46th Hooked

101K 2.7K 339
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.
H O O K E D
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Alice Amparo. Happy reading!
-----

Araw-araw

Naging busy rin naman ako sa iba pang sumunod na araw dahil sa mga guesting ko at mga interviews. Hindi ko naman magawang tanggihan lalo na't nagsisimula narin akong itayo ang sarili kong building para maging aware rin ang lahat roon. Iyong nangyari sa isang estasyon ay naging tikom ang bibig dahil narin sa pagbabanta ni South roon sa Manager.

Nakakapaso ang pagtama ng init sa aking balat nang makalabas ako sa kotse. Ang malawak na lupaing ibinigay sa akin ni Lolo Rico ang bumalandra sa aking harapan pagkalabas ko. May maliit na rest house sa hindi kalayuan at gawa sa narra tree. Para iyong modernong bahay kubo dahil sa ganda nito.

"Doon tayo," hinawakan ni South ang aking siko para kunin ang aking atensyon. Tumango ako at naglakad patungo roon.

Binisita naming dalawa ang site ng pagtatayuan noong building para maestima niya rin ang gagawin niyang desinyo at kung gaano lang ito kalaki. Malawak naman ang lupain at sapat lang iyon sa naisip kong building.

Pumasok kami sa veranda noon. Ang sahig nito ay gawa sa makintab na kahoy na kahit iyong railings ay ganoon rin. Wala iyong pinto sa loob at halatang ginawa lang talaga para may masilongan sa mainit na panahon lalo na't masyadong malawak ang lupaing hindi pa natatayuan ng kung ano.

Nagtungo si South roon sa malaking mesa at doon inilapag ang kanyang blueprints. Lumapit ako sa kanya at sinilip narin iyon. Ipinaliwanag niya naman ang interior design. Ang kanyang pinagbasehan narin ay iyong ibinigay kong pictures at sobrang namangha ako sa sketches niya. Kahit hindi pa naman iyon nakukulayan ay naiimagine ko na agad iyong kabuuan ng loob.

"Are you fine with the design of your lobby?" Ipinakita niya sa akin iyong isa niyang sketch na agad kong ikinatango. Masyado naman atang maganda!

"Sobra!" namamangha kong sabi at hindi na maalis ang tingin roon.

He smirked cockily. Kinuha ko pa iyong iba niyang sketches na mas ikinalaki ng aking mga mata dahil sobrang linis ng kanyang pagkakadesinyo ng bawat detalye noong floor.

Ipinaliwanag niya rin sa akin iyong concrete materials na magagamit na ikinakontento ko naman. Hindi ko siya magawang pagdudahan sa kanyang kapasidad bilang Architect dahil maski ako ay namamangha na. Kaya pala napaka indemand niya dahil halatang malinis at mabusisi ang kanyang designs.

"I'll send some men on the site tomorrow to start the construction," saad niya na ikinatango ko.

Palagi na kaming magkasama ni South at araw araw ata ay naroon na kami sa resthouse noong site dahil gusto ko ring makita iyong pagbuo nila ng building. Pwede naman sanang bisitahin ko nalang tuwing weekends pero ang sabi rin ni South ay mas maganda kung matutukan ko rin ng pansin kaya pumayag narin ako.

Sa sumunod na araw ay maaga ulit kami sa site. Nagkalat na roon sa paligid ang mga matetyales ng itatayong gusali at ang mga tauhan ni South. They're wearing some yellow long sleeve uniforms together with their yellow safety helmets. Tiningnan ko iyong malaking kulay dilaw na bulldozers, dump trucks, cranes at ano ano pang nakikita sa isang construction site na nagdadala ng mga heavy equipments na hindi na kaya noong mga tauhan.

"Good morning Ma'am!" bati noong iilang tauhan na may malalapad na ngiti sa akin at kumapay pa.

"Good morning!" Nginitian ko sila isa isa at marahang lumapit roon.

"Okay lang ba kayo? Hindi ba iyan mabibigat?" Pinagtuturo ko iyong mga malalaking equipments sa gilid.

"Mabigat po Ma'am pero may mga vehicles naman," saad noong isa na ikinatango ko.

H O O K E D (NGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon