18th Hooked

77.1K 2.4K 533
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.
H O O K E D
-PrftclyStbbrn

This chapter is dedicated to Catherine Lacara. Happy reading!
----------------

Kundi bibitawan kita

Nang araw na iyon, hindi ko na alam kung nagalit ba si Aries o ano. Pero nagsorry naman ako sa kanya through text. Maybe hindi na siya nakareply dahil sa pagod at hindi na ulit nakatawag dahil sa pagiging busy.

Si Kuya Toshi at Kuya Grey ay balik na ulit sa pagpapansinan. Para silang hindi nag-away noong nakaraang araw dahil normal na ulit ang pakikitungo nila sa isa't isa. Akala ko talaga ay mag-iiwasan na sila.

"Babae ang ganoon, Nana." sabi pa ni White sa akin noong sinabi ko ang bagay na iyon. Na akala ko ay magdededmahan sila.

Konting araw nalang ang natitira sa amin at pasukan na ulit. Kaya bago bumalik sa eskwela, nagplano silang mag-outing sa huling pagkakataon para mas masulit ang summer.

"Mga pantulog mo?" tanong sa akin ni White pagkababa ko ng aking kwarto.

"Tapos na. Nandito na lahat." Ipinakita ko sa kanya ang malaki kong bag. Kinuha niya naman iyon saka siya lumabas kung nasaan ang mga pinsan ko.

Katulad ng set-up namin sa van, ganoon parin ang naging upuan. Pero sumama ang mga Fortalejo kaya nadagdagan kami ng tatlo. Okay na ba si Chey at Irah? Dahil sa pagkakaalam ko ay sasama rin ang mga Buenaventura at alam kong hindi mawawala si Irah sa ganitong outing.

"Sino ang pipiliin ko! Ikaw ba na pangarap ko! O siya bang kumakatok sa puso ko ohhhh!" Pumaibabaw ang nakakarinding pagbirit ni Ken sa gitna ng byahe. Ang kamay ay madrama pang nasa ere at dalang dala sa kinakanta habang may papikit pikit.

"Pag di ka tumahimik ihahagis kita palabas at iiwan sa daan. Maglakad ka pauwi." inis na sabi ni Kuya Grey nang tingnan niya ito sa salamin.

Humalakhak si Ken. "Sa sobrang ganda ng boses ko ganyan ka kaaffected?"

Nasa likod sila ni White at Hiro. Tumabi kasi ako kay Cassey at si Daph naman ang nasa aking gilid. Sa harapan namin ay ang kambal at nasa gilid nila si Kuya Toshi na may suot na headset at nasa labas lamang ng bintana ang tingin. Sa harapan naman ay si Shanaia, Elle at Zera, front seat parin si Chey at nagmamaneho si Kuya Grey.

Sinamaan lamang ng tingin ni Kuya Grey si Ken at nilakasan ang volume noong kanta. Mga kanta iyon ni Lany at Lauv.

Busy si Cassey sa kakascroll sa kanyang instagram. Nakita ko pa ang artistang hinintuan niya dahil naghahalikan iyon.

"Friendly kiss." sabi ko na ikinalingon niya sa akin.

"This is not a friendly kiss, Nana."

"Huh? Hindi ba? Pero friendly kiss ang tawag diyan."

Nasira agad ang kanyang ekspresyon. "Sinong may sabi, iyong pinsan mong inuuto ka?" Nilingon niya ang aming likuran kaya lumingon rin ako at nakitang tulog na tulog si White.

"Hindi iyan friendly kiss kung ganoon?" tanong ko.

"Ang friendly kiss ay sa cheeks lang. Kung may pasasalamatan ka. Ganoon."

Pasasalamatan? Pero ano namang ipinapasalamat ni South? Sabagay, iyon daw ang secret niya.

"Edi anong tawag sa ganyang halik?"

"Torrid."

Torrid? Iyong ginawa ni Irah kay Kuya Grey? Hindi ko kasi nakita paano niya iyon ginawa kaya wala akong ediya.

H O O K E D (NGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon