41st Hooked

85.9K 2.5K 452
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.
H O O K E D
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Margareth Logroño. Happy reading!
--------

Drunk

"Ma'am," tawag muli sa akin noong sekretarya ni South sanhi para matigil ako sa kakaisip ng kung ano ano.

Iyon ang nagtulak kay South para lingunin ako nang marinig ang boses ng babae. Napalunok ako ng laway at ikinalma ang sarili. Tumayo siya at nailabas ang mga kamay na nasa bulsa. Ang mukhang nababagot ay tuluyang napalitan ng kung ano.

Naglakad akong muli habang iniinda ang paninitig ni South sa akin. Ang kanyang mga mata ay mabilis na nalaglag sa aking dibdib at walang ano anoy umigting iyon. Ang misteryosong mga mata ay dumidilim na akala mo nagbabadya ng kung anong kidlat.

"Maiwan ko na po kayo," sabi noong sekretarya nang maihatid rin ako sa harapan ni South.

Tumango lang ito, ni hindi na bumaling sa babae at pinaghila ako ng upuan. Imbes dumeritso ang mga mata sa akin ay napadpad iyong muli sa aking dibdib. His jaw clenched for the second time as he tried to eyed me.

"Have a seat," he said as his voice ran dry.

Pilit ang aking ngiti at umupo roon. Hinawi ko ang aking buhok para mapunta iyon sa aking likuran at mas lalong naexpose ang aking collarbone lalo na ang kalahati ng aking dibdib.

South, with his dark expression, sat infront of me looking so manly in his black polo, two bottons were opened and exposing a bit of his chest as his sleeves were rolled till his arms. Nakita ko pa ang silver niyang kwintas na simple lang. Wala iyong pendant pero mahahalatang mamahalin.

"Ba't mo nagawang bilhin ang mga designs ko?" panimula ko agad.

Sandaling bumaba muli ang kanyang tingin sa aking harapan saka dahan dahang iniakyat sa aking mga mata. Natuon naman ang aking atensyon sa ayos ng kanyang buhok na nakakadagdag sa pagiging intimidating niya. Ang kalahati nito ay nakasuklay paatras habang ang kalahati naman ay tumakas ang iilang kumpol at tumakip sa kalahati ng kanyang noo. His thick brows look serious with his angular cheekbone and sculpted jaw. Siya ata iyong may mukha na pag nakasalubong mo sa daan ay matatangay ang iyong tingin at mapapaliguan mo ng papuri sa iyong isipan dahil masyado iyong perpekto. He got his dark awra with intimidating look that would scare you to stare at him for a long time.

"Binibenta mo naman," sagot nito sa malalim na boses na ikinatigil ko sa pag-iisip ng kung ano ano.

"Pero lalake ka, at puro pambabae ang mga designs ko..."

Ang kanyang mga mata ay nalaglag muli sa aking dibdib. Naasiwa ako roon at tiningnan narin iyon na konting galaw ko lang o talon ay makikita na ang aking nipples. Noong nasa Canada ako, mas grabe pa nga iyong naisusuot ko na kulang nalang ay pangalanan nang "bra" dahil mukha talaga iyong brassiere sa tuwing may backyard party akong pinupuntahan.

Hindi siya nagsalita at parang may iniisip na ibang bagay kaya tumikhim ako para lang bumalik ang kanyang mga mata sa akin.

"Ibibigay mo ba iyon sa dinidate mong modelo? Si Frances?"

Naging interesado nalang ito bigla. Sumandal siya sa kanyang upuan at malalim na ang paninitig ng mga matang akala mo ay inaantok.

"You know her?" may galak sa boses na iyon.

Umiling ako, "sinabi lang sa akin ni Danica. Hindi na ako magtataka kung gumastos ka ng ilang milyon mabili lamang ang aking designs at maibigay lang sa babae mo," ang balak kong ngiting matamis ay nauwi sa tabang. Ni hindi ko alam kung saan ko pinaghuhugot ang mga salitang iyon.

H O O K E D (NGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon