15th Hooked

78K 2.2K 1K
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.
H O O K E D
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Louise Angielyn Pallasigui. Happy reading!
-------------

Dare

"I-Iyon ang sekreto mo?" nagtataka at namumula ang aking mukha sa sarili kong tanong. Iniiwasan parin ni South ang aking mga mata.

"Don't be so flustered about it, Nana. That's called friendly kiss. Akala ko ba magkaibigan tayo? You change your mind?" nahawakan niya ang kanyang batok habang nagkakasalubong ang kilay at hindi parin makatingin.

"Friendly kiss?"

"Yeah..." he licked his lowerlip as he swallowed hard. "Wala akong maisip na sekretong sasabihin sa'yo kaya yan nalang para matigil kana sa kakakulit sa akin diyan sa sekreto na iyan." inis niyang sabi.

"Iyon na ang secret mo?"

Tumango siya, binalingan ako sandali pero nahulog rin ang tingin sa aking labi.

Ah. Yun naman pala! Friendly kiss. Ang babaw naman pala ng sekreto niya. Pero ang mahalaga roon, nanggaling na talaga sa kanyang bibig na magkaibigan na kami.

"Edi pwede mo iyong gawin anytime since friends na tayo?" tanong ko.

"Pwede..." halos pabulong nalang iyon, sakto lang para marinig ko. "Payag ka?"

Tumango agad ako. "Oo naman!"

Nailing siya. "How innocent."

"Since friends na tayo... Di ko sasabihin yung secret mo. Pero wala kana bang ibang sekreto, South? Eh ang bigat noong akin eh." sinilip ko ang mukha niyang iniiwas niya naman sa akin.

"Mabigat rin iyang akin. Kasing bigat iyan ng mga kamao ng pinsan mong tatama sa mukha ko pag nalaman nila iyang sekreto ko."

My eyes widened. Ganoon kalala?! Seryoso ba siya?!

"Masusuntok ka nila?!"

He nodded and licked his lowerlip as he stared on my lips. "Yeah..."

"Ang lala naman pala! Sige! Secret lang!" Nilingon ko muli ang pasilyo papuntang cr at itinuro iyon. "Nandoon ang cr. Hintayin nalang kita dito."

Tumango siya at naglakad rin doon. He even gripped his hair at tila binubulungan ang sarili. Di ko nalang iyon pinansin at umupo sa sofa para doon siya hintuin. Ganoon pala iyong friendly kiss. Edi ibig sabihin maraming iba't ibang klase ng halik? Magtanong kaya ako kay Cassey? Para kasing marami siyang alam sa ganito.

Pero ba't naman magagalit ang mga pinsan ko? Eh sa pagkakaalam ko, kahit sila ay sakim sa ganoong bagay. Minsan naririnig ko si Ken na sinasabi niyang masarap daw halikan iyong babae. So ibig sabihin, kaya pala siya friendly at normal lang na bigyan ng friendly kiss ang mga kaibigan mo.

Kaso ba't parang may kakaiba sa ganoong halik? Parang nakakatulala at nakakasabog ng dibdib. Ni hindi ata ako nakahinga ng ilang sigundo at halos magulat sa ginawa ni South. Is that even normal? Akala ko kasi iyong dapat mong halikan ay mga espesyal na tao para sa'yo. Espesyal na ba ako kay South kung ganoon? Hindi kaya ay itinuturing niya na talaga akong kaibigan?

Paglabas ni South ay tumayo agad ako. Bumuntong siya ng hininga nang masipat niya ang aking likod.

"How annoying." sabi niya sa kanyang sarili, sapat lamang na marinig ko.

"Huh?"

"Wala." iritado niyang ibinulsa ang kamay at nagkakasalubong na naman ang kilay.

Ang weird niya naman. Magpinsan nga sila ni Franca. Pati nga kay North naweweirdan ako eh.

H O O K E D (NGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon