6:Change

0 1 0
                                    

Next weekend Madaling araw palang tumunog na ng malakas ang Alarm clock ko ng walang humpay. Minsan nakakainis din kung kelan nasa kasarapan ka ng tulog at talagang wala kapang kapahi pahinga dahil sa dami mong ginagawa sa bahay at kailangan asikasuhin. Kailangan ko na pa lang gumising although wala kong pasok ngayon kahit mag 5am pa lang ay bumangon na ako Inalala ko kasi si tita riva at may pasok pa rin mukhang may importanteng meeting din siyang aattendan mamaya kahit weekend napaka busy niya na talaga kaya madalas ko na napapansin kay na lexi at mia na malungkot sila minsan na lang kasi nila makasama ang dad nila ngayon pati mama nila bihira nalang nila nakakasama, kaya no choice ako ngayon kundi maghanda na kasi ayokong sumama na naman ang mood ni tita.

Naalala ko tuloy bigla sina Mama at kuya sa pilipinas hala, kamusta na kaya sila. Nakausap ko naman sila the next day kaso hindi ko na ulit sila nakamusta nung medyo naging busy naulit ako. Oo nga pala ngayong araw nga pala kami magkikita ni Kiya ,paano ba yun?  Kinalimutan ko na nga dahil dun sa sinasabi nyang makeover makeover nayan..Hindi ko naman kasi kinagawian na magayos e, anubayan nakakahiya naman din kung biglang hindi ko sisiputin si kiya, okay na naman ako sa itsura ko eh. Problema ko pa pala to kung paano ako mag ra reason. kailangan kong magpaalam kay tita riva.. Ang hirap naman nito, gagawing ko pang reason tong pagpapaganda nato para lang makapag leave?

Sakto namang pababa na si tita sa may hagdan.
"Tita riva pagtawag ko sa kanya na may halong kaba. "Bakit ,ano na naman Angelica? sagot ni tita riva.

"Ah tita kasi magpapaalam lang po sana ako mamayang ala una, inaaya po kasi ako ni kiya yung bagong kong naging kaibigan sa yonsei na magpasama" sagot ko habang medyo kinakaban.

"Yun ba talaga ang reason mo? Anseryoso ng mukha niya, hala paano nato kinakabahan ako kasi ni minsan hindi ko magawang magsinungaling lalong lalo na kay tita. Pinagpaawisan nako pero nadulas ata tong dila ko at bigla nalang sumabat.
"Ang totoo po kasi tita niyaya po ako nung bago kong kaibigan na lumabas para po I treat ako na ipa makeover sorry tita kasi ano hindi ko naman po intensiyon na mag pagan--

Nang bigka niyang pinutol yung sasabihin ko. Sya sige Ange, natutuwa naman ako at marunong ka ng makipagkaibigan, at bakit hindi ka nga magpa makeover? Kala ko naman kung anong ipagpapaalam mo, Mabuti na rin yan ng umaliwalas ka naman sa paningin ko hindi ka kasi marunong mag ayos. Minsan ipakilala mo ako diyan kay kiya, pasalamat ka nalang at good mood ako a. Basta wag kang magpapaabot sakin na gagabihin ng uwe kung hindi ay nako hindi na kita papayagan sa susunod"sabi ni tita. "

Sa totoo lang ngayon lang ako nasabihan ng magaan ni tita ngayon. Ganun ba talaga ako kapangit tignan? Siguro nga kelangan ko rin to. Thank you po tita riva hindi po ako magpapagabe salamat po ulit" ang sagot ko kay tita ..Buti na lang talaga hindi nagalit si tita at pinayagan ako. Mukhang sumasang ayon naman yung panahon sakin ngayon.

"Alis na ko Ange linisin mo muna ang bahay bago ka umalis at pakainin mo ng almusal ang mga bata pagkatapos ay pumunta siya saglit sa kwarto nina Lexi at Mia nakita kong hinalikan niya sa noo yung mga bata napangiti naman ako..
"manang alis na ako  ah " "sige tita ingat po" sabi ko. "Sige po maam" sagot naman ni manang. "Angge anong meron? Mukhang hindi ata masungit si maam at binati pa kami. Natawa naman ako kay manang.

Nagsimula na akong maglinis at magasikaso ng bahay. Alas otso narin  ng gumising ang mga bata  pinakain ko na rin sila ng umagahan. Pinaliguan ko narin ng tuluyan na silang makapaglarong dalawa.
Ang cute cute nilang tignan. hayyy namimiss ko rin ang kapatid ko, madalas kasi kaming maglaro ni kuya nun at manuod nuod. Tinuturuan ko din siya ng mga tinuturo sakin ng teacher nung elementary kaya medyo marunong na siya magsulat. Namimiss kaya nila ako? Ano na kayang lagay nila don ni Mama? ..Angelica kailangan mong maging positive magkakasama rin kayo kelangan mo lang makapag tapos at pagbutihan pa ng maging proud sila sayo. Remember lahat ng to ginagawa mo for not for your own sake pero para sa pamilya mo sabi ng isip ko. Pa tanghali na pala parang ambilis naman ng oras sinimulan ko na ang pagligo ko at nagayos na ko kahit wala namang maayos hahaha.

Behold BeautyWhere stories live. Discover now