17th Hooked

72.3K 2.5K 391
                                    

Vote. Comment. Be a Fan.
H O O K E D
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Red Valerio, Arianne Agura, Gwyneth Calaque, Irah Codilla, Jelaine Sariego. No more bullying ha. Masakit ang ganti HAHAAHHAAHAHAH. Happy reading!

------------

With me

South wants to keep me. Hindi ko alam kung ba't labis akong nasiyahan sa pahayag niyang iyon. Para akong nakalutang sa ere at gustong magdiwang. Ibig sabihin lang noon, nagiging malalim na ang friendship naming dalawa. Nagiging hooked na kaming dalawa sa isa't isa at mas nagkakaroon ng koneksyon.

Pinadala niya sa akin iyong ice cream pauwi. Pagkauwi ko ay wala pa naman ang parents ko kaya nakapagdesisyon nalang akong sabihin sa aking parents na galing ulit ako sa bahay nila South. Buti nalang hindi ako nadatnan ni North roon. Sa kanilang dalawa, si South ata ang mas madalas mamalagi sa bahay kaysa kay North na gustong lumabas labas.

Gabi na noong makatanggap ako ng tawag kay Aries. Nanlalaki ang aking mga mata at nakalimutan lahat ng nangyari roon sa bahay nila South dahil tuluyan na akong nablangko. Lumunok ako ng laway saka iyon sinagot.

"Hey..."

"Aries," klaro ko ng tawag sa kanya. Hindi na ako gaanong nauutal at medyo nasasanay na kahit papaano.

"Can we meet right now? Are you free?" tanong niya sa pagod at malalim na boses.

Natingnan ko agad ang orasan sa gilid ng aking kama at nakita roon ang nakabold na 07: 35. Ilang minuto nalang ay dadating na sila Mommy at Daddy. Minsan kasi eksaktong 8 sila dumadating o wala pang 8.

"Saan ba tayo magkikita?" tanong ko. Tumayo na ako at pumasok sa aking walk-in closet para makapili ng susuotin.

"Nasa hotel ako ngayon. I'll text you the exact address. I'll wait for you."

"Okay sige! Magbibihis lang ako."

"Okay..."

Namatay ang tawag kaya nagkandaugaga agad ako sa pagkalkal ng pwedeng isuot. Magdress kaya ako? O pants?

Hinila ko iyong hanger at nabunot ang isang cream na dress kaya iyon nalang ang napagdesisyunan kong suotin. Mabilis ang aking galaw at todo dampot na ako ng mga cute na bracelet.

Habang kumukuha ako ng sandals ay tinatawagan ko naman si South. Mabilis ang pagsagot nito, niloudspeak ko nalang iyon habang sinusuot ang sandals ko na may laces pa.

"Oh?" may buhay ang boses na iyon.

"South! Si Aries tumawag! Makikipagkita daw siya! Punta ka dito bilis. Maya maya dadating na si Mommy at Daddy, ipagpaalam mo ako please..." pilit kong nililingon ng bawat sigundo ang screen ng aking cellphone habang nakayuko ako at inaabot ang aking paa. Nakaupo ako sa aking kama na kahit ang aking utak ay nagiging mabilis narin ang pag-iisip sa susunod kong gagawin.

"Ah..." ang may buhay niyang boses kanina ay biglang naging matabang. "Sige. Papunta na." saka namatay ang tawag.

Itinext ko muna siyang dalhin ang brownies na ginawa ko pagkatapos ay dumampot nalang ako ng slingbag saka polbo at bumaba rin. Saktong pagkababa ko ay ang pagtunog naman ng busina ng kotse sa labas ng gate. Sila Mommy at Daddy na ata iyan.

Sa labas ko na sila sinalubong. Kakalabas palang ni Mommy sa may front seat ay napunta agad ang kanyang tingin sa akin.

"May lakad kayo ni South?" tanong agad nito.

H O O K E D (NGS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon