsan talaga dumadating yung araw na walang wala at kapos kami sa pera kaya hindi magawang mapagkasya. Sa side ni tita riva meron din siyang mga pinagkakaabalahan dahil nagpapatakbo siya ng sarili niyang business. Meron din siyang sariling lupa sa pagkakaalam ko nga ay noon napaka bait at matulungin niya down to earth nga daw kumbaga pero nagbago yun ng iwanan siya ng Papa niya dahil pinagpalit lang sila sa bagong pamilya nito kaya wala narin siyang nagawa pa para mabuo ang pamilya nila. Madalas rin na naiyak si tita mag-isa kaya ganun na lang ang pagintindi ko sa kanya sobrang mahal niya kasi ang daddy niya pero na buong akala niya hindi sila iiwan nakakalungkot nga dahil alam ko na gusto niya na makasama at makita dad niya pero hindi nila magawa dahil hindi na sila ang priority nito Kinakaya niya lahat ng pressure at pagod na dala ng trabaho pero iba na pag usapang pamilya.

Kung iisipin pwede kami iahon ni tita riva sa hirap, pero hindi ganun ang tingin namin sa buhay. Ayaw na ayaw ni mama na humingi ng tulong kay ate dahil sa kanilang dalawa dati ay si tita riva ang pinaka madaming pinagdaanan. Palagi niyang sinasabi sakin na anlaki ng pagkukulang niya kay ate nung mga bata pa sila kaya hindi siguro ganoon kaluwag ang trato sakin ni tita riva.

Ang kuya Mark ko naman ay isang special child kaya hindi niya magawang makapag-aral at hindi siya makatulong sa mga gastusin sa bahay. Pero kahit ganon, hindi kami nagkulang ni mama na iparamdam sa kanya kung gaano namin siya kamahal. Maaring kakaiba siya sa panlabas pero napakalambing niya kung makikilala mo siya ng maigi.

Nagdoble kayod si mama para mapag-aral ako simula nung elementarya hanggang highschool. Pero alam ni mama at alam kong hindi talaga kaya na mapag-aral pa ako sa kolehiyo. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na pumayag sa alok ni Tita Riva lalo pa't sa isang malaki at kilalang university sa Seoul Korea ?! Dun niya ako balak pag-aralin. Sino pa nga bang makakatanggi sa laki ng alok na yun.

Sobrang laking pasasalamat ni mama sa opportunity na ibinigay sa akin ng kapatid niya. Kahit hiyang hiya kami hindi ko sasayangin tong chance na to para makabawi manlang. Magkaibang-magkaiba sina mama at Tita Riva lalong lalo na sa estado ng buhay. Dito na sa Korea nakapag-asawa si tita ngayon at bumuo ng sarili niyang pamilya, mga bata pa ang dalawang anak na babae ni tita kaya asikasuhin pa. Walang ibang kasambahay sina tita kaya ako na halos ang nakilos sa mga gawaing bahay.

Behold BeautyWhere stories live. Discover now