NOBODY's POV
Naalala niyo pa ba yung 4 bestfriend pa ni Yel? si Janine, Claire, Faye at April..? Si Elise lang kasi ang laging nandiyan para sa kanya dba?? Marami pa din kasing nangyari simula nung nagstart yung lovestory ni Cedrick at Daniella. Hindi nga lang masyadong pinagtuunan ng pansin ni Yel ang mga iyon dahil na din sa mga pangit na memories lang ang madadala nito ngayon...
Well. starting the "Faye is snobbed" incident, nagalit na si Faye kay Yel. Hindi na sila nagkausap nun.. Masyadong naging makitid ang utak ni Faye para intindihin na wala sa mood si Yel at nadala lang ito sa nararamdaman niya. Sa magkakaibigan kasi si Faye at Yel ang medyo malayo sa isa't isa.. lagi kasing naiinggit si Faye sa achievements ni Yel..
After nun ay si Janine at Claire naman ang nalayo kay Yel. Minsan na din kasi tinarayan ni Yel si Janine dahil masyado na tong nagiging mapamintas sa ibang tao. Ayaw kasi ni Yel ng ganun. Lalo na pag siya yung pipintasan. At nung minsan nagpapractice sila ng sayaw ay napagtripan ni Janine si Yel.. at sa inis ni Yel ay nagawa niyang barahin si Janine na siyang kinagalit nito. Lagi na niyang pinagtitripan si Yel simula nun, at dahil si Claire ang pinakamalapit kay Janine, kumampi si Claire kay Janine kahit na alam niyang mali naman talaga ito..
Nung una ay nagtampo si April kay Yel dahil masyado na nga daw itong naging busy at nawalan ng time sa barkada simula nung nagkaboyfriend ito.. pero di rin nagtagal napalitan yung tampo ng galit dahil na din sa.....
huling insidente na ang pagkakagalit ni April at Yel..Nilagay kasi ni Claire yung phone ni Faye sa bag ni Yel once, at nung mapansin ni Faye na wala na yung phone niya, na nakita naman na nakatago sa bag ni Yel, inakusahan siya nila April na magnanakaw at pati kaibigan ay tinatalo.. Si April kasi ang taong sobrang maprotekta sa kaibigan. at dahil akala nga nito ay ninakaw ni Yel yung phone ni Faye, nagalit na si April kay Yel..
Mag-isa lang si Yel simula nun, pero dahil alam ni Elise ang lahat, siya ang nanatiling nandiyan para sa kaibigan.. siya ang nakapitan ni Yel nung mga panahong down na down siya, at pati si Cedrick ay nawala sa kanya..
May nakilala namang new set of friends si Yel, mas matitino kaysa sa dati niyang mga kaibigan.. Pero hindi niya ito madalas nakakasama..
PInilit pa din naman ni Yel na magmove on at magsimula ng bagong buhay. Pamilya na lang halos ang meron siya ngayon pero nanganganib pang mawala... dahil na din sa nabuntis ni Cedrick si Yel....
DANiELLA's POV
Nandito ko sa Mcdo ngayon, ang lungkot lungkot kasi sa bahay. Wala akong makausap.. Wala din naman si Elise, nagbakasyon sa ibang bansa.. Ang lungkot lungkot talaga pag summer vacation, walang magawa sa bahay lagi... dalawang linggo na din kaming di naguusap ni Cedrick, cannot be reached lagi ang phone niya..
BINABASA MO ANG
You're kidding me, right?
Fiction généraleRATED SPG.. maraming scene dito will not be suitable for minors... Facebook? Diyan Nagsimula ang lahat. Minsan Nakakahiya, parang nakakahiyang ipagmalaki sa iba na yung boyfriend mo dun mo nakilala.. Pero ano naman ang nakakahiya sa paraan kung pa'n...