52nd Hooked

106K 2.6K 571
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.
H O O K E D
-PrfctlyStbbrn

Belated happy birthday to Noemi Dequito. Thankyouu for inviting me at sa foods narin. Happy reading!
--------------

Interview

Noong bata pa ako, hindi ko lubusang maintindihan ang mga pinsan kong babae bakit ayaw nilang magkaroon ako ng kaibigan. Ni palaisipan sa akin ang kanilang mga ugali kung bakit tinatarayan nila ang mga taong gusto lang namang mapalapit sa akin. Ngayon, sa nangyari sa akin,napagtanto ko ang tunay na dahilan kung bat ako nilalayo ng mga pinsan ko sa mga tao, kung bakit mas magandang wala kang kaibigan. Kahit gaano ka pala kabait, may mga taong sisiraan ka parin at pakikitunguhan ka ng masama kahit na wala ka namang ginagawa. Hindi na ako magtataka kung ba't ang katulad kong inosente noon ay pilit binabakuran ng mga pinsan ko at masyadong mahigpit dahil kabisado nila ang mundo kumpara sa akin na walang nakikitang masama at puro lang kabutihan.

Naaalala ko iyong mga gabing umiiyak ako sa aking kwarto dahil sa paglisan namin sa Pilipinas at hindi ko pa magawang mag-adjust doon sa pinapasukan ko. Palagi akong tinatahan ni Mommy at pinapayuhan.

"Alam mo Nana, noong nasa edad mo ako ay napakalala ng ugali ko. Hindi ako magdadalawang-isip manampal ng taong tatarayan ako. Palagi akong naka bitch mode on dahil alam ko, lahat ng tao ay kaya akong durugin kung ipinakita ko sa kanila ang kahinaan ko. I only have myself that time... Wala si Daddy, si Mommy... at tanging si Autumn lang ang kasangga ko maliban lang sa sarili ko. Idagdag pa ang depression ko na umaatake minsan. Pero nagpaapi ba ako? No." Hinawi niya ang aking buhok para punasan ang aking luha.

"P-Pero My, h-hindi naman ako katulad mo na malakas... D-Di ko po kayang magtaray k-kasi ang sabi ni Daddy, masama iyon."

Umiling-iling si Mommy, "Walang masama kung ang hangad mo lang naman ay ipagtanggol ang sarili mo. Paano nalang kung dadating ang araw na tatayo ka sa sarili mong mga paa at mag-isang lalaban? Magpapatalo ka ganoon ba?"

Humingos ako at umiling. Kinusot ko pa ang aking mga mata para lang mahinto ang aking mga luha sa pagpatak.

"Inaamin ko maldita ako noon Nana, pero wala akong pinagsisihan sa ugali kong ganoon dahil alam kong nasa lugar naman at lumalabas lang pag may mga taong pakiramdam ko ay gusto akong hilain pababa. At gusto ko, kahit konti man lang, matuto kang ipaglaban ang sarili mo lalo na kung alam mong wala ka namang kasalanan."

Iyon ang tumatak sa aking utak noong mga panahong hinang hina ako at pakiramdam ko ay durog na durog ako sa mga nangyari sa akin. Naisip ko iyong sinabi ni Mommy na nakaya niyang tumayo sa kabila ng lahat kahit na walang umaalalay sa kanya na mga magulang. Maswerte pa nga ako dahil nasa tabi ko sila at hindi nila ako iniwan. Kaya ngayon, ayokong biguin ang aking sarili lalo na't ipinangako kong iyon na ang huling magpapaapi ako.

"Miss Cana, gusto niyo pong lagyan ko kayo ng retouch?" nag-aalalang tanong noong staff nang makita ang pamumula ng isa kong pisngi.

Umiling ako, "H'wag na salamat. Handa na ako sa interview."

"Gusto niyo po bang makita ang script bago natin ito iere lalo na't live po para mapag-isipan niyo ang isasagot niyo at maalis namin iyong mga tanong na hindi niyo kayang sagutin,"

Umiling akong muli sa isang staff na may nakalagay pang maliit na mikropono sa kanyang bibig.

"Handa akong sagutin lahat at nandito rin ako para tuldukan ang issue," paliwanag ko sa mahinahon na boses na ikinakumbinsi rin naman nila.

Tahimik lang ako sa aking upuan at hinihintay nalang ang hudyat na magsisimula na ang interview. Aligaga ang lahat ng staff na kahit ang mga camera man ay naghahanda narin. Kumakain pa iyong interviewer sa aking harapan ng isang sandwich total hindi pa nagsisimula. Inalok niya ako noon pero umiling lang ako. Ni nakalimutan ko na ang gutom sa mga nangyayari at gusto ko nalang ay matapos ang sakit sa ulo na ito.

H O O K E D (NGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon